"Dito ka lang okay? Bibili lang ako nang makakain mo. Kanina kapa hindi kumakain" Sabