Chapter 22

57 2 0
                                    

Nandito na ako sa tapat ng building at gaya nga ng sabi ni Ford hihintayin ko siya. 

"Waiting for your boyfriend?" Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Clyde. 

"No sir, hinihintay ko si Ford" Nakangiting sagot ko.

"Buti hindi nag seselos si Steven sainyo ni Ford" Hindi ko mawari kung ano ang nais niyang iparating kaya isinawalang bahala ko na ito at nakangiting sumagot sakanya "Hindi naman po, sobrang pinagkakatiwalaan po ni Steven si Ford pag dating sakin. At ganun din naman po si Ford kay Steven" Nakita kong kumuyom ang kamao niya pero hindi ko na lang ito pinansin. Pinanindigan ko na kung ano ang sinabi ni Steven. Mas okay na din na ganon.

"Hmm, kung ako ang boyfriend mo hinding hindi kita papalapitin sa kahit na sinong lalaki" Walang emosyong sabi niya. Gusto kong kiligin, gusto kong magtatalon sa tuwa dahil sa sinabi niya pero bakit ang bilis lang ng tibok ng puso ko? Bakit hindi ko maramdaman yung mga butterfly sa tiyan ko?

"Mabuti na lang po pala at hindi ko kayo naging boyfriend" Nakangiting sabi ko. Kusa na lang iyong lumabas sa bibig ko at wala naman na akong magagawa kundi panindigan ang sinabi ko. I really want him to be my boyfriend ang kaso para kong inaabot yung taong hinding hindi ko makukuha. Parang ako yung luma siya yunh bituin, napakahirap makuha.

"I see, mas gusto mong maraming lalaking nakapaligid sayo" Nakangising sabi niya at hindi makapaniwalang napatingin naman ako sakanya. Handa na sana akong sagutin siya pero inunahan niya akong magsalita "At isa pa, hinding hindi ko gugustuhing maging girlfriend ang isang kagaya mo hindi ako papatol sa malalanding kagaya mo" Nagpantig ang tenga ko sa huling sinabi niya kaya naman tuluyan akong humarap sakanya. Tinaasan ko siya ng kilay at nakangising tumingin sakanya.

"Ayaw niyo sa malalandi pero pinatulan niyo si Ma'am Kesha? Wow haha" Natatawang sabi ko. Gusto kong ilabas ang galit ko. Anong karapatan niyang pagsabihan ako ng ganon? Ano bang alam niya sakin? Ramdam na ramdam ko ang gigil ko para sakanya. Sino siya para sabihan ako ng ganon?

"Mag kaiba kayo ni Kesha. Si Kesha ka level ko at mayaman. Samantalang ikaw mukhang kailangan pang kumapit sa mayaman para lang maging ka level namin" Nakangising sabi niya at para naman akong sinampal ng paulit ulit dahil sa sinabi niya. Ang sakit, sobrang sakit sa pakiramdam na yung taong mahal mo pa ang mag sasabi sayo ng ganong klaseng mga salita. Kung kanina puro gigil ang nararamdaman ko ngayon purong sakit na.

Lumunok ako ng ilang beses bago ko nilabanan ang tingin niya. Ngumiti ako sakanya bago nagsalita. "Maaring magkaiba nga po kami ni Ma'am Kesha pero hinding hindi ko po gagawin ang kumapit sa taong mayaman para umangat ang buhay ko. Kaya nga po ako nag tatrabaho diba? At isa pa wag niyo po akong husgahan dahil wala po kayong alam sa buhay ko. Also, hindi po kasama sa kontratang pinirmahan ko na pwede niyo akong sabihan ng mga masasakit na salita. Sino ka ba para pagsabihan ako ng malandi? Bukod sa boss kita wala kanang ibang relasyon sakin, kaya wala kang karapatan para pagsabihan ako ng ganon." Nakangiting sabi ko at nakita ko naman na magsasalita pa sana siya pero agad ko na siyang inunahan. "Bye sir, ingat po kayo sa pag uwi at enjoy po sa dinner niyo mamaya" Nakangiting paalam ko bago ako pumara ng taxi. Nang makapasok ako sa taxi ay dun ko na nilabas ang totoong emosyon ko.

Nagsimulang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ang sakit sa dibdib, ang sakit sa puso. Parang hinihiwa ang puso ko ng paulit ulit. Pano niya nagawang sabihin sakin ang mga yon na parang wala lang sakanya? Pano niya ako nagawang husgahan? Bullshit! Wala naman akong ibang ginagawa kundi ang mahalin siya ah?  Bakit kailangan kong masaktan ng ganito? Bakit kailangan kong maramdaman ang ganito? Ganito ba talaga ang mararamdaman ko pag minahal ko siya? Puro sakit na lang ba talaga?

Until The End [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon