Clyde's pov
"Aaaah...aray..." habol ang hiningang sabi ni Patricia habang hawak ng mahigpit ang kamay ko. Aaminin kong nasasaktan ako sa paghawak niya dahil bumabaon na din ang kuko niya sa balat ko pero alam kong walang wala ang sakit na nararamdaman ko kesa sa sakit na nararamdaman niya at ako lang ang makakapitan niya sa ganitong sitwasyon.
"Mrs. Ire lang po" Sabi ng doctor kay Patricia at sinamaan niya naman ito ng tingin na binalewala ng doctor.
"Hindi... ba pwedeng... time out muna?!" hingal na sigaw niya, punong puno na din ng pawis ang mukha niya at kanina ko pa siya gustong punasan pero everytime na gagawin ko yun ay tinatabi niya ang kamay ko at binibigyan ako ng isang masamang tingin.
"Mrs hindi po pwede. Nakikita ko na ang ulo ni baby kaya kung gusto mong matapos na ito ay ilabas mo na si baby, kung hindi ay mas mahihirapan ka." Sagot ng Doctor at napahinga naman ng malalim si Patricia pagkatapos ay masama akong tiningnan.
"Hindi na ulit ako mag papabuntis sayo!" Sigaw niya sakin bago muling umire. Hindi na lang ako umimik ay mas hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Nag suggest ako na i cesarean na lang siya pero hindi siya pumayag, mas gusto niya daw na ipanganak ng normal ang anak namin.
Lumipas ang ilang oras at maayos namang na ideliver ng asawa ko ang pangalawa naming anak. Oo pangalawa dahil five months after niya manganak ay nasundan na agad namin. Pero ngayon mukhang hindi na masusunda pa ang prinsesa namin.
Pero malay natin maka three points ulit hehehe
"Oh kamusta?" Tanong ni Ian nang makapasok sila sa private room na tinutulugan ngayon ni Patricia. Naubos ang lakas niya kaya nang mailabas niya ang prinsesa namin ay nakatulog na agad siya.
"Ayun, gaya nung nauna nakatulog na naman siya pag tapos manganak." Sagot ko bago umupo sa tabi niya. Totoo nga yung sinabi nilang pagkatapos ng sarap ay may hirap pero may panibagong sarap ulit.
"Balak mo pa bang dagdagan?" Natatawang tanong ni Andri kaya bahagya din akong natawa.
"Parang wag na, baka isumpa na ako ng reyna ko pag nagkataon e" Natatawang sagot ko na tinawanan din nila.
"Corny naman ng reyna" Komento ni Andri.
"Palibhasa hindi kapa nag kaka asawa kaya bitter ka" Sagot ko.
"Panong mag kakaasawa e girlfriend nga wala din" Sabat ni Samuel.
"Wow! Nagsalita ang hindi single" Pagpaparinig ni Andri at sinamaan naman siya ng tingin ni Samuel.
"Manahimik nga kayo" Inis na sabi ni Ian at nanahimik nga ang dalawa.
"Sino pala ang nag aalaga sa anak ko?" Tanong ko nang mapansin kong andito ang tatlong tukmol na ito. Si Christina ay hindi pwedeng lumabas dahil kabuwanan na niya. Si mommy at daddy naman ay nasa vacation nila sa london.
"Dumating si Ford at Steven. Sila ang nag presinta na mag alaga at pinapunta na kami dito para daw may katulong ka" Si Samuel. Masasabi kong isa si Ford at Steven sa mga taong sobrang naging malapit samin at parang naging parte na din ng pamilya namin. Dumarating nga lang sa point na nakakainis na sila at nakakaselos dahil inaagaw nila ang time ni Patricia sakin. Pero naiintindihan ko, mag kakaasawa din naman ang mga yan. Sobra sobra na ang nabigay nilang tulong samin lalo na kay Patricia at sa panganay naming anak kaya sobrang laki ng pasasalamat ko sakanila. Sila ang tumayong asawa ni Patricia nung mga panahong wala ako.
BINABASA MO ANG
Until The End [COMPLETED]
General Fiction(Seyon Series#1) Isa lang naman ang gusto ni Patricia, at yun ay ang mapansin siya ng taong matagal na niyang mahal. Lahat ay nagawa na niya para mapansin siya ng binata pero mukhang masyadong mapaglaro ang tadhana dahil maski kahit kaunti ay hindi...