"Bakit mo naman sinabi yon?" Tanong ko kay Steven. Kasalukuyan kaming nasa sasakyan ngayon at pauwi na kami galing sa laguna. Tapos na ang isang linggo namin at ngayon ko lang na solo si Steven kaya naman ngayon lang ako nakapag tanong sakanya. Mula kasi nang sabihin niyang girlfriend niya ako ay hindi ko na siya na solo, lagi din kasing na dikit samin ang mga ka trabaho ko. Hindi ko naman pwedeng hilain na lang bigla si Steven.
"Ang alin?" Tanong nito, nakatuon ang atensyon niya sa daan.
"Na girlfriend moko, kahit hindi naman" Sagot ko. Tumingin ako sa mga nadadaanan namin. Hindi ko talaga ma gets kung bakit niya sinabi na girlfriend niya ako. Ang hirap mangapa pag ka harap namin mga ka trabaho namin.
"Well it worked diba? Kahit papaano ay hindi mo naiisip si Clyde at si Kesha. At isa pa mas okay na din yun at least hindi kana aasa sa mga pinapakita niya. Also, gusto kong matuon naman ang atensyon mo sa iba. Wag mong ikulong yung sarili mo sa pagmamahal mo kay Clyde. May ibang tao jan na handa kang mahalin. " Sagot nito at tumango naman ako. Tama siya nawala nga sa isip ko sila Clyde at Kesha. Bigla na lang kasing sumulpot si Kesha sa laguna at hindi na umalis sa tabi ni Clyde. Si Kesha din ang dahilan kung bakit si Steven ang kasama kong umuwi ngayon. Nakakainis talaga ang babaeng yun. Everytime na mapapatingin naman ako kay Clyde ay hinahawakan ni Steven ang dalawang pisngi ko at hinaharap ako sa mukha niya, para daw hindi ko na makita si Clyde at sobrang laki ng pasasalamat ko kay Steven.
"Sana iniwan mo na yung pag asang nararamdaman mo sa laguna" Rinig kong sabi ni Steven kaya naman bumuntong hininga ako at tipid na ngumiti sakanya.
"Nagawa ko na" Nakangiting sabi ko at napalingon naman siya sakin. "Hindi na ganon ka taas yung pangarap ko na makuha siya. Hindi ko sinasabing sumusuko na ako pero i know darating din yung araw na susuko na mismo yung puso ko." Pag papatuloy ko. Narinig ko naman ang pag bubuntong hininga niya. "Lahat naman may hangganan e, at alam kong onti na lang bibitaw na ang puso ko." Dagdag ko. Hindi naman na siya sumagot at bumuntong hininga na lang.
"Saan pala kita ihahatid?" Tanong ni Steven. Sinabi ko naman agad ang address ni Ford. "Bakit dun?" Takang tanong niya. Naalala ko ang pangako ko kay Ford at isa din si Ford sa mga dahilan kung bakit kahit papaano ay nawala si Clyde sa isip ko.
"May utang kasi ako sakanya" Nakangiting sabi ko. Excited na akong makita si Ford, hindi kami nakapag usap ng buong isang linggo, hindi ko rin siya nabati nung birthday niya. Paniguradong nag tatampo yun sakin. Nangako pa naman ako na babatiin ko siya pag sapit ng birthday niya pero hindi ko nagawa.
"Bakit naman?" Tanong niya.
"Dumaan kasi ang birthday niya tas di ko siya nabati at isa pa nangako ako sakanya na mag ce-celebrate kaming dalawa pag uwi ko" Nakangiting sabi ko. Tumango tango naman siya. Makalipas ang ilang oras ay nakarating na kami sa bahay ni Ford. Tinulungan niya akong ibaba ang gamit ko pati na ang pasalubong ko kay Ford.
BINABASA MO ANG
Until The End [COMPLETED]
General Fiction(Seyon Series#1) Isa lang naman ang gusto ni Patricia, at yun ay ang mapansin siya ng taong matagal na niyang mahal. Lahat ay nagawa na niya para mapansin siya ng binata pero mukhang masyadong mapaglaro ang tadhana dahil maski kahit kaunti ay hindi...