Clyde's pov
"Sir, im sorry. Hindi ko po talaga mahanap ang babaeng pinapahanap niyo. Wala ding traces ng pag alis niya at mukhang talagang planado." Sabi ng private investigator na kinuha ko. Nagsisimula na uminit ang ulo ko. Mag aanim na buwan na pero ito pa din ako. Hindi ko pa din siya mahanap.
"You may go" Nag pipigil na galit na sabi ko. Hanggat maari ayokong magalit, pang sampong private investigator na 'to at kahit isa sakanila walang nakuhang lead kung asan si Patricia.
Talagang tinataguan mo Patricia.
"Wala pa din?" Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Christina. Kakapasok niya lang sa opisina ko at deretsyong umupo siya sa visitors chair.
"Wala pa din" Bumuntong hininga ako at hinilot ang sintido ko.
"Damn! Hindi ko na alam ang gagawin ko Christina" Malungkot na sabi ko. Wala na akong lakas para itago pa ang totoong nararamdaman ko.
"Sorry kuya, hanggang ngayon hindi pa din tumatawag si Patty sakin." Malungkot na sabi din ni Christina kaya muli akong huminga ng malalim.
"Its okay, mahahanap ko din siya" Binigyan ko siya ng isang ngiti.
"Fighting lang kuya, kaya mo yan!" Nakangiting sabi ni Christina. Tumayo naman ito at niyakap ako. Kahit papaano nagpapasalamat ako dahil andito ang mga kapatid ko para palakasin ang loob ko sa tuwing nanghihina at nawawalan na ako ng pagasang mahanap si Patty.
Agad na lumayo si Christina sakin nang tumunog ang phone ko na nasa table.
Tinignan ko naman muna si Christina bago sinagot ang tawag. "Yes hello?"
"Hey bud! How are you?" Tanong ni Dean. Classmate ko siya ng college.
"Im fine Dean, you?" Tanong ko.
"Im fine too, anyway, i have some goodnews for you"
"What good news?"
"May hihananap kang girl right?" Tanong nito at medyo hirap sa pagtatagalog pero naiintindihan ko pa din naman.
"Yes, why?" Kunot noong tanong ko.
"Well, im staring at her right know" mahinang sabi niya na siyang nakapag pabuhay ng dugo ko.
"What!? Bakit kayo magkasama? Asan kayo??" Galit na tanong ko.
"Chill man! She's not with me. She's with someone else and she's my neighbor. Also, ngayon ko lang siya nakita ng magatal because everytime na aalis siya, uuwi siya at deretsyo sa bahay nila" Kwento nito.
"Bahay nila?" Takang tanong ko. Nakatingin na sakin si Christina at mukhang gusto na magtanong.
"Yes, She's with a man. I think its her husband or boyfriend. I don't know! Anyway, i have to go man. I'll text you my address if you want to see the woman" Huling sabi nito bago pinatay ang tawag.
"Sino yun kuya?" Tanong ni Christina.
"Classmate ko ng college, si dean daw" Sagot ko.
"Ba't parang galit na galit ka?" Tanong pa ni Christina at tama nga siya. Galit na galit ako. Husband? Boyfriend? Fuck! Malaman ko lang kung sino ang kasama ni Patricia mabubugbog ko siya.
"Its nothing, bumalik kana sa trabaho mo kay David. Madami pa akong gagawin" Pagtataboy ko kay Christina at nakabusangot naman siyang nagpaalam sakin.
Ayokong ipaalam kay Christina ang binalita sakin ni Dean. Gusto kong maayos muna samin ni Patricia ang lahat bago ko ipaalam sakanila ang lahat. Ilang minuto lang ang lumipas at narinig ko ang message alet tone ng phone ko, agad ko itong binuksan at napangiti ako ng mabasa ko ang text ni Dean.
BINABASA MO ANG
Until The End [COMPLETED]
Ficción General(Seyon Series#1) Isa lang naman ang gusto ni Patricia, at yun ay ang mapansin siya ng taong matagal na niyang mahal. Lahat ay nagawa na niya para mapansin siya ng binata pero mukhang masyadong mapaglaro ang tadhana dahil maski kahit kaunti ay hindi...