Christina's pov
"Ano ba talagang problema mo?" Tanong ni Ford nang makapasok ako sa sasakyan niya. Inaya ko siya ng inuman kaya ngayon ay papunta kami sa bahay niya. Nag suggest akong sa bar na lang kami pero tumanggi siya, mas okay daw na sa bahay na lang niya dahil mukhang may balak daw akong mag pakalunod sa alak."Its nothing! Gusto ko lang uminom" Matamlay na sabi ko. Gusto kong maging masigla pero hindi ko talaga kaya. Ansakit pa din ng puso ko, parang may nakabaong ilang libong karayom sa puso ko, hindi mawala wala ang kirot at mas lalong sumasakit pag naiisip ko na mag kasama sila ni Clyde.
"May pasok ka diba?" Muling tanong niya at napabuntong hininga naman ako.
"Pinauwi na niya ako" Walang ganang sagot ko at sinandal na lang ang ulo ko sa bintana ng passenger seat. Mukhang naramdaman ni Ford na hindi pa ako handang magsalita, nanahimik na lang siya at itinuon ang atensyon sa daan. Rinig ko din ang pag bubuntong hininga ni Ford pero pinag sawalang bahala ko yon.
Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na kami sa bahay ni Ford, hindi ito ang unang pagkakataon na makapunta ako sa bahay niya kaya naman hindi na ako namangha sa mga nakikita ko. Malaki ang bahay ni Ford at masasabi mong mayaman talaga ang nakatira. Mula sa ayos ng mga mamahaling gamit at iba pa, black ang kulay ng mga furniture, kulay puti at krema naman ang nasa dingding hanggang sa kisame. May puti at dilaw na ilaw na siyang nagpapaliwanag talaga sa loob ng bahay. Ang kaso mararamdaman mo sa bahay na to na mag isa lang talaga ang nakatira, walang mga katulong at ibang tao.
"Bakit ayaw mo mag hire ng katulong para naman may nakakasama ka sa bahay mo?" Tanong ko ng makaupo ako sa sala. Hinubad naman ni Ford ang coat niya at nilagay yun sa single sofa na katapat ko.
"May mga pumupunta naman dito every sunday para maglinis and kaya ko naman ang sarili ko. Also ayoko ding may pakalat kalat na mga tao sa loob ng bahay ko, hindi ko magawa ang gusto ko." Sagot niya at tumango tango naman ako.
"Hindi kaba nalulungkot?" Tanong ko na nakapag patigil sakanya. Kahit sino atang pumasok sa bahay ni Ford yun ang unang itatanong pag nalaman nila na mag isa lang ito. Tsaka, ang lungkot ng ambiance ng bahay niya. Halata mo talagang mag isa lang siyang nakatira dito.
"Minsan, pag nangungulila ako tsaka parehas lang naman tayong mag isa sa mga bahay natin. Ikaw ba? Nalulungkot ka?" balik tanong niya na ikinangiwi ko naman.
"Nalulungkot, pero may choice ba ako? Ilabas mo na nga lang yung alak" Narinig kong natawa siya at umalis na para kunin ang alak. Muling bumalik sa isip ko si Clyde at muli na naman akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. Nagbalikan na kaya sila?
Mas grabeng kirot ang naramdaman ko sa puso ko kaya naman nang dumating si Ford na may dalang alak ay agad ko itong kinuha sakanya at nagsalin sa basong dala niya din.
"Hey! Ano ba talagang problema mo?" Bakas ang pag aalala sa boses ni Ford kaya naman sinalinan ko ang isa pang baso na para sakanya.
"Drink" Utos ko at agad naman niyang ininom ang alak na nasa baso. Sinalinan ko ulit ang baso niya pati ang baso ko at kahit mapait ang lasa ay dineretsyo ko yun. Masakit sa lalamunan pero wala pa ding makakatalo sa sakit na nararamdaman ng puso ko ngayon.
"Nag aalala na ako sayo Patricia, ano ba talagang problema?" Muli akong uminom at uminom at isa pa at isa pa ulit.
"Bakit ganun? Kung sino pa yung mga nag mamahal ng buo sila pa yung nasasaktan, bakit ang unfair ng buhay?" Mapaklang tanong ko at muling uminom. "Hindi ba pwedeng maging masaya lahat? Na makuha na lang natin yung mga taong mahal natin? Bakit hindi pwede yun?" May tumulong luha sa mata ko hanggang sa nasundan pa ng isa at nag tuloy tuloy na. "Bakit kailangang masaktan pa samantalang wala naman akong ibang ginawa kundi ang magmahal lang" Umiiyak na tanong ko at uminom ulit ng alak.
BINABASA MO ANG
Until The End [COMPLETED]
General Fiction(Seyon Series#1) Isa lang naman ang gusto ni Patricia, at yun ay ang mapansin siya ng taong matagal na niyang mahal. Lahat ay nagawa na niya para mapansin siya ng binata pero mukhang masyadong mapaglaro ang tadhana dahil maski kahit kaunti ay hindi...