Clyde's pov
Tapos na ang lunch time at ganado naman akong bumalik sa trabaho pag tapos ko kumain. Hindi ko alam pero gusto kong matapos agad para sabay kami ni Patricia umuwi tapos ihahatid ko siya. Damn! Para akong teenager dahil sa kinikilos ko. Parang ito ang unang beses na nag ka gusto ako sa babae kahit hindi naman. Yung feeling na everytime na nakikita ko si Patty nawawala yung pagod ko, parang everytime na nakikita ko siya gusto ko na lang siya titigan at alagaan. Pero hindi ko malaman kung anong gagawin kong move pag kaharap o kasama ko siya. The fuck!
Pero ito ang unang beses na halos kumawala ang puso ko mula sakin pag nakikita ko siya. Damn this feeling!
Napunta ang atensyon ko sa teleponong ngayon ay tumutunog na. Hindi naman na ako nag palipas ng ilan pang segundo at sinagot ko na ang tawag.
"Hello? goodafternoo---" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang magsalita ang nasa kabilang linya.
"Sir, andito po si Mr. Crewford, he want to talk to you. Papasukin ko po ba?" tanong ni Patricia, siya ang nasa kanilang linya. Hinilot ko naman ang sintido ko. Mukhang hindi ako titigilan ng mag amang ito.
"Fine, let him in" sabi ko bago binaba ang tawag. Bumukas naman ang pinto ng office ko at nakita ko naman si Patty. Tipid siyang ngumiti sakin kaya kahit papaano ay nawala ang stress ko. Sunod kong nakita ang ama ni Kesha. Nang tuluyang makapasok ang ama ni Kesha ay sinara na ulit ni Patricia ang pinto. Hindi pa man nakakaupo ang matanda ay tinanong ko na ito.
"What do you want Mr. Crewford?" Deretsyong tanong ko at ngumisi naman siya sakin. Hindi ko nagustuhan ang pag ngisi niya at nagsisimula nang uminit ang ulo ko. Wala talagang idudulot na maganda ang mag amang ito.
"I just want to talk to you" Nakangiting sabi niya at umupo sa upuan na nasa harapan ko.
"Talk about what? Or should i say who?" seryosong tanong ko. Tumawa naman siya na para bang may biro akong sinabi.
"Oh come on Clyde stop being so serious" natatawang sabi niya kaya naman mas tinitigan ko siya.
"Wala akong time para makipagbiruan sayo Mr. Crewford, tell me what you want" pinipigilan ko ang inis ko. Ayokong mag mukhang bastos. Isa pa rin naman si Mr. Crewford sa mga investors ng company.
Nakita kong sumeryoso ang ama ni Kesha kaya naman binitawan ko ang papel na hawak ko at hinintay ang sasabihin niya.
"You know Clyde gusto ko sanang humingi ng pasensya sa pang gugulo ni Kesha sayo."Panimula niya, nanatili naman akong nakatingin sakanya at kitang kita ko na hindi siya sincere sa paghingi niya ng tawad. "Ayokong nahihirapan ang anak ko kaya gusto ko sanang makipag deal sayo"
"Anong ibig mong sabihin?" Mahinahon kong tanong.
"I want you to marry my daughter so that ang company ko at company mo ay pwedeng mag sanib pwersa alam kong gusto mo din ang bagay na ito dahil mas magiging matunog sa mga tao ang pangalan mo. At isa pa hindi ba't gusto mong maipakita sa ama mo na kaya mo? So here, im helping you. Kailangan mo lang pakasalan ang anak ko" Nakangiting sabi niya na mas lalong nakapag painit ng ulo ko, pero pinanatili ko ang pagiging mahinahon ko. Gusto ko siyang suntukin ng paulit ulit hanggang sa maisip niya kung ano ang mga sinasabi niya.
"Tapos kana?" Walang ganang tanong ko at tumango naman siya.
"As you can see Mr. Crewford hindi ko kailangan ng tulong mo. Madaming ways para maging matunog ang pangalan ng kompanya ko at hindi kasama sa ways na yun ang pagpapakasal ko sa anak mo. Mas okay na din sakin na makisanib pwersa sa maliit na company kesa sainyo and, im not doing this para maipakita ko sa tatay ko na kaya ko dahil umpisa pa lang wala naman akong dapat ipakita sakanya dahil alam niyang kaya ko. At isa pa, hindi ko mahal ang anak niyo at hinding hindi ako mag papakasal sa taong hindi ko mahal para lang sa ikauunlad ng kumpanya ko." Sagot ko, natahimik naman siya at ilang beses bumuka at sumara ang bibig niya na parang may gustong sabihin.
BINABASA MO ANG
Until The End [COMPLETED]
General Fiction(Seyon Series#1) Isa lang naman ang gusto ni Patricia, at yun ay ang mapansin siya ng taong matagal na niyang mahal. Lahat ay nagawa na niya para mapansin siya ng binata pero mukhang masyadong mapaglaro ang tadhana dahil maski kahit kaunti ay hindi...