Chapter 48

78 2 0
                                    

"Aalis tayo Patty!" Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Clyde at pumasok si Christina na ang lapad lapad ng ngiti.


"Ha? San tayo pupunta?" Takang tanong ko. 10am pa lang at halos kagigising ko lang din. Maagang umalis si Clyde at di naman sinabi saakin kung saan siya pupunta.


"Basta, hali kana! Ito yung isusuot mo okay? Ikakasal kasi yung friend ko tapos nagkulang sila sa abay kaya ikaw na lang ang sinabi ko. Pumayag na din si kuya Clyde na isasama kita kaya bangon naaaa" Excited na sabi ni Christina. Hindi naman na ko nakasagot dahil inalalayan niya na ako patayo at papunta sa cr. Hindi naman na ako nagsayang ng oras at naligo na din. Paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Christina may hinahanda siya. Nakabihis na din siya at mukhang ako na lang ang inaasikaso niya.


"Ayan! Suot mo na" nakangiting sabi niya. Inabot niya sakin ang undergarments ko at ang dress na isusuot ko, kung dress ngang matatawag ito.


"Sure kabang abay lang ako? Parang ang bongga naman masyado ng damit" Sabi ko. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Simple lang ang dress may mga lines lines siya at may silver na belt naman na nasa taas ng tiyan ko. Ang ganda ganda, parang saktong sakto sakin. Hindi siya basta dress lang, isa siyang napakagandang dress.


Inayusan ako ni Christina, simple make up at kaonting ayos lang sa buhok ko ay okay na. Handa na kaming umalis.


"Wala bang sinabi kuya mo kung saan siya nag punta?" Tanong ko kay Christina nang paandarin niya ang sasakyan.


"Wala siyang sinabi, eh" Sagot ni Christina. Sa'n na naman kaya nagpunta ang lalaking yun? Di man lang nagsabi. Pero sino nga ba naman ako para pagsabihan niya ng mga lakad niya? Nanay lang naman ako ng anak niya, yun lang ang tanging dahilan kaya nasa tabi ko siya.


"Eh, sila tita at tito? Ang mga kapatid mo nasan?" Tanong ko pa.


"Sila kuya? Paniguradong tulog pa, sila mommy at daddy naman ay maaga din umalis" Sagot niya. Nakatutok ang atensyon niya sa daan kaya nagkaron ako ng pagkakataon para matitigan ang kaibigan ko. Masaya ako para kay Christina, mahal din siya ng taong mahal niya at nakikita ko sa mga mata nila ni David ang pagmamahal at kagalakan. Ako kaya kelan? Kelan kaya ako mamahalin ni Clyde? Kelan kaya ako magiging masaya ng totoo? Yung wala kang iniisip na problema. Kelan kaya mangyayari ang mga sana ko? Kelan kaya mauuwi sa katotohanan lahat ng imaginations ko? Hanggang dito na lang ba talaga ako sa buhay ni Clyde? Kung tutuusin hindi na ako umaasa na ikakasal kami, nakakapagod din umasa, masakit, sobrang sakit lalo na kung alam mong wala ka talagang pagasa. Para kang humihiling na mabuhay ang isang taong matagal nang patay. Sana kagaya nalang din ako ni Christina. Sana mahal na lang ako ng taong mahal ko, sana mahal na lang din ako ni Clyde.


"You okay?" Napakurap ako ng ilang beses nang magsalita si Christina. Nakahinto na ang sasakyan kaya nilibot ko na ang paningin ko. Malapit lang ang simbahan na ito sa bahay nila Christina kaya 'di na ako magtataka na mabilis lang kaming nakarating.


"Here's your flower, medyo late na tayo kaya tara na" Sabi ni Christina. Nauna siyang bumaba sa sasakyan pagkatapos ay umikot siya at pinagbuksan ako ng pinto, inalalayan niya din ako pababa kaya nang makalabas na ako ng sasakyan ay agad akong nagpasalamat sakanya.


"Okay lang ba talaga sa friend mo na ako ang umattend? I mean, hindi niya ako kilala" Sabi ko at nginitian naman niya ako.


"Okay lang sakanya promise. Tara na nagsisimula na ang kasal" Marahan niya ako hinila papunta sa pila at laking pagtataka ko kung bakit ako ang nasa huli.


Until The End [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon