Days and weeks na ang nakalipas mula nang mangyari ang pag punta ni Clyde sa apartment ko at nag tatrabaho pa din naman ako kay Clyde and thank god dahil mukhang wala siyang balak na tanggalin ako. Well, siya din naman ang mahihirapan pag tinanggal niya ako. Mahihirapan siyang mag hanap ng mapagkakatiwalaang secretary. Well, kampante na kung kampante! Yun naman kasi ang totoo.
Kasalukuyan kong binabasa ang report na kailangan ni sir pero agad din ako nahinto nang may narinig akong nagsalita.
"Andyan ba si Clyde?" Tanong ni Kesha na nakatayo sa tapat ko. Ngumiti ako sakanya at tumango. "Pasok na lang po kayo ma'am, kanina pa nag aantay sainyo si sir" Tinuro ko sakanya ang pinto at kita ko naman siyang tumango at iniwan na ako. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok siya. Hindi ko maiwasang hindi ma insicure, sino bang hindi ma iinsicure? Isa si Kesha sa mga babaeng nabiyayaan ng sobrang gandang mukha, sobrang gandang katawan. Kung tutuusin lahat ng makikita mo sakanya maganda, mala porselana ang kutis niya, matangos ang ilong, maganda ang mga mata pati na ang labi, maganda din ang buhok niya kaya hindi na ako mag tataka kung anong nagustuhan sakanya ni Clyde. Sana maganda at sexy din ako, pero okay lang mabait naman ako e.
Iniling ko na lang ang ulo ko at nag simulang mag basa ulit at nang matapos ako ay sakto namang tumunog ang cellphone ko at nang makita ko ang pangalan ni Ford ay agad ko itong sinagot.
"Hey baby!" Masayang bati niya nang masagot ko ang tawag.
"Ey! Kumusta? Hindi kaba busy?" Tanong ko.
"Nope! Actually, andito na ako sa labas ng building niyo, aantayin kita okay? Mwah!" sasagot pa sana ako pero pinatay na niya ang tawag.
"Lalaking yun talaga!" Tanging nasabi ko at inayos na ang mga ibibigay kong papel kay sir. Inayos ko muna ang sarili ko at kumatok muna ako ng tatlong beses bago ako tuluyang pumasok sa office niya.
"Sorry po sa istorbo, ito na po ang mga need niyong pirmahan sir, kukunin ko na lang po bukas ang mga yan" Sabi ko at mabilis din na nilapag sa gilid ng table ang dala ko.
"Bakit hindi mo pa kunin mamaya?" Dama ko ang lamig sa tono niya pero isinawalang bahala ko yon, ilang linggo na ding malamig ang pakikitungo ni Clyde sakin na hinayaan ko lang at unti unti na din akong nasasanay. Mas okay na din ang ganito at least, safe ang puso ko. Hindi na ako aasa sa mga motibong pinapakita niya.
"Oras na po kasi ng uwi ko kaya bukas ko na lang po kukunin." Pormal na sabi ko at kita ko namang nakatingin lang sakin si Kesha.
"Okay" Tanging sabi ni Clyde. Ngumiti naman ako at magpapaalam na sana kaso bigla namang nag salita si Kesha.
"Dapat ngang umalis kana, kanina kapa hinihintay ng boyfriend mo sa baba"
"Po?" Gulat na tanong ko at kita ko naman siyang umayos ng upo.
"Boyfriend mo si Ford diba? Kanina pa siya nasa baba, actually andun na siya pag akyat ko pa lang dito." Napa oh na lang ako at tumango sakanya bago ngumiti.
"Salamat po sa pag sabi, aalis na po ako. Ingat po sa pag alis niyo mamaya" Nakangiting paalam ko at sinulyapan ko muna si Clyde na mukhang galit habang nakatingin sakin. Hindi ko na lang siya pinansin at tuluyan na akong nag lakad palabas sa office niya.
Huminga ako ng malalim at kinapa ang dibdib ko kung nasan ang puso ko. "Akala ko ba nasasanay kana? Bakit may kirot pa din?" Tanong ko sa sarili at muli na naman akong huminga ng malalim. I hate this feeling, pero wala akong magawa para mawala to.
BINABASA MO ANG
Until The End [COMPLETED]
General Fiction(Seyon Series#1) Isa lang naman ang gusto ni Patricia, at yun ay ang mapansin siya ng taong matagal na niyang mahal. Lahat ay nagawa na niya para mapansin siya ng binata pero mukhang masyadong mapaglaro ang tadhana dahil maski kahit kaunti ay hindi...