Chapter 36

55 2 0
                                    

"Clyde..." Gulat na tawag ko sa pangalan niya nang lumingon ako.

"Ba't parang gulat na gulat kang makita ako?" Mapanganib. Ayan ang nakikita kong aura niya. Nakaramdam ako ng kaba nang tumingin siya sa tiyan ko. Hinawakan ko naman ang tiyan ko dahil mas dumilim ang aura niya nang makita niya ang tiyan ko.

"A-anong ginagawa mo d-dito?" Nauutal na tanong ko dahil hindi ko na talaga maitago ang takot na nararamdaman ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko kahit ang totoo ay gusto kong tumakbo sa loob ng bahay.

"Bakit? Akala mo ba hindi kita mahahanap?" Nakangising tanong niya at nagsimula siyang humakbang papunta sakin. Nanatili ako sa kinauupuan ko kahit na gustong gusto ko na tumayo at umalis. Nang makalapit siya sakin ay yumuko siya at inilapit ang mukha niya sa mukha ko kaya napasandal ako sa sandalan ng inuupuan ko.

"Umalis ka para sumama kay Ford? Bakit?" Nanguuyam na tanong niya at wala naman akong mahanap na sagot para sabihin sakanya."Bakit Patricia? Anong ginawa ni Ford para sumama ka sakanya?" Tanong niya pa na hindi ko na naman sinagot. Mas mabuting manahimik na lang ako at tanggapin lahat ng sasabihin niya. 

" I was so worried Patricia! Tapos malalaman kong ganito? Nagpabuntis ka sa lalaking yon? Akala ko ba ako ang mahal mo?" Galit na tanong niya. Pumikit naman ako para pakalmahin ang puso ko at kalamnan ko.

"Tama na, umalis kana dito." Mahinang pakiusap ko at mapakla naman siyang tumawa. Yumuko ako pero hinawakan niya ang baba ko at pilit akong pinapatingin sakanya.

"Nag sayang ako ng panahon para hanapin ka tas makikita kitang malaki ang tiyan? Akala ko ba hindi ka malandi?" Nakangising sabi niya. Umakyat naman lahat ng dugo sa ulo ko at malakas siyang sinampal.

"Wala.kang.karapatang.husgahan.ako!" Madiin ang bawat salitang binibitawan ko. "Nagsayang ka ng panahon para hanapin ako? Bakit? Sino bang nagsabi sayong hanapin ako?" Natatawang tanong ko pero puno ng galit ang isip ko ngayon. "Oo mahal kita, at pinagsisisihan kong minahal kita." Nakita ko ang sakit na dumaan sa mga mata niya pero agad din 'yong nawala. "Masaya ako kay Ford, kaya umalis kana!" Nagtitimping sabi ko. Ayokong lakasan ang boses ko at baka marinig ako ni Ford. "Hindi ko ikukulong yung sarili ko sa pagmamahal ko sayo. Hindi ko hahayaang masira pa ang sarili ko dahil sayo. Ford cares for me, he loves me at masaya kami sa isa't isa kaya umalis kana!" Pilit kong tinatapangan ang loob ko kahit ang totoo ay punong puno na ng kaba ang puso ko.

Ngumisi si Clyde, isang ngisi na mukhang may masamang binabalak. Ngisi na ngayon ko lang nakita sakanya. "Sa tingin mo hahayaan kitang maging masaya kay Ford?" Nakangising tanong niya at napalunok naman ako. Umangat ang kamay niya para haplusin ang pisngi ko pero agad ko itong tinabig. "Kukunin ko kung ano ang akin Patricia, at akin ka." Madilim ang mukhang sabi niya at umakyat naman ang takot sa kalamnan ko.

"Patricia! Kakain na tayo" Narinig ko ang boses ni Ford na mukhang papalapit na kaya natataranta kong tinignan si Clyde.

"Ihanda mo ang sarili mo honey." Nakangising sabi ni Ford at ikinagulat ko ang sunod niyang ginawa. Lumapat ang labi niya sa labi ko at bago pa man ako makapag react ay wala na siya. Pinalibot ko ang paningin ko sa buong paligid pero hindi ko na siya makita. Maski anino niya ay wala.

Hinawakan ko ang labi kong hinalikan niya at damang dama ko pa din ang init ng paghalik niya. Kumabog ng malakas ang dibdib ko at hindi ko alam kung paano pa pakakalmahin ang nagwawala kong puso.

