Chapter 14

55 3 0
                                    

Patricia's pov

"Sir, ito na po yung report na need niyo. Pirma na lang ang kailanganpara mapasa na sa baba." Inabot ko ang folder kay Clyde at agad niya naman itong kinuha. Nginitian niya muna ako bago binuksan ang folder. Naramdaman ko naman ang pag wawala ng puso ko. Kaya pasimple kong hinimas ang dibdib ko. Mas lalo siyang gumwapo. Parang ang ganda ganda ng mood niya nitong nga nakaraang araw. Sana mag tuloy tuloy na.

Masasanay ka din sa pag ngiti ngiti niya Patty!

"I'll go now sir. Tawagin niyo na lang po ako pag need niyo ako." Paalam ko. Kailangan kong makalabas na. Dalawang araw na ang nakakalipas mula nung dumalaw si Ian dito at dalawang araw na ding iba ang pakikitungo sakin ni Clyde. Nakakapanibago, laging nag wawala ang puso ko.

"Wait, may outing pala tayo lahat dito sa company. Team building nasabihan ko na lahat bale ikaw na lang pala ang hindi nasasabihan. So mag ready ka ha bukas tayo aalis" nakangiting sabi ni Clyde. Hindi ako sanay sa mga pinapakita niya, nakakapanibago. Pero sino ba naman ako para mag reklamo? Gusto niyang magbago e. Mukhang na realize niya na mas magandang maging friendly. Tapos mag sisimula na yung love story namin! Ay joke! Pero mas okay na din na ganito si Clyde kesa sa lagi siyang nakasimangot at parang laging galit sa mundo.

"Bakit bukas na agad? Ang bilis naman ata?" takang tanong ko. Umupo naman ako sa visitors chair, wala kunwari visitor. Mag papaka feeling close na muna ako ngayon. Good mood siya e sulitin na natin baka biglang mawala e.

"Pansin ko kasi na ilang taon na din mula nang mag team building tayo tapos hindi na naulit. Tsaka mas maganda na ang biglaan kesa sa pinaplano pa. Also gusto ko din bumawi sainyo kasi alam kong naging sobra ang mga pinapagawa ko sainyo. Kailangan niyo din ng break, we all need a break. " Simpleng sagot niya. Tama nga din naman siya, puros trabaho na lang din ang inaatupag namin. Tumango ako sakanya at kitang kita ko naman ang kakaibang titig niya sakin.

Nakaramdam naman ako ng bahagyang pagkailang. Kung kausapin niya ako parang kaibigan ang turing niya sakin. Napaka kalmado niya, parang ang komportable niyang kausap ako. Saka bakit siya ganyan makatingin? Hohopia na naman ako e!! Pero no! Hindi dapat ako umasa! Baka may sakit lang siya, oo baka nga meron.


Pero pano pag may gusto siya sakin?  Pano pag parehas pala kami ng nararamdaman? Pero bakit ba ako umaasa? Hindi ako pwedeng bumase lang sa kinikilos niya. Mamaya nag bago lang pala siya at tinalikuran na ang pagiging masungit tas ako itong si tanga aasa! Pero ano bang nirereklamo ko? Ilang taon na akong umaasa sakanya kaya go na 'to! Kung masaktan edi masaktan.

"Hey!" ilang beses akong kumurap. Tumingin naman ako sakanya.

"Ano po ulit yun sir?" nahihiyang tanong ko.

"Ang sabi ko susunduin na lang kita bukas tas sabay na tayong pumunta sa place." sabi niya at tumango na lang ako bilang sagot. Ayokong magsalita dahil hindi ako sigurado sa lalabas sa bibig ko. Pero wala namang masama kung mag tatanong ako e, hindi naman niya ata mamasamain yon.

"Uhm sir?" Tawag ko sakanya at nag angat naman siya ng tingin sakin. Tinaas niya pa ang isang kilay niya.

"Gusto ko lang pong itanong kung may sakit ba kayo? Parang meron po kasi e" Nahihiyang tanong ko at nakita ko namang parang nagpipigil siya ng tawa kaya napakunot ako ng noo. 

"Hmm i check mo nga kung may sakit ako" Nakangising sabi niya at nanlalaki naman ang mga matang tumingin ako sakanya. Hahawakan  ko siya? Sure ba ito? Hala! "Naghihintay ako Ms. Mendez" Sabi niya kaya naman agad agad kong tinaas ang kamay ko at sinipat ang leeg niya. Nakaramdam ako ng bolta boltaheng kuryente nang lumapat ang kamay ko sa leeg niya. Gusto kong bawiin agad pero parang ayaw ko. 

"So ano? May sakit ba ako?" Tanong ni Clyde. Gusto ko pa siyang mahawakan kaya naman nilipat ko sa noo niya ang kamay ko at yun naman ang sinipat ko. Nang tumagal ng ilang minuto ang kamay ko sa noo niya ay inalis ko na din. Baka mahalata pa ako.

"Uhm, ahh... Wala naman ho kayong sakit" Naiilang na sabi ko. Hindi ko malabanan ang mga tingin niya, may kakaiba sa mga tingin niya na hindi ko masabi kung ano. 

"I like it when you touch me" Nakangising sabi niya at damang dama ko naman ang pamumula ng pisngi ko. Mygad!! Bakit naman siya ganito!? Yung puso ko kumakabog ng bonggang bongga! Nakakaloka! Mukhang may mahahalikan ako, Clyde Seyon ang pangalan!

"Ahm, nga pala sir nagpupumilit pong pumasok si Ma'am Kesha kanina" Pag iiba ko sa topic. Nag iba naman ang timpla ng mukha niya. 

"Hindi talaga ako tatantanan ng babaeng yon. Magdagdag tayo ng guards, madami pa namang ways ang babaeng yun" Nakangiwing sabi niya. Lihim naman akong napangiti dahil sa sinabi niya. Mukhang ayaw niya na talaga kay Kesha. May chance ako!!

"Kumain kana ba?" tanong niya nang hindi ako sumagot.

"Not yet sir. Nagugutom na po ba kayo? Mag oorder na lang ako ng food para sainyo" Suggest ko at umiling naman siya. Tanghali na din kasi pero ito pa din kami nag tatrabaho. Well, sanay naman na kami sa ganitong pagpapalipas ng gutom. 

"Ako na lang ang tatawag. Bumalik kana sa trabaho mo" nakangiting sabi niya. Ito na naman tayo sa ngiti niya, mas lalo akong napapamahal e.

Tumango lang ako kay Clyde at lumabas na ng office niya. Pag sara ko ng pinto ay kinapa ko ang dibdib ko at damang dama ko pa din ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Wag kang umasa masyado!! Hindi ka niya type!" Suway ko sa sarili ko.

"Argh! Masyado mo na akong binabaliw Clyde!" mahinang sabi ko at nag patuloy na sa trabaho. Muli akong nag patuloy sa pagbabasa ng ibang reports at ipapapirma kay Clyde, mabuti na lang talaga at may sumapi sakanyang mabuting ispiritu nang sa ganon ay makapag papirma ako sakanya ng mabilis at hindi kinakabahan. Ano kayang nangyari kay Clyde.

"Goodmorning ma'am, delivery for Mr. Seyon po." Nag angat ako ng tingin at nakita ko naman sa harap ko ang lalaking may hawak na mga plastics. Mukhang gutom nga si Clyde, andaming nasa supot e. Kawawa naman siya.

"Katok na lang po kayo kuya" Sabi ko at tumango naman siya sakin. Pumunta na siya sa pinto ni Clyde at kumatok na nga. Bumalik naman ako ulit sa pagbabasa pero wala pang limang minuto lumabas ulit ang delivery boy at hinarap ako.

"Ma'am, para daw po sayo ito. Aalis na po ako ma'am enjoy your meal!" Masayang sabi ng delivery boy. Nilapag niya ang dalawang supot ng plastic sa table ko, muli niya akong nginitian kaya nginitian ko siya at sinabihan ng ingat. Nang makapasok sa elevator ang delivery boy ay agad kong itinuon ang atensyon ko sa dalawang plastic na nasa harap ko. Ramdam ko din ang pagkalam ng sikmura ko. Mygad! Nagugutom na nga ako. 

Sinimulan ko na ilabas ang mga pagkain pero pagbukas ko pa lang sa plastic ay may nakita akong sticky note. Kunot noo ko naman itong kinuha at binasa.

Alam kong gutom kana, mamaya kana mag trabaho, kumain kana muna. Masamang nag papalipas, baka mangayayat ka. Enjoy eating Patty! - Cylde

Literal na nawala ang pagtataka ko at napalitan yun lahat ng kilig. Tinakpan ko ang bibig ko at nag titili!

"Omygosh!!! Omygosh! Is this for real!?" Tanong ko kahit na alam kong wala namang sasagot sakin. Muli kong binasa ang sulat at nakaramdam na naman ako ng sobrang kilig. Pakshet! Ito ba yung sinasabi nilang feeling mo nasa cloud 9 ka? Nakakaloka!!!

Pangalawang beses na ito na binigyan niya ako ng food! May tulong din pala ang pagpapalipas ko ng pag kain. Jusko! Ito na! Ramdam ko na, na magiging kami na!! 



**********

Until The End [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon