Clyde's pov
One week na ang nakalipas at naghahanda na ako sa pagbabalik ko sa canada. Miss na miss ko na si Patricia at mabuti na lang talaga na umalis si Christina para mag bakasyon. Alam ko kasing hindi ako tatantanan nun pag nalaman niyang aalis na naman ako.
"San ka na naman pupunta?" Tanong ni Ian nang makita niya ang bag na naglalaman ng mga kaonting gamit ko.
"Kadarating mo lang last week ah!" Si Samuel.
"May kailangan lang akong asikasuhin. One week lang naman akong mawawala" Sagot ko.
"Magtataxi ka?" Tanong ni Andri.
"No, you come with me, ikaw ang mag drive sa kotse ko pabalik dito" Sagot ko at naiinis naman siyang tumingin sakin.
"Bakit ako? May pupuntahan ako kuya! Anjan naman sila kuya Ian at kuya Samuel ah!" Nakangusong reklamo ni Andri.
"Dahil ikaw amg gusto kong isa at busy ang mga yan tsaka saan naman ang lakad mo? Mambababae ka lang e" Ako.
"What? Kuya? Hindi ako mambababae!" Depensa ni Andri.
"Yeah whatever, sasamahan moko o hindi ka lalabas ng bahay? Choose" Seryosong sabi ko at bagsak ang balikat na sumagot naman siya. "Sasama na"
"Sasama ka din pala e" Natatawang sabi ni Samuel at mahina namang nagbungisngisan si Ian at Samuel samantalang si Andri naman ay nakanguso lang.
Chineck ko muna ang mga gamit ko at passport at nang okay na lahat ay nag aya na akong umalis. Nagpaalam lang kami kay Ian at Samuel.
"You drive?" Tanong ni Andri na tinanguan ko. Sumakay na siya sa kotse at nilagay ko naman ang gamit ko sa backseat. Sasakay na sana ako pero biglang may nag park sa tapat ng kotse ko at lumabas si David.
"Oh, tol? Ba't andito ka?" Takang tanong ko.
"Asan si Christina?" Mabilis na tanong niya nang makalapit sakin.
"Ha? Hindi mo alam? Umalis na siya kani kanina lang. Akala ko alam mo kaya di na kita tinawagan" Sagot ko. Nakakapagtaka lang na hindi alam ni David na aalis si Christina ngayon dahil kung tutuusin eh lagi silang magkasama at kung minsan eh gabi na din sila kung umuwi.
"Bakit daw siya umalis? Nag text lang siya sakin na one week siyang aabsent at kaya ako pumunta dito para malaman ang dahilan niya" Sagot naman ni David sakin at bahagya pang nakakunot ang noo niya.
"Gusto niya daw mag isip. Hindi na namin tinanong kung bakit. Hindi na rin siya nag pahatid samin. Tatawag naman daw siya pag nakarating na siya sa pupuntahan niya" Sabi ko.
"Saan ba siya pumunta?" Tanong ni David.
"Hindi ko alam e. Tsaka teka nga bakit ba parang aligagang aligaga ka jan? Nag away ba kayo?" Hindi ko na maiwasang mag tanong dahil nahihiwagaan na talaga ako sa kinikilos nilang dalawa ni Christina.
"Okay naman kami kahapon e" Mahinang sabi niya.
"Osiya! Malalate na ako dahil sayo e. I tetext ko lang sayo yung location kung sakaling sabihin niya kung asan siya" Sabi ko at hindi ko na siya hinintay pang magsalita at tuluyan na akong pumasok sa kotse ko. Tumango muna ako sakanya bago pinaandar ang kotse ko.
"Anong sabi?" Tanong ni Andri.
"Hinahanap si Christina" Sagot ko naman at mahina siyang natawa. "Why?" Tanong ko.
"Malakas talaga kutob ko na nag away yang dalawang yan" Nakangising sabi ni Andri.
"Tingin mo?" Tanong ko at tumango naman siya.
BINABASA MO ANG
Until The End [COMPLETED]
General Fiction(Seyon Series#1) Isa lang naman ang gusto ni Patricia, at yun ay ang mapansin siya ng taong matagal na niyang mahal. Lahat ay nagawa na niya para mapansin siya ng binata pero mukhang masyadong mapaglaro ang tadhana dahil maski kahit kaunti ay hindi...