"Kumain kapa" Nakangiting sabi ni Clyde bago nilagyan ng chicken ang plato ko. Umorder kami sa jollibee dahil natatakam ako sa commercial na napanood ko.
"Ikaw din, kumain kapa" Sabi ko at binigyan siya ng yumburger na tinanggap naman niya. 8pc chicken joy bucket, then 15 yumburger and jolly spaghetti family pan. Alam kong masyadong madami ang kinakain namin ngayon, pero anong magagawa ko? Ang takaw takaw ng baby ko at hindi pa din ako nabubusog.
"May sinabi ba sayo si Ford kung saan siya nagpunta?" Tanong ko kay Clyde nang malunok ko ang nginunguya ko.
"Wala e, basta ang sabi niya lang ay kung pwede daw ba kitang samahan sa check up mo so sabi ko oo dahil gusto din kitang makasama" Sagot niya at para naman akong nabilaukan kaya pasimple akong uminom ng tubig at kunwaring hindi apektado sa huling sinabi niya.
"Bakit mo naman ako gustong makasama?" Nakataas ang kilay na tanong ko. Just say the magic then you'll know everything.
"Kasi gusto ko at isa pa, ilang araw na din kitang hindi nasosolo and maybe its time for the both of us" Nakangiting sabi niya.
"Time for the both of us?" Kunot noong tanong ko. Parang hindi ko gusto ang magiging takbo ng usapang ito ah.
"Yah, lets talk about us." Seryosong sabi niya kaya napalunok ako ng ilang beses. Wala na ang nakangiting mukha niya at napalitan na ito ng isang seryosong aura na nag sasabing 'hindi ka makakatakas ngayon' Mas nadagdagan ang kaba ko nang tuluyan siyang humarap at tumingin ng seryoso sakin.
"Bukod kay Kesha, ano pa ang dahilan mo sa pag alis mo?" Seryosong tanong niya kaya muli na naman akong napalunok.
"Uhm, pwedeng ubusin na muna natin ang mga kinakain natin?" Mahinang tanong ko at iniyuko ko na lang ang ulo ko para iwasan ang tingin niya. Mas nakakapang hina ang mga tingin niya ngayon at laking pasasalamat ko dahil nakaupo ako.
Magpanggap kaya akong nahimatay? Pero baka mataranta si Clyde. Eh bakit ba ako natatakot? Sasabihin ko lang naman ang dahilan kung bakit ako umalis, oo tama, hindi dapat ako kinakabahan dahil wala akong dapat ikakaba.
"Kasi gusto kong lumayo sayo" Sagot ko at sinalubong ang tingin niya.
"Lumayo sakin? Bakit? Akala ko ba mahal moko?" Sunod sunod na tanong niya at napahinga naman ako ng malalim.
"Oo mahal kita, at dahil din sa pagmamahal na yun kaya ako umalis, kaya ako lumayo sayo" Sagot ko at kumunot naman ang noo niya.
"Hindi ko maintindihan" Sabi niya.
"Hindi mo talaga maiintindihan dahil hindi mo alam ang nararamdaman ko" Sigaw ko.
"Kaya nga ipaintindi mo!" Matigas na sabi niya kaya napabuntong hininga ako.
"Highschool palang ako gusto na kita, gustong gusto na kita. Naging magkaibigan kami ng kapatid mo kaya tuwang tuwa ako dahil umaasa ako na mapapalapit ako sayo kaya lahat ginawa ko. After kong grumaduate ng college ay sa company mo ako nag apply at nakapasok naman ako bilang secretary mo na sobra kong ikinatuwa, na sobrang ikinatuwa ng puso ko. Pero mukhang maling desisyon ang ginawa ko dahil bukod sa hindi mo na nga ako pinapansin ay dumating pa si Kesha sa buhay mo. Alam mo yung pakiramdam na para kang niloko ng jowa mo? Ganon, ganon na ganon ang naramdaman ko. Grabe ang iyak ko nang malaman kong girlfriend mo siya at grabe din ang pagpipigil ko sa luha ko sa tuwing nakikita ko kayong masaya at naglalambingan." Mapakla akong tumawa at pinunasan ang luhang tumulo sa mata ko.
"Sobrang pagpapanggap ang ginawa ko nang mga oras na yun, kaya nang maghiwalay kayo ay sobra ang naging tuwa ko, kung sino sinong santo na ang pinasalamatan ko nun dahil sa isip isip ko. Ito na! Chance ko na ito, pero mali na naman ako. Mas lalo kang naging cold, mas lalo mong pinaramdam sakin na hinding hindi kita maabot pero kahit ganon ay hindi ako tumigil sa pagasa at pagmamahal sayo. Hanggang sa dumating sa buhay ko si Ford, pinarealize niya sakin lahat at dumating na din sa puntong unti unti ko nang natatanggap na hindi talaga pwede yung gusto ko. Dumating ang dinner at dun sumabog ang nararamdaman ko. Hindi ko na nakayanan e kaya nag desisyon akong sarili ko naman na." Lumunok pa muna ako ng ilang beses bago nagpatuloy. "Pero may nangyari satin, isang pangyayari na hinding hindi ko pinagsisihan. Wala akong balak umalis nun pero dahil sa wala akong mukhang maiharap sayo kaya umalis na ako ng tuluyan tutal yun naman talaga ang gagawin ko umpisa pa lang e. Napagod ako ng sobra dahil sa pagmamahal ko sayo kaya umalis ako at sarili ko naman ang minahal ko. Hindi naman siguro mali yun diba?" Umiiyak na sabi ko. Pilit ko namang kinakalma ang sarili ko dahil ayokong ma stress ngayon.
BINABASA MO ANG
Until The End [COMPLETED]
General Fiction(Seyon Series#1) Isa lang naman ang gusto ni Patricia, at yun ay ang mapansin siya ng taong matagal na niyang mahal. Lahat ay nagawa na niya para mapansin siya ng binata pero mukhang masyadong mapaglaro ang tadhana dahil maski kahit kaunti ay hindi...