Saktong pagtapos ko mag ayos kanina ay dumating si Mrs. Ramos at ilang beses din itong nagpasalamat bago tuluyang umalis sa harap ng pinto ko para pumasok sa bahay nila. Umalis naman si Clyde ngayon ngayon lang para maghanda sa gaganaping dinner. Susunduin niya daw ako at exact 7pm at 6pm pa lang ngayon.
Naisipan kong tawagan na muna si Christina habang hinihintay ko si Clyde.
'Calling Christina'
Wala pang tatlong ring ay sinagot na niya ito agad.
"Hello Patty, nakausap kana ba ni kuya Clyde?" masayang bungad niya. Mukhang ang dinner ang tinutukoy niya.
"Ah yes! Napag usapan namin kahapon. Susunduin na lang daw niya ako mamaya" Nakangiting sagot ko. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko dahil sa mga nangyari kanina at kating kati na akong ikwento ito kay Christina pero mas maganda kung sa personal ko ikekwento.
"Edi kilig kilig?" natatawang tanong niya sakin na mahina kong ikinatawa.
"Uy gaga hindi ah! Alam ko naman na wala akong pag asa sa kapatid mo e. Okay na sakin na boss ko siya at kahit papaano, okay na din sakin na naguusap kami. Okay na sakin ang ganun." sagot ko. Kahit naman sobrang nagkalapit na kami kanina e hindi ko pa din hinahayaang umasa ako sakanya. Ayokong tuluyang mawarak ang puso ko dahil sakanya. "Alam kong naawa ka sakin ngayon! Pero Christina, okay lang ako" Natatawang sabi ko nang mapansin kong hindi siya nagsalita.
"Nakakainis naman kasi! Papayag ka na lang na hanggang kaibigan ka lang?" inis na tanong ni Christina.
"Christina, alam ko naman na wala na talaga akong pag asa. Hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko sa taong alam kong kaibigan lang ang tingin sakin, or should i say empleyado lang ang tingin sakin. Kung hindi man niya ako magustuhan okay lang. Wala namang makakapagsabi ng hinaharap e." Paliwanag ko at rinig ko naman ang pagbubuntong hininga niya.
"Sumusuko kana?" Tanong niya sakin na nakapagpahinto sakin.
"Siguro. Mas okay na kasing tanggapin ko na lang ang lahat para hindi na ako masaktan pa" Mahinang sagot ko. Sumusuko na ba ako?
"Hey Christina anjan kapa?" tanong ko nang hindi na naman siya sumagot.
"Yes, Anyways. I gotta go! I'll help mom pa e" Paalam niya at wala naman akong nagawa kundi ang magpaalam na lang din. Tatanungin ko pa sana kung asan ang kuya niya pero wag na lang.
Siguro ay papunta na din yon dahil malapit na mag 7pm.
Nakarinig ako ng mahihinang katok sa pinto ko kaya naman agad akong tumayo dahil baka si Clyde na ito. Hindi ko mapigilan ang ngiting nasa labi ko dahil sa naiisip ko. Ilang beses na akong nakasama sa family dinner nila pero kakaiba ang isang ito. Walang mapagsidlan ang sayang nararamdaman ko.
Malaki ang ngiting hinarap ko ang nasa pinto pero unti unti ding nawala ang ngiti ko nang makita ko kung sino ang bisita ko ngayon.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Can we talk?" Tanong niya.
"May lakad ako e" Malumanay na sabi ko.
"Hindi naman ito magtatagal" Nakangiting sabi niya. Dahil sa ayoko namang maging bastos, pinapasok ko siya at pinaupo.
"Ano ang sasabihin mo?" Nakangiting tanong ko.
"Wala naman kayong relasyon ni Clyde diba?" Tanong niya na nagpawala sa ngiti ko.
"W-wala, bakit?" Mahinang tanong ko.
"Just want to make sure. Ayoko kasing may ibang makahati ang magiging anak ko kay Clyde" Sagot niya na siyang nakapagpatigil sakin.
BINABASA MO ANG
Until The End [COMPLETED]
Fiction générale(Seyon Series#1) Isa lang naman ang gusto ni Patricia, at yun ay ang mapansin siya ng taong matagal na niyang mahal. Lahat ay nagawa na niya para mapansin siya ng binata pero mukhang masyadong mapaglaro ang tadhana dahil maski kahit kaunti ay hindi...