Naglalakad na ako pauwi sa kabilang kanto na ako sasakay dahil walang dumadaan na taxi sa labas ng bahay nila Christina. Hindi pa man ako nakakakalahati sa pag lalakad nang may huminto naman sa harapan kong sasakyan. Agad akong napasimangot nang mapag tanto ko kung kaninong sasakyan yun.
Mag papatuloy na sana ako sa pag lalakad pero bumaba si Clyde sa kotse niya at binuksan ang shotgun seat ng kotse niya.
"Sakay" utos niya kaya napakunot ang noo ko.
"Hindi na. Kaya kong umuwi mag isa" Deretsyong sabi ko.
"Sumakay kana! Wag kana mag inarte pa. Pag may nangyari sayo sa daan kargo pa kita" Cold na sabi niya. Para namang mas nawasak ang puso ko dahil sa sinabi niya. Mas may iwawasak pa pala.
"Hindi mo na po ako kailangang ihatid sir! Kaya ko na po ang sarili ko" Sabi ko at naglakad na. Hindi ko alam kung paano ko pa natatago yung sakit na nararamdaman ko. Sobra na. Hindi niya naman ako kailangan ihatid kung ayaw niya. Hindi naman ako nag pahatid sakanya ah. Oo, mahal ko siya pero hindi naman ibig sabihin nun e hahayaan ko na lang siyang ganunin ako. Mahal ko pa naman ang sarili ko.
Mahal mo pa nga ba ang sarili mo Patricia?
Narinig ko ang pag mumura niya pero hindi ko na siya nilingon pa. Ayokong makita niya akong nasasaktan dahil sa sinabi niya. Mukhang kailangan ko ng alak ah. Mukhang kahit pag kakaibigan hindi pwede. Ayoko ng saktan pa ang sarili ko. Naapektuhan na ko ng sobra dahil sa pag mamahal ko sakanya. Bukas na bukas din mag reresign na ako. Mukhang kailangan ko ng maghanap ng bagong trabaho at kailangan ko na din mag move on.
Magkakapamilya na siya, ano pang ilalaban ko? Ayokong makasira ng pamilya.
For how many years, high school pa lang kami ni Christina gusto ko na siya pero never niya akong napansin. Nang makapag tapos naman ako ng college, ang kumpanya nila Christina ang pinag apply-an ko dahil umaasa ako na baka mapansin ako ni Clyde pero nag kamali ako. Lumipas pa ang ilang taon pero nanatili akong empleyado niya. Maski sandaling tingin hindi niya mabigay sakin. Sobra din akong nasaktan ng makita kong may kasama siyang babae. Pero ano nga ba ang karapatan ko? empleyado niya lang ako.
Siguro nga kailangan ko nang tanggapin na hindi siya ang para sakin. Siguro kailangan ko nang simulan ang bukas na hindi na ako umaasang mapapansin niya. At sisimulan ko yun sa pag hahanap ng bagong trabaho.
Ngumiti ako pero kasabay nun ay ang pag tulo ng luha sa mga mata ko. Mas makakabuti to para sa puso ko. Masakit sobra pero panahon na din naman ata para sarili ko naman na ang mahalin ko. Tama na yung sakit na nakuha ko sakanya, mga sakit na hindi niya alam na nabibigay niya sakin.
Sumakay na ako sa taxi na nag aabang at tinuro ko na lang sakanya ang direksyon ng apartment ko. Kailangan ko ng palayain ang sarili ko. Kailangan ko ng kalimutan ang nararamdaman ko sakanya...pero paano ko yun magagawa?
-KINABUKASAN-
Tanghali na ako nagising kakagawa ng resignation letter. Kinakabahan ako pero sigurado naman akong papayag siya.
"Uy te! kanina kapa hinahanap ni sir" sabi ng isa sa empleyado ni Clyde kaya naman nginitian ko siya at dumeretsyo na agad sa office ni sir.
"Buti naman at nandito ka na! Bakit ka late?" Kunot ang noong tanong niya kaya naman nginitian ko siya.
"Na late ako ng gising e" sagot ko at lumapit sakanya "Sir. Mag reresign na po ako" sagot ko at inabot sakanya ang resignation paper ko. Gulat naman siyang napatingin sakin at sa papel na hanggang ngayon hawak ko pa din.
"Bakit?" tanong niya at hindi pa din kinukuha ang papel na nasa kamay ko.
"I want to start a new life sir. Masaya naman po ako dito pero kailangan ko din siguro muna magpahinga at sumubok ng mga bagong karanasan." Nakangiting sabi ko sakanya at nakita ko namang umitim ang aura niya kaya nakaramdam ako ng takot pero hindi ko ito pinahalata.
Kinuha niya sakin ng marahas ang resignation letter na kanina ko pa hawak. Binuksan niya ang letter pero nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Pinunit niya ang letter at tinapon yun. Tumayo naman siya sa swivel chair niya at tumungo siya sa pinto ng office niya. Napalunok ako nang makita kong ni lock niya ang pinto.