"Hey baby, lets eat" Nakangiting bungad sakin ni Ford pero nang makita niya ang itsura ko ay nawala ang masayang ngiti niya.

"Are you okay? What happened? Ba't ganyan ang itsura mo?" Sunod sunod na tanong niya. Napalitan ng pagaalala ang kaninay masayang mukha niya.

Umiling naman muna ako ng ilang beses. "No, im fine. Walang nangyari. Sumakit lang ang tiyan ko" Mahinang sagot ko. Hindi pwedeng malaman ni Ford na andito si Clyde dahil paniguradong mag aaway lang sila at wala akong magagawa para pigilan sila.

"What? Saan ang masakit? Anong nararamdaman mo? Punta na tayong hospital" Mas lalong nadagdagan ang pagaalala sa mukha ni Ford. Hinawakan ko naman ang kamay niya na nakahawak sa tiyan ko at marahan ko itong pinisil.

"Okay na ako, normal lang yun sabi ng doctor kanina diba?"Nakangiting sabi ko at kita ko naman ang paghinga niya ng malalim. Para siyang nabunutan ng tinik sa katawan.

"Mabuti naman, akala ko kailangan na kitang isugod sa hospital e. Sabihan moko pag sumakit ulit ha." Tumango ako sakanya at inalalayan naman na niya ako patayo.

Wag lang sanang totohanin ni Clyde ang banta niya.

Clyde's pov

"What happened? You look mad." Ang asawa ni Dean ang bumungad sakin. Kakatapos lang ng nangyari dun sa kaibigan nilang si Jesse and im glad dahil mukhang okay na si Anne.

"Its nothing, where's Dean?" Tanong ko.

"He's upstairs, i'll call him" Nakangiting sabi nito at iniwan naman ako sa sala. Umupo ako sa sofa at hinilot ang sintido ko.

"Hey man, what's the problem?" Nag angat ako ng tingin at nakita kong nakaupo na si Dean sa single sofa.

"Can i stay here for a month or two ?" Tanong ko.

"Of course bud! Planning something?" Nakangising tanong ni Dean.

"Well, i want her back. And i'll do everything para maiuwi ko siya sa pilipinas. Alam kong mahal pa niya ako" Sagot ko at mahina naman siyang natawa.

"Damn man! Baliw kana sakanya" Natatawang sabi ni Dean kaya natawa na lang din ako.
 

Tama si Dean, baliw na nga ako kay Patricia at gagawin ko ang lahat para lang makuha siya. Hindi ko hahayaang sumaya ang taong mahal ko na hindi ako ang dahilan.

"So, what's the plan?" Tanong ni Dean na siyang nakapag pangisi sakin.

"Throw a simple dinner tonight then invite them" Nakangising sabi ko.

"Pasalamat ka at kaibigan ka ng asawa ko!" Natatawang singit ni Anne kaya natawa na din ako.

"Thank you" Nakangiting sabi ko at umiling naman si Anne.

"I'll go invite them. Kayo na ang bahalang mag luto at mag ayos dito" Nakangising sabi niya at mabilis naman siyang lumabas para puntahan sila Patricia.

"That woman!"  Singhal ni Dean na tinawanan ko lang.

Tumayo na ako at inaya si Dean na mag grocery para sa gagawing salo salo mamaya. Isang dinner na sisiguraduhin kong ikakawindang ni Patricia at Ford.

Lumipas ang ilang oras at natapos na kami sa pamimili at ngayon ay tinutungo na namin ang daan pauwi. Tumunog ang ringtone ko at agad ko naman itong kinuha sa dashboard para sagutin.

"Hey, asan ka?" Tanong ni Ian sa kabilang linya.

"Business" Simpleng sagot ko.

"You sure?"

"Yeah."

"Kelan ka uuwi?"

"Nextweek, why?"

"Wala naman, just want to goodluck you. Mabalik mo sana si Patty" Sabi niya at sasagot pa sana ako pero pinatayan na niya ako ng tawag.

"Ian?" Tanong ni Dean na tinanguan ko.

"Minsan natatakot na ako sa kapatid ko e, nalalaman niya yung mga bagay na di naman nasabi sakanya" Sabi ko at natawa naman siya.

"Well, that's Ian" Sabi niya at bumuntong hininga na lang ako.

Si Patricia na lang muna ang poproblemahin ko tsaka na ang sa bahay. Kailangan ko siyang makuha ulit at sisiguraduhin kong di na siya makakawala pa.

**********

Until The End [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon