Patricia's pov
Halos tatlong araw na ang nakalipas mula nang magkasagutan kami ni Clyde at masasabi kong sa tatlong araw na yon ay may pagbabago sa pakikitungo namin sa isa't isa. Kakausapin ko na lang din siya pag tungkol sa business ang usapan at hindi na din ako ganon ka sigla. Kung dati ay matipid siyang magsalita ngayon ay mas tumipid pa kaya naman ginagaya ko na lang din siya. Mahal na mahal ko siya pero ang sakit e. Hindi ko naman siguro deserve masabihan ng ganon. Porket ba may dalawang lalaking handang alagaan ako malandi na ako agad? Kasalanan ko ba na gusto nilang mag stay sa buhay ko?
"Bakit ngayon mo lang sinabi sakin na sinabihan ka pala niya ng ganon?" inis na tanong ni Ford. Ngayon ko lang din kasi nasabi sakanya ang tungkol sa nangyari at inaasahan ko na ang magiging reaksyon niya.
"Okay lang naman ako, na depensahan ko naman ang sarili ko" Nakangiting sabi ko. "Hindi na ako gaya ng dati na hahayaan na lang siyang pagsalitaan ako ng hindi maganda. Oo mahal ko siya, pero hindi na ako ganon katanga"
Mas sumimangot lang ang mukha ni Ford dahil sa huling sinabi ko pero kalaunan ay ngumiti na din siya. " I can see that the old Patricia is gone"
Taka naman akong tumingin sakanya at sinubo ko muna ang nasa kutsara ko bago ako nag tanong sakanya. "What do you mean?" kasalukuyan kaming nasa fast food chain, its lunch time at inaya niya ako so sumama naman ako. Ayokong makita yung boss ko, naalala ko lang kung gano kasakit ang mga pinagsasabi niya sakin. Naalala ko lang kung paano niya inapak apakan pagkatao ko at kung paano niya ako hinusgahan pati na din ang dalawang lalaki sa buhay ko.
"Alam kong kahit ikaw napapansin mismo yun sa sarili mo but, sige. Sasabihin ko pa din sayo kung ano ibig sabihin ng sinabi ko." Nakangiting sabi niya at uminom pa muna siya ng tubig bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Yung dating Patricia, hindi lumalaban pero yung ngayon lumalaban na e. Yung Patricia dati tanggap lang ng tanggap ng mga masasakit na salita pero yung Patricia ngayon, alam na alam na kung ano yung halaga niya at kaya na niyang depensahan ang sarili niya. Yung Patricia noon ang tanga tanga pa pagdating sa lalaking hindi naman siya kayang mahalin, pero yung Patricia ngayon? Ayan, onti na lang susuko na at yun na lang ang hinihintay namin" Nakangiting sabi niya na siyang nakapagpaisip sakin.
Tama nga siya, mula nang bumalik ako dito galing sa laguna nagbago na ako. Kung dati punong puno ako ng pag asa para kay Clyde ngayon hindi ko na malaman. Unti unti ko na ding natatanggap na hindi talaga pwede yung gusto ko, na hindi talaga pwedeng mapunta sakin yung mahal ko. Unti unti ko na nga talagang natatanggap at alam kong unti unti din akong makaka move on.
Napatitig ako kay Ford na nakatingin din pala sakin. "Nagkaron kaba ng special na nararamdaman para sakin?" Tanong ko na siyang ikinagulat niya.
"What!?"
"Gulat na gulat? 'di makapaniwala? Parang luging lugi kapa sakin ah" Inirapan ko siya at muling sumubo ng pagkain.
"Nagulat lang ako sa tanong mo, i didn't expect that. But to be honest i do, nagkaroon ako ng feeling sayo." nakangiting sabi niya. Uminom naman agad ako ng tubig at malalaki ang matang tumingin ako sakanya.
"Kelan pa?" tanong ko.
"Nung araw na sinagip kita, pero habang tumatagal akala ko gusto kita bilang ikaw talaga pero yun pala gusto kita kasi gusto kitang maging parte ng pamilya ko, maging parte ng buhay ko. Alam mo yun? Pag kasama kita parang kahit tayong dalawa lang parang complete family na? Gusto kitang alagaan at protektahan kasi nakikita kita bilang kapatid ko. Kaya ganito ako ka protective sayo" Sagot niya at para namang may humaplos sa puso ko dahil sa mga sinabi niya. Tumayo ako at mabilis na lumapit sakanya para yakapin siya. Ilang beses na niyang sinasabi saakin ang dahilan niya pero hindi ko pa din maiwasang hindi matuwa.
BINABASA MO ANG
Until The End [COMPLETED]
General Fiction(Seyon Series#1) Isa lang naman ang gusto ni Patricia, at yun ay ang mapansin siya ng taong matagal na niyang mahal. Lahat ay nagawa na niya para mapansin siya ng binata pero mukhang masyadong mapaglaro ang tadhana dahil maski kahit kaunti ay hindi...