Dalawang araw na kaming nandito sa laguna at sa dalawang araw na yun ay madami kaming mga ginawang masasaya. Ngayon naman ay nahati kami sa apat na grupo at sa apat na grupo na yun ay may pitong miyembro. Hindi sumama ang ibang ka trabaho namin dahil sa hindi nila maiwan ang mga anak nila at ang iba naman ay hindi pinayagan ng mga asawa kaya medyo onti lang kami dito.
"Okay, magkakaron tayo ng singing contest. Bawat isang grupo mag iisip ng kanta at yun ang kakantahin nilang lahat pero bago niyo kantahin yun e magpapakilala muna kayo at sasabihin niyo kung ano talaga ang talento niyo. Mamaya niyo malalaman ang premyo pag tapos ng contest" Nakangiting sabi ng isang staff na mukhang inatasan ni Clyde para maging emcee sa singing contest kuno na ito. Nagsimula na ang contest at pang huli kaming sasalang.
Nakakatuwa ang mga ka trabaho ko, wala silang hiya hiya sa katawan at nag eenjoy talaga sila. Kahit papaano ay natanggal ang kaba ko.
"Now, group 4 kayo na" Nakangiting sabi ng staff at nag hiyawan naman ang mga katrabaho naming tapos na. Si Clyde naman ay nakaupo lang at siya ang nag sisilbing judge kuno. Ang daya nga e.
Natapos ang mga kasama kong magpakilala kaya naman kinuha ko na ang mic na binigay sakin ni Emily, ka grupo ko siya.
"Im Patricia Mendez and talento ko pong---" Huminga muna ako ng malalim bago tumingin sa mga ka trabaho kong nag aantay sa sasabihin ko. Kahit si Clyde ay hindi inaalis ang paninin sakin at mukhang hinihintay niya din ang sasabihin ko. "--Ako yung taong maraming talento, dahil talento kong magmahal ng taong hindi ako mahal, talento kong masaktan kahit wala akong karapatan, talento kong mangarap, para sa lalaking kahit kelan hindi ako pinangarap. At higit sa lahat, talento kong maging masaya kahit nasa piling siya ng iba." Malungkot na sabi ko. Mula nang marinig ko ang tulang sinabi ko hindi ko na ito nakalimutan pa at akalain mo nga naman nakabisado ko pa. Damang dama ko ang bawat linya kasi parehas na parehas siya sa nararamdaman ko para kay Clyde. Si Clyde yung pangarap ko na kahit kelan hindi ako pinangarap, pinili ko ding maging masaya nung naging sila ni Kesha. Hays, hahanapin ko talaga ang tumula ng tulang yan tapos bibigwasan ko siya, charot lang!
Naghiyawan naman ang mga ka trabaho ko kaya natawa ako. "Joke lang! Marunong akong kumanta kahit papaano at marunong din naman akong sumayaw, may talent din ako sa pag arte" Nakangiting sabi ko.
"Mukhang may pinagdadaanan ka Patricia ah" Nakangiting sabi ng staff kaya naman natawa ulit ako, naghiyawan ulit ang mga katrabaho ko.
"Wala! Hahaha narinig ko lang yan sa tv" Nahihiyang sabi ko at bumalik na ako sa linya ko. Hinayaan naman na ako ng staff kaya nakahinga ako kahit papaano. Damang dama ko din ang tingin sakin ni Clyde. Hangga't maari ayoko siyang tignan, nakakahiya.
Nagsimula na kaming kumanta.
Hanggang kailan ako maghihintay na para bang wala ng papalit sayo?
Nasan ka man
Sigaw ng puso ko'y ikaw hanggang ngayonKung sana lamang ay nakita mo ang lungkot sa'yong ngiti
Isang umagang 'di ka nagbalik
Gumising ka at ng makita mo
Ang tamis ng sandali ng kahapong 'di magbabalikNaunang kumanta ang lalaking ka trabaho ko at nang chorus na ay sabay sabay kaming kumanta.
Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala ng nararamdaman
Kahit matapos ang magpakailan pa man
Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig
BINABASA MO ANG
Until The End [COMPLETED]
General Fiction(Seyon Series#1) Isa lang naman ang gusto ni Patricia, at yun ay ang mapansin siya ng taong matagal na niyang mahal. Lahat ay nagawa na niya para mapansin siya ng binata pero mukhang masyadong mapaglaro ang tadhana dahil maski kahit kaunti ay hindi...