"Hey honey" napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Clyde. Ngumiti ako sakanya at lumapit naman siya sakin. "Anong iniisip mo?" Tanong niya. Yumakap siya sakin mula sa likod kaya naman sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya.
"Iniisip ko yung vow mo kahapon" Nakangiting sabi ko. Dahan dahan naman niya akong hinarap sakanya.
"Sorry kung hindi na tayo nakapag usap kagabi." Nginitian ko si Clyde at hinalikan sa labi. Naiintindihan ko naman kung bakit di kami nakapag usap kagabi. Sobrang busy sa reception at halos wala na kaming time mag usap. Nung makauwi naman ay deretsyo tulog kami dahil sa sobrang pagod. Ilang beses akong inaya ni Clyde na mauna na kami para makapag pahinga ako pero hindi ako pumapayag.
"Okay lang, pwede naman na siguro tayo mag usap ngayon" Malumanay na sabi ko at tumango naman siya sakin. Nasa garden kami ngayon, dito namin naisipan mag breakfast kasama sila mama at papa (parents ni Clyde). Umupo ako sa upuang binigay ni Clyde kanina at nakita ko din siyang umupo sa katabi ko.
"Alam mo bang halos hindi ako maniwala sa nangyayari kahapon?" Paninimula ko. "Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman o kung may dapat ba akong maramdaman. Parang may roller coaster sa dibdib ko. Naghahalo yung kaba, takot, pananabik at pagmamahal. Akala ko panaginip lang ang lahat kahapon, akala ko pag gising ko kanina balik na naman ako sa dati pero hindi e. Totoo lahat" Natatawang sabi ko at titig na titig naman sakin si Clyde.
"Alam mo bang pangalawang beses na dapat akong susuko sayo? Pero dahil sa ginawa mo, yung pag suko na dapat gagawin ko naglaho bigla. Sabi ko baka sign talaga yun na ikaw lang ang dapat kong mahalin, na ikaw lang ang lalaking makakapanakit at the same time makakapagpasaya sakin ng sobra" Nakangiting sabi ko. "Hindi ako naniwala sa sinasabi nila Anne dahil gusto ko sayo ko mismo maririnig, oo pinapadama mo pero alam mo yun? Mas masarap sa feeling pag sinabi mo mismo na mahal moko, kase sa pag kakaalam ko, walang wala ang pagpaparamdam mo sa nararamdaman mo kung di mo naman kayang sabihin. Kaya kahapon, nung sabihin mong mahal mo din ako para ako nakalutang, parang lumundag hanggang langit yung puso ko. Sobrang saya ko" Nakangiting kwento ko at pinunasan ang luha ko.
"Totoo naman lahat ng sinabi mo diba? O para lang sa kasal kaya mo sinabi yun?" Seryoso at deretsyong tanong ko. Wala naman akong mabasang reaction ni Clyde kaya tinitigan ko na lang siya sa mata at hinintay ang sagot niya. Kinakabahan ako, kasi pano pag sinabi niyang 'oo, para sa kasal lang yun' tangina sasapakin ko talaga ang lalaking 'to.
"Sinabi ko lahat yun dahil yun ang totoong nararamdaman ko" Mahina pero seryosong sabi niya. Para naman akong nakahinga ng maluwag. "Mahal na mahal kita. At humihingi ako ng pasensya dahil naduwag ako. Naduwag akong sabihin sayo ang totoong nararamdaman ko, naduwag akong malaman mo kasi baka hindi tayo parehas ng nararamdaman. Hindi ko ipinaalam sayo dahil baka lumayo ka sakin pero hindi ko alam na dahil pa pala sa kaduwagan ko kaya ka napalayo sakin, kaya kita nasaktan, kaya kita napaiyak, kaya hirap kang maniwala na." Huminga si Clyde ng malalim at hinaplos ang pisngi ko. "Pero ngayon hinding hindi na ako matatakot, dahil sisiguraduhin kong hindi ka mag sisisi na ako ang minahal mo" Nakangiting sabi niya kaya mas napangiti ako. Hinalikan niya ako sa labi pati na sa noo.
"I love you" Sabi ni Clyde. Tinignan ko ang mga mata niya at kitang kita ko doon ang totoong nararamdaman niya, ang pagmamahal at saya.
"I love you more" Nakangiting sagot ko.
Ngayon masasabi kong masaya na talaga ang puso ko, mahal ako ng taong mahal ko at kasal pa kaming dalawa. At mas masaya ako dahil magkakaron ng kompletong pamilya ang anak ko.
-------
Everything went well, naging maayos kami at nakikita at nararamdaman ko ang pagmamahal niya sakin. Every morning pag gising ko ay may pagkain na sa bedside table namin. Napaka maalaga niya at kung minsan ay gusto niyang siya na ang magpaligo sakin para hindi na daw ako kumilos. Madaming nagsasabi na ang OA daw, specially ang nga kapatid ni Clyde, patuloy nilang inaasar si Clyde na baka daw iwan ko si Clyde dahil sa pagiging oa nito na tinatawanan ko lang.
BINABASA MO ANG
Until The End [COMPLETED]
General Fiction(Seyon Series#1) Isa lang naman ang gusto ni Patricia, at yun ay ang mapansin siya ng taong matagal na niyang mahal. Lahat ay nagawa na niya para mapansin siya ng binata pero mukhang masyadong mapaglaro ang tadhana dahil maski kahit kaunti ay hindi...