Huminga muna ako ng malalim bago ako tuluyang lumabas sa kwarto. Nakita ko naman si Clyde na buhat buhat si Angelo habang dumedede ito sa bote.
"Angelo, hold your bottle" Saway ko dito dahil si Clyde ang may hawak ng bote nito. Umiling naman si Angelo sakin kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Angelo" May pag babanta sa boses ko kaya agad niyang hinawakan ang bote niya.
Tatlong taon na si Angelo kaya dapat lang na masanay na siya na hindi na binibaby pa. Nakakaintindi na din naman ito kahit papaano.
"Okay lang naman" Sabi ni Clyde habang nakatingin siya sa mata ko na agad ko ding iniwasan.
"Masasanay yan pag ganyan. Baka mahirapan si Mrs. Ramos" Sagot ko at lumapit sakanila. Hinalikan ko si Angelo sa noo bago ako humarap kay Clyde.
"Anong gusto mong tanghalian?" Tanong ko sakanya. Pinipilit kong wag mailang at mukhang nag wowork naman. Kailangan ko lang umarte na parang walang nangyari kahit ang totoo ay onti na lang at lalabas na ang puso ko sa katawan ko.
"You'll cook for us?" Nakangiting tanong ni Clyde kaya tumango ako bilang sagot.
"Hmm" umarte ito na parang nagiisip pagkatapos ay ginamit ni Clyde ang isa niyang kamay para hapitin ako sa bewang. Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa kaba at pagkailang pero mas nangingibabaw ang saya sa puso ko. Gusto kong hilingin na wag na matapos ang araw na ito.
Hinihiling ko na sana wag na matapos to. Kahit ito lang oh! Pagbigyan niyo na puso ko.
"I want tinolang manok" Nakangiting sabi niya kaya ngumiti ako sakanya pabalik.
"Then, its tinolang manok. Mamalengke lang ako, bantayan mo muna si Angelo" Nakangiting sabi ko.
"Lalabas ka?" Tanong ni Clyde.
"Oo, mamalengke nga diba?" Sagot ko.
"Sama ako!" Mabilis na sabi niya na agad ko ding inilingan.
"Hindi pwede! You stay here! Bantayan mo si baby. Malapit lang naman ang palengke dito, e. Tsaka masyadong crowded dun mamaya umiyak lang ng umiyak si Angelo." Sabi ko.
"But--"
"No more buts, Clyde. I'll be back, okay?" Sabi ko at hinalikan pa muna siya sa pisngi pati na din si Angelo. Nakangiti akong lumabas sa bahay pero agad din akong natigilan nang mapagtanto ko kung ano ang ginawa ko.
Did i? Did i kiss him?
"Oemg!" Ano bang nanyayari sakin? Bakit hindi ko na naiisip kung ano ang ginagawa ko? Bakit ganito? Bakit parang sanay ako na halikan na lang siya bigla? Bakit nagkakaganito ang katawan ko?
Nawawalan na ako ng control. Hindi na ako magtataka kung malalaman niya na may nararamdaman ako para sakanya.
Ah bahala na nga! Mamaya ko na iisipin lahat bibili na muna ako ng kailangan ko para sa pagluluto.
Wala pang isang oras ay nakabalik na ako sa bahay at sakto namang nakita ko si Clyde na nilalaro si Angelo. Masaya silang nagtatawanan kaya naman sumandal pa muna ako sa hamba ng pintuan at pinagmasdan sila. May ginagawa si Clyde sa mukha niya na ginagaya naman ni Angelo at dahil sa cuteness ni Angelo ay napapatawa si Clyde at nahahawa naman si Angelo.
Ang sarap nilang pagmasdan. Ganito din kaya ang mangyayari pag totoong naging pamilya kami? Ah sige asa pa.
Ngayon ko lang nakita si Clyde na ganito kasaya. Ang ngiting hindi niya pinapakita sa iba. Mga ngiting kailangan mong titigan talaga dahil baka bigla na lang itong mawala. Gwapo siya pag seryoso pero mas gumagwapo siya pag nakangiti at tumatawa.
BINABASA MO ANG
Until The End [COMPLETED]
General Fiction(Seyon Series#1) Isa lang naman ang gusto ni Patricia, at yun ay ang mapansin siya ng taong matagal na niyang mahal. Lahat ay nagawa na niya para mapansin siya ng binata pero mukhang masyadong mapaglaro ang tadhana dahil maski kahit kaunti ay hindi...