"S-sir?" kinakabahang tanong ko.
"You want to start a new life?" natatawang sabi niya pero hindi pa rin umaalis ang maiitim na aura niya. Nagalit ko ba siya? Pero pano? Anong nagawa ko? May nasabi ba akong hindi maganda?
Mabagal siyang lumapit sakin at wala naman akong maatrasan dahil nasa likod ko ang mesa niya. Nakita ko naman na inaalis niya ang neck tie niya na siyang ikinalunok ko.
"Sa tingin mo hahayaan kitang umalis sa kumpanyang to?" Galit na tanong niya. Tuluyan na siyang nakalapit at humawak sa gilid ko which is yung gilid ng lamesa niya ang hawak niya. Magkapantay ang mukha namin at malapit sa isa't isa.
"Pero sir--" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil bigla siyang nag salita.
"San ka mag papahinga Patricia? Bakit kailangan mong mag pahinga?" Seryosong sabi niya at hindi naman ako nakasagot. Gusto kong sabihin sakanya ang totoong dahilan ko pero hindi ko kaya.
"Sumubok ng bagong karanasan? Bakit?" galit na sigaw niya na siyang ikinagulat ko kaya napatingin ako sa mga mata niya at tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko. "Wag moko iyakan Patricia. Sagutin mo ang ta--" hindi ko na siya pinatapos dahil binuhos ko na ang nararamdaman ko.
"Dahil pagod na ako! Pagod na pagod na ako. Hindi ko na kaya! Ilang beses ko ng sinabi sa sarili ko na wag ng umasa na mapapansin mo ako bilang ako. Na mamahalin mo rin ako gaya ng pag mamahal ko sayo. Ayoko ng lokohin ang sarili ko at umasang baka isang araw mahalin mo din ako. Pagod na akong makipag lokohan sa tadhana. Pagod na akong makipaglokohan sa sarili ko. Tanggap ko na na hanggang dito na lang ako. Kaya gusto ko ng lumayo." Umiiyak na sabi ko at nakita ko naman ang gulat sa mukha niya.
"Kung tutuusin wala ka namang kasalanan dito e. Ako ang may kasalanan ng lahat dahil hinayaan ko yung puso ko na mahalin ka ng ganito. Kaya ito, ako na din ang gagawa ng paraan para matigil tong katangah---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinatahimik ako ng mga labi niya.
Hindi pa tuluyang rumehistro sa utak ko ang ginawa niya. At natauhan lang ako ng ipulupot niya ang mga kamay niya sa bewang ko. Nabuka ko ang bibig ko dahil kinagat niya ang ibabang labi ko. Naging way naman niya ito para pasukin ang bibig ko. Napapikit na lang ako at napakapit sa batok niya. Hindi ko din maiwasang maluha dahil sa nangyayari. Nanghihina ako sa sensasyong ginagawa niya. Ilang minuto din kaming naghalikan at parehas kaming habol habol ang hininga. Magkayakap pa din kaming dalawa habang habol habol ang mga hininga namin.
"Akin ka lang Patricia! Hindi ako papayag na mawala ka sa paningin ko." Deretsyong sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.
Wala naman akong ibang maramdaman kundi ang bilis ng tibok ng puso ko. Bahala na kung ano ang mangyayari. Huling besea ko nang pagbibigyan ang sarili ko.
Inilapat ko ang labi ko sa labi niya at naghalikan kami. Nagumpisa sa malumanay hanggang sa lumalim na at natagpuan ko na lang ang sarili kong nakahiga sa sofa at nakapaibabaw naman si Clyde sakin.
Pinagmasdan ko ang natutulog na mukha ni Clyde, pinunasan ko din ang luhang tumulo sa mga mata ko. Hindi ko alam kung ano pa ang mararamdaman ko pero isa lang ang alam ko. Wala akong pinagsisisihan sa nangyari.
Dahan dahan akong tumayo at pinulot ang mga damit kong kung saan saan na napunta dahil sa pag hagis ni Clyde. Nang makapag bihis ako ay muli kong sinulyapan si Clyde na hanggang ngayon ay mahimbing pa din na natutulog. Lumapit ako sakanya at marahan kong idinampi ang labi ko sa noo niya.
"I love you. I love you so much" Mahinang bulong ko habang may pumapatak na luha sa mga mata ko. Tumayo na ako at tuluyan ko nang nilisan ang opisina niya.
Dumeretsyo ako sa bahay ni Ford, alam kong siya lang ang makakatulong sakin ngayon.
"I need your help" Umiiyak na sabi ko nang buksan niya ang gate.
**********
BINABASA MO ANG
Until The End [COMPLETED]
Ficción General(Seyon Series#1) Isa lang naman ang gusto ni Patricia, at yun ay ang mapansin siya ng taong matagal na niyang mahal. Lahat ay nagawa na niya para mapansin siya ng binata pero mukhang masyadong mapaglaro ang tadhana dahil maski kahit kaunti ay hindi...