Patricia's pov
2 days, 2 days na ang nakalipas mula nang umalis si Clyde pero sa pag alis niyang yun ay nag iwan pa muna siya ng sakit. Hindi man lang ako hinayaang maging masaya. Gusto pa niyang hintayin ko siya. Ang kapal ng gwapo niyang mukha ha!
-Flashback-
Nagising ako ng maaga dahil sa mmahinang pagtapik na nararamdaman ko sa pisngi ko. Dahan dahan kong minulat ang mata ko at nakita ko si Ford na nagaalalang nakatingin sakin.
"Lets go downstairs, aalis na si Clyde" mahinang sabi niya at parang otomatikong kumirot naman ang puso ko dahil sa sinabi niya. Pero ito naman ang mas magandang gawin. Ang malayo kami sa isa't isa dahil wala namang saysay kung magkakalapit lang kami. Hindi naman niya ako mamahalin pabalik kaya respeto na lang sa sarili ko. Ako na mismo ang iiwas sa taong sasaktan lang ako.
"Pwede bang hindi na ako bumaba? Ang sama pa rin kasi ng pakiramdam ko eh" Nanghihinang sabi ko. Bukod sa ayaw kong makita si Clyde ay masama din ang pakiramdam ko at alam kong hindi ko kakayanong tumayo at maglakad. Nanghihina ang mga tuhod ko. Dala na rin siguro ng sobrang pagiyak kaya nanghihina ako ngayon.
"Ganun ba? Osige, magpahinga kana muna. Dadalhan na lang kita ng pagkain mamaya" Nagaalalang sabi ni Ford na tinanguan ko naman.
"Thanks" tuluyang lumabas si Ford at nagtalukbong naman ako ng kumot. Lumipas ang ilang minuto at narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ko. Naramdaman kong may umupo sa kama kaya inalis ko ang pagkakatalukbong ko at hinarap si Ford pero ganun na lang ang gulat ko nang makita kong si Clyde ang nandito at hindi si Ford.
"Anong ginagawa mo dito?" Mahinanong tanong ko kahit ang totoo ay sobrang bilis na naman ng tibok ng puso ko. "Bakit hindi kapa umaalis?" dagdag ko pa at nakita ko naman ang dumaang sakit sa mata niya. Pero bakit naman siya masasaktan? Aalis naman talaga siya diba? Agad napalitan ng ngiti ang nasaktan niyang mukha at nagtataka naman ang mga matang napatingin ako sakanya.
"Kakapalan ko na ang mukha ko" panimulang sabi niya. Huminga pa muna siya ng malalim. "Please wait for me, i'll be back and we'll talk" sabi niya at sarkastiko naman akong tumawa.
"Wala na tayong dapat pagusapan pa at isa pa, wala lang babalikan dito kaya wag kanang bumalik" walang emosyong sabi ko.
"Pat--"
"--Umalis kana, tama na yung sakit na binigay mo sakin. Wag kang mag alala, sisiguraduhin kong maalis ka sa sistema at sa puso ko" mas malamig na sabi ko at kitang kita ko naman ang lungkot sa mga mata niya. Iniwas ko ang tingin ko sakanya dahil parang pinipiga ang puso kong makitang malungkot siya.
"Tatanggapin ko lahat ng galit mo pero babalik ako dito at kakausapin kita, mag uusap tayo, babalikan kita" sabi niya at nagulat naman ako sa sunod niyang ginawa. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at hinalikan ako. Hindi ako naka react agad kaya nang itutulak ko na sana siya ay dun naman siya lumayo sakin at ngumiti.
"I'll be back" mahinang sabi niya at tuluyang umalis. Pinunasan ko naman ang luhang tumulo sa pisngi ko at mahinang natawa.
Hindi ko alam pero umaasa ako sa sinabi niyang babalik siya.
-end of flashback-
"Oh, ang lalim naman ata ng iniisip mo" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Steven na nakatayo habang nakasandal sa hamba ng pinto ko. Dumating siya kahapon.
"Kanina kapa jan?" Tanong ko.
"Nah" Sagot niya at lumapit saakin. "Anong iniisip mo?" Tanong niya ng makalapit siya at makaupo sa kama ko.
BINABASA MO ANG
Until The End [COMPLETED]
Ficción General(Seyon Series#1) Isa lang naman ang gusto ni Patricia, at yun ay ang mapansin siya ng taong matagal na niyang mahal. Lahat ay nagawa na niya para mapansin siya ng binata pero mukhang masyadong mapaglaro ang tadhana dahil maski kahit kaunti ay hindi...