"Talaga bang ito ang isusuot ko Ford? Nakakaloka ka naman e, labas na labas ang kaluluwa ko dito" Hindi ko alam kung ilang beses na ba akong nag rereklamo kay Ford mula nang ipakita niya sakin ang damit na gusto niyang isuot ko. After kasi ng pag aya ni Clyde sakin kanina, kung masasabi ngang pag aya yon. Agad kong tinawagan si Ford at sinabi sakanya yon. Tinanong niya kung may isususot na daw ba ako at sumagot naman ako na wala pero wag ko na daw problemahin kasi siya na daw bahala at mukhang hindi ko dapat siya hinayaan sa pagpili ng isususot ko.
"Kung hindi lang kita kaibigan, iisipin kong binebenta mo ako" nakangusong sabi ko at kita ko naman ang ilang beses niyang pag iling.
"Wag ka ngang oa! Ang ganda ganda kaya! Tsaka fit sayo to hindi lalabas ang dapat lumabas" Pamimilit niya sakin. Halos dalawang oras na din kaming ganito. At imbis na nag hahanda na ako ay nakikipag talo pa ako sa lalaking to. " Trust me okay! Magiging magandang dilag ka mamaya sa party" Nakangiting sabi niya at huminga naman ako ng malalim.
"Jusko naman Ford e! Bat naman kasi ganito? Hindi naman ako yung nag pa party!" Reklamo ko pa ulit pero hindi na niya ako pinakinggan at hinila na ako papasok sa cr. Sinabit niya naman sa sabitan ang towel na kanina pang nakasabit sa balikat niya. Dahil gaya nga ng sabi ko, kanina pa kami halos nag tatalo dahil sa dami na isusuot ko.
"Bilisan mong maligo, okay?" pagkasabi niya non ay iniwan na niya ako dito sa loob. Nang maramdamdaman niyang hindi pa ako gumagalaw ay sumigaw si Ford sa labas ng pinto ng cr.
"Bilisan mo na maligo! Baka dumating na yung asungot" Pag tukoy niya kay Clyde. Wala naman akong nagawa kundi ang maligo na lang. Sinigurado ko munang malinis na malinis ako bago lumabas ng cr.
"What now?" Tanong ko kay Ford na nag hihintay lang sakin sa sala. Sakto namang may kumatok at pinag buksan yon ni Ford.
Nagtataka naman akong tumingin sa babaeng kadarating lang. Maganda siya at mukhang may pinaglalaban sa buhay. Mas lalong nag paganda sakanya ang mga ngiti niya, totoong ngiti. Matangkad din siya at mukhang inaalagaan niya talaga ang kutis niya. Mapapansin mo ding kaunti lang ang make up na nilagay niya sa mukha niya dahil hindi naman na kailangan ng makapal na make up. Sana ganyan din ako kaganda! Argh! Damn this insecurities.
"Pat, this is Carmen. Pinsan ko, siya ang mag mamake up sayo kaya go na! Punta na kayo sa room niya" Tulak niya kay Carmen na walang nagawa kundi ang umiling na lang at pumasok sa nag i-isang kwarto.
"Ang supportive mo e no" Sarkastikong sabi ko at ngumiti naman si Ford.
"Syempre! Dalaga kana e" Pang aasar niya sakin at inirapan ko na lang siya bago ako pumunta sa kwarto ko. Nakita ko naman si Carmen na hinahanda na ang gagamitin niya sa mukha at buhok ko.
"Pasensya kana kung naabala ka namin ni Ford ha" Pag hingi ko ng paumanhin. Humarap naman sakin si Carmen at nginitian ako. "Hindi ko nga alam kung bakit mas excited pa siya sakin samantalang ako naman ang pupunta sa party na 'yon" Nakabusangot kong reklamo at natawa naman siya. Okay, ang perfect niya! Pati pag tawa niya ang ganda.
"Ano kaba wala yon! Tsaka ngayon ko lang ulit nakita na sobrang saya at excited ng pinsan ko pag dating sa ibang tao. Also, masanay kana na ganyan si Ford. Daig niya pa ang tatay na akala mo ito ang unang beses na pupunta sa prom ang anak." Sagot niya at hinila na ako sa malaking salamin ko. Pinaupo niya ako sa kama na nakaharap sa salamin. Nagtaka naman ako sa sinabi niya at hindi ko maiwasang hindi mag tanong. Halos kalahati pa lang ng pag katao ni Ford ang alam ko at gusto ko siyang makilala ng buo.
"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko. Nagsimula naman na siyang make up-an ako.
"Well, may naging babaeng kaibigan kasi noon si Ford pero bigla na lang nag laho si girl. Sa nakikita mo kasi, si Ford yung tipo ng tao na i te-treasure niya talaga ang friendship. Ang kaso mula nung nawala yung kaibigan niya, nawala din yung Ford na pinsan ko. Naging cold siya sa lahat at halos hindi siya lumalabas ng bahay. Kung tutuusin ay daig niya pa ang iniwan ng jowa pero kasi iba talaga ang friendship para kay Ford e, kaya siguro ganon. Akala namin patuloy na siyang magiging ganon, akala namin patuloy niyang itutulak yung mga taong nag mamahal sakanya pero mali kami! Dumating ka sa buhay niya at nabigyan mo ng kulay ang maitim niyang mundo." Nakangiting kwento niya kaya napangiti na lang din ako. Tama nga siya, kung tutuusin ay parehas kami ni Ford about sa word na friendship pero hindi ko pa din maiwasang hindi malungkot para kay Ford.
BINABASA MO ANG
Until The End [COMPLETED]
General Fiction(Seyon Series#1) Isa lang naman ang gusto ni Patricia, at yun ay ang mapansin siya ng taong matagal na niyang mahal. Lahat ay nagawa na niya para mapansin siya ng binata pero mukhang masyadong mapaglaro ang tadhana dahil maski kahit kaunti ay hindi...