Prologue

338 10 0
                                    

"Bilib din talaga ako sa katangahan mo e no?" Iritang sabi ni Clyde sa secretary niyang nag pipigil na umiyak.

"Sir, sinubukan ko naman pong habulin si Mr. Samuelde pero ayaw na po talaga nila e, i tried chasing him kahit muntik na akong masagasaan pero ayaw na po talaga nila e" Pinipilit itago ni Patricia ang sakit na nararamdaman kahit na hindi na niya matanggap pa ang sinasabi ng binata sakanya. Gusto nang tumulo ng mga luha niya pero ayaw niyang masayang yon lalo na sa harap ng lalaking walang awang binubulyawan siya.

"I don't care! Hindi kita kinuha para maging tanga, madaming ways para makausap mo si Mr. Samuelde at wag moko konsensyahin dahil hinding hindi ako makakaramdam ng awa sayo! Now, if you want to stay in your job, habulin mo si Mr. Samuelde at papirmahin sa kontrata. Wala akong pake kung tuluyan kamang nasagasaan or what! I need Mr. Samuelde's sign! Now!" Galit na sigaw ni Clyde na siyang ikinayuko ni Patricia. Hindi na niya maitago pa ang takot at hinanakit sa binata.

"Sige po sir, ako na po ang bahala" Pilit niyang pinatatag ang boses at walang lingon-likod na umalis sa opisina ng boss.

Pagsara niya sa pinto ni Clyde ay tumulo na ang luhang matagal na niyang pinipigilan. Sumasakit ang puso niya dahil sa narinig sa binata.

tanga? Inutil at bobo? Yeah right! Napakasimple lang ng pinapagawa sayo Patricia! Pagpapagalit niya sa sarili niya at pinunasan na ang mga luha niya.

Agad niyang kinuha ang bag niya at handa na siyang hanapin kung nasan si Mr. Samuelde pero sa hindi inaasahan. Papatawid siya sa highway at mukhang hindi niya napansin ang rumaragasang truck na papunta sa kinaroroonan niya.

Agad na nanlaki ang mga mata niya at hindi niya malaman kung ano ang dapat niyang gawin. Ipinikit na lang niya ang mata at hinintay na lang ang truck na tumama sa katawan niya.

Hanggang dito na lang siguro ako.

**********

Until The End [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon