Patricia's pov
"How's your check up?" Nakangiting tanong ni Ford nang tuluyan akong makapasok sa kotse niya. Sinundo niya ako sa clinic na pinag check up-an ko at sa loob ng apat na buwan naging ganito ang routine namin. Ihahatid at susunduin niya ako sa mga check ups ko.
"Its fine!" Masayang sabi ko.
Limang buwan na mula nang umalis ako sa pilipinas at masasabi kong masaya naman ako sa naging pag alis ko. Pero may parte pa din sa isip ko na nag tatanong kung kamusta naba si Clyde? Kamusta na sila ni Kesha? Nanganak naba si Kesha? Hinanap ba ako ni Clyde? Pero bakit naman niya ako hahanapin? Sino ba naman ako para sakanya.
"Earth to Patricia" Napakurap kurap ako at napalingon kay Ford.
"Ha?" Tanong ko.
"How's the baby? Alam mo na ba ang gender?" Excited na tanong ni Ford na ikinangiti ko.
"Pwede na malaman pero i want it to be a surprise!" Masayang sabi ko at napasimangot naman siya.
"Pano natin mabibigyan ng pangalan kung hindi natin alam ang gender?" Tanong ni Ford.
"Edi isang babae at isang lalaking pangalan" Sagot ko at nagliwanag naman ang mukha niya.
"You're so brilliant!" Masayang sabi niya na ikinatawa ko.
"Parang ikaw ang nagbubuntis ah!" Sabi ko.
"Eh bakit ba? Masaya ako e, ilang buwan na lang lalabas na si baby!" Masayang sabi niya habang nakatuon ang atensyon sa daan. Ikalimang buwan ko na ito bilang buntis at medyo malaki na din ang tiyan ko at hindi ko maiwasang hindi matuwa. I've been in so much pain pero naisantabi lahat ng iyon nang malaman kong buntis ako.
"San mo gusto kumain baby?" Tanong ni Ford at agad naman akong nag isip. I want some pizza and spaghetti also a shake and a vegetable salad. Shet, naglalaway na ako.
"Want some vegetable salad, pizza, spaghetti and a strawberry shake! Damn!" Damang dama ko ang paglalaway ko kaya panay ang lunok ko.
"Okay lets fine those" Natatawang sabi ni Ford na hindi ko na lang pinansin dahil sa mga pagkaing nasa isip ko. Sa loob ng limang buwan, si Ford ang nagbibigay ng mga cravings ko kahit gabing gabi na at busy siya sa trabaho. Minsan nga e nakakahiya na pero anong magagawa ko gusto naman daw niya akong asikasuhin kaya wag daw ako mahihiyang magsabi sakanya.
Pag kaya ko namang bilhin ang mga gusto ko e ako na ang lumalabas para maghanap ng gusto ko. Hindi naman maselan ang pag bubuntis ko at ang advice ng doctor ay makakabuti daw para sakin ang maglakad lakad kahit sandali lang.
"Andito na tayo!" Nakangiting sabi ni Ford.
"You look happy" puna ko sa masayang mukha niya. Kanina pa siya pangiti ngiti.
"Because im with you!" Sagot niya at napairap naman akom
"Araw araw tayong magkasama Fordy, at ngayon ka lang naging ganyan kasaya" Sagot ko at natawa naman siya.
"Wag mo na lang ako pansinin okay? Haha lets get inside gutom na din ako at masamang magutom ka" Natatawang sabi nito kaya naman inirapan ko siya pero kalaunan ay natawa na din ako.
Last time kasi na nagutom ako e ngumawa ako ng ngumawa. Hindi ko malilimutan ang natatarantang mukha ni Ford habang tinatanong kung ano ang gusto kong kainin.
"Ngayon ikaw naman ang nakangiti" Puna ni Ford sakin.
"Naalala ko kasi yung mga pag papanic mo" Natatawang sagot ko at nakabusangot naman siyang nakatingin sakin. "Pano kaya pag nanganak na ako?" Tanong ko at nakita ko naman na parang nag iisip siya.
BINABASA MO ANG
Until The End [COMPLETED]
General Fiction(Seyon Series#1) Isa lang naman ang gusto ni Patricia, at yun ay ang mapansin siya ng taong matagal na niyang mahal. Lahat ay nagawa na niya para mapansin siya ng binata pero mukhang masyadong mapaglaro ang tadhana dahil maski kahit kaunti ay hindi...