Chapter 37

57 2 0
                                    

"Hi Ford! Hi Patricia!" Nakangingiting bungad ni Anne saamin nang pagbuksan namin siya.

"Hello" Sabay na bati namin ni Ford.

"Gusto ko sana kayo iinvite para sa dinner mamaya. Bukod kasi sa kayo lang ang kababayan namin dito ay gusto din namin kayong maging kaibigan." Nakangiting sabi ni Anne.

"Uhm, sure! Pupunta kami." Sagot ni Ford.

"Talaga? Promise yan ha? Walang bawian!" Hyper na sabi nito na ikinatawa ko. Ang cute cute niya.

"Six months kana pala no?" Tanong ni Anne sakin kaya nakangiti akong tumango sakanya.

"Alam niyo na ba ang gender ni baby?" Tanong niya. Lumapit siya sakin at hinimas ang tiyan ko na hinayaan ko lang. Umiling ako sakanya bago sumagot. "Gusto kasi namin ni Ford na pag nanganak na ako tsaka namin malalaman ang gender"

"Kelan kaya ako mag kaka baby?" Nakangusong tanong ni Anne na ikinatawa ni Ford.

"Gawin niyo lang gabi gabi panigurado magkakababy na kayo" Natatawang sagot ko na ikinatawa niya din.

"Gabi gabi niyo bang ginawa kaya nakabuo kayo?" Nanunuksong tanong ni Anne.

"Hindi lang gabi gabi. Inaraw araw pa namin" Natatawang sagot ni Ford. Sinamaan ko lang siya ng tingin at binigyan naman niya ako ng nagtatanong na tingin.

"Sige nga, sabihan ko nga si Dean" Nakangiting sabi niya at hindi naman ako makapaniwalang tumingin sakanya. This woman is weird.

"Anyway, i have to go! See yah later! 7 o'clock okay?" Paalala ni Anne na tinanguan namin ni Ford.

"Pupunta talaga tayo?" Tanong ko nang mawala na si Anne.

"Yup!" Lumapit sakin si Ford at umupo sa tabi ko, sumandal siya at inakbayan niya ako kaya sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya. "Tsaka mas okay na din na nakikisalamuha tayo sa iba, we want to start a new life right? So dapat, makipag communicate din tayo sa mga bagong tao" Nakangiting sabi niya. May point naman siya, bagong buhay, bagong mga makakasalamuha.

"Ano kaya mangyayari sa dinner?" Tanong ko.

"It'll be fun! So don't worry too much okay? Simple dinner lang yon" Sagot ni Ford.

"Hindi naman ako nag aalala, nag tataka lang ako kung bakit sa anim na buwan na andito tayo ngayon lang sila lumapit satin" Sabi ko.

"Siguro dahil sa nag aadjust pa sila satin, o baka nahihiya" Sagot niya at hindi naman na ako sumagot. May tama naman siya dahil kahit kami ay naninibago at nahihiya sakanila.

"Anong gusto mong gawin ngayon?" Tanong ni Ford.

"Sleep" Humihikab na sabi ko.

"Sleep now" Mahinang sabi ni Ford. Naramdaman ko naman ang mahinang pag palo niya sa balikat ko na para bang hinehele ako.

Ford's pov

Maingat kong binuhat si Patricia para dalhin sa kwarto niya. Nang mailapag ko siya sa kama niya ay humalik muna ako sa nood niya bago ko siya iniwan.

Nang makalayo ako sa kwarto ni Patricia kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Steven.

"Hey bud? Napatawag ka?" Tanong ni Steven sa kabilang linya.

"Busy kaba?" Tanong ko.

"Hindi naman, why?"

"Well, six months na si Patricia." Balita ko at parang natigilan naman siya.

Until The End [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon