Clyde's pov
"Anong pag uusapan natin?" Tanong ko. Inaya ko siyang umupo sa sofa dito sa lobby na agad naman niyang pinaunlakan.
"Just want to discuss something" Sagot niya at magtatanong sana ulit ako pero agad na niya akong inunahan magsalita. "its about Patricia"
"What about her?" Tanong ko.
"Wag na wag mo nang lalapitan si Pat" walang emosyong sabi niya at hindi ko naman maiwasang hindi matawa.
"Pinapalayo moko sa sekretarya ko? Pano ko gagawin yun?" natatawang sabi ko kahit ang totoo ay wala namang nakakatuwa.
"Sensantihin mo siya" deretsyong sagot ni Steven na siyang tuluyang nakapag painit sa ulo ko.
"Sino ka para utusan ako? Hindi ko tatanggalin ang sekretarya ko dahil lang sa kung anong issue mo." Walang emosyong sabi ko. Andami kong gustong sabihin sakanya pero pinanatili ko na lang ang postura ko.
"Hindi na tama ang ginagawa mo kay Pat, sino ka para pagsabihan siya ng ganon? May proweba kaba para sabihan mo siya ng ganon?" galit na tanong ni Steven.
"Kung ano man ang naging usapan namin labas na kayo dun!" galit na sagot ko. "Anong karapatan mo para pagsabihan ako sa kung anong gagawin ko!?" Tanong ko pa. Kung kanina ay nakakapagtimpi pa ako ngayon ay hindi na.
"May karapatan ako dahil girlfriend ko ang ininsulto mo, so stay away!" huling sabi ni Steven bago siya umalis.
'What the fuck?'
Hinding hindi ako lalayo kay Patty, akin siya. Sorry my friend, pero hindi ko hahayaang mapasayo ang babaeng mahal ko.
Patricia's pov
Kinakabahan ako, pano kung magsuntukan na sila sa baba? Ayokong masira pag kakaibigan nila dahil lang sakin.
Napatingin ako sa elevator nang magbukas ito at nakita ko naman ang boss kong mukhang bad mood.
"Go home, bukas mo na ituloy ang trabaho mo. Aalis ako" Walang emosyong sabi niya at wala naman akong ibang nagawa kundi ang tumango. Pumasok siya sa opisina niya at wala pang isang minuto ay lumabas ulit siya dala dala ang bag niya.
Derederetsyo siyang pumasok sa elevator at hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Wow!
Imbis na sundin ang gusto niya, nanatili na lang ako sa desk ko at ginawa ang trabaho ko. Bahala siya sa buhay niya, tatapusin ko ang trabaho ko.
Lumipas ang ilang oras at bumukas ang elevator, kaya agad akong napatingin dito at nang makita ko kung sino ang lumabas ay agad akong ngumiti.
"Wala na po si Clyde dito" Magalang na sabi ko.
"Ay ganon ba?" Malungkot na tanong niya na tinanguan ko naman. "Pero okay lang na wala siya dito, ikaw talaga ang pinunta ko" nakangiting sabi ni Kesha at umupo siya sa visitors chair na nasa harap ko. Taka naman akong tumingin sakanya, naglabas siya ng papel at ballpen at nakangiting tumingin sakin.
"Ano po ang maitutulong ko sainyo?" takang tanong ko.
"Wala kasi akong katulong sa pag o-organize e" Parang batang nakanguso siya habang sinasabi yon.
"Mag organize ng?" tanong ko.
"Wedding namin ni Clyde" Nakangiting sabi niya at parang may sumaksak naman sa puso ko dahil sa narinig ko. Naninikip ang dibdib ko dahil sa sakit pero pinanatili ko pa din ang postura ko.
'Ikakasal na pala sila...'
"Uhm, ano, ba--bakit hindi na lang kayo kumuha ng wedding organizer niyo?" peke ang ngiting ibinigay ko na mukhang hindi niya nahahalata. Bakit ganito? Bakit sila ikakasal?
"Gusto kasi ni Clyde na kami mismo ang mag organize e sobrang busy naman niya so i'll ask for a help na lang" Masayang sabi niya. Kumurap kurap naman ako ng ilang beses, ayokong makita niya ang pamumuo ng luha ko.
"Uhm, sige po." tanging nasagot ko na lang. Wala din namang mangyayari kung tatanggihan ko siya.
"So ano sa tingin mo ang gusto ni Clyde?" Tanong niya sakin. Tumingin naman muna ako kay Kesha bago ko sinagot ang tanong niya.
"Simple lang, mas magugustuhan niya kung kulay pula o sky blue ang tema tas di kalakihang cake at onting bisita lang" pinilit kong ayusin ang tono ng boses ko. Ayokong mahalata niya na nasasaktan ako. Ayokong malaman niya na mahal ko ang taong papakasalan niya.
"Hmm, e sa gown?" tanong niya pa. Lumunok naman muna ako bago sumagot.
"Simple lang din, kahit anong gown naman siguro babagay sayo, simple white gown is okay" Nakangiting sabi ko. Nakangiti, pero nasasaktan.
Tumunog ang cellphone ni Kesha at agad niya naman itong kinuha. Tumingin ako sa ibang dereksyon at pasimple kong kinakalma ang sarili ko.
"Patty, thank you! Kailangan ko na umalis e, inaantay na pala ko ni Clyde sa bahay. Sa susunod ulit okay? Babye!" Nakangiting paalam niya sakin at hindi pa man ako nakakapag paalam sakanya ay tinalikuran na niya ako.
'Siya pala ang pupuntahan ni Clyde, nice.'
Nang tuluyan na siyang makaalis, dun na kumawala ang totoong emosyon ko. Nagsimulang tumulo ang mga luha ko at damang dama ko ang sakit sa puso ko.
Hindi dapat ako umiiyak kasi unti unti ko nang natatanggap e, pero ang sakit sobra. Bakit ganito? Bakit kailangan kong masaktan ng ganito? Kasalanan ko oo, dahil minahal ko yung taong hindi ako kayang mahalin pero anong magagawa ko. Kahit anong pigil ko na wag siyang mahalin mas minamahal ko siya e.
Napatingin ako sa phone ko nang tumunog ito, at nang makita kong si Ford ang tumatawag ay agad ko itong sinagot.
"Andito na ako sa labas ng building niyo, pababa kana ba?" Malambing na tanong niya na mas lalong nakapag paiyak sakin.
"Okay ka lang ba? Umiiyak kaba?" Dama ko ang pag aalala sa boses niya kaya naman lumunok ako ng ilang beses bago sumagot.
"Just give me 3 minutes, baba na ako" Mahinang sabi ko at pinatay ang tawag. Pinunasan ko ang luha ko.
"Hindi ka dapat umiiyak Patty, tanggapin mo na lang na hindi talaga siya para sayo!" pagkausap ko sa sarili ko. Bakit ayaw tanggapin ng sistema ko? Ayaw tanggapin ng puso ko na ikakasal na siya? Bakit parang gusto ko silang pigilan? Pero kung gagawin ko naman yon, ako ang makakawawa, makakasira ako ng relasyon at yun ang hinding hindi ko magagawa.
Inayos ko ang sarili ko at nang okay na ang lahat ay bumaba na ako sa ground-floor. Nakita ko agad si Ford at nang makalapit ako sakanya ay agad ko siyang niyakap.
"Ford, ang sakit, ang sakit sakit" Umiiyak na sabi ko. Niyakap niya ako ng mahigpit bago bumulong sakin.
"Ganyan talaga, nagmahal ka e. Hindi pagmamahal ang tawag sa ginagawa mo kung hindi ka nasasaktan" Sabi niya at wala naman na akong masabi kaya umiyak na lang ako ng umiyak sa dibdib niya.
"Hays, sana dumating na yung araw na hindi kana iiyak dahil lang sa lalaking yun" Mahinang bulong niya pa at hindi naman ako sumagot.
'Sana nga Ford, sana nga dumating na yung araw na yon.'
*********
BINABASA MO ANG
Until The End [COMPLETED]
General Fiction(Seyon Series#1) Isa lang naman ang gusto ni Patricia, at yun ay ang mapansin siya ng taong matagal na niyang mahal. Lahat ay nagawa na niya para mapansin siya ng binata pero mukhang masyadong mapaglaro ang tadhana dahil maski kahit kaunti ay hindi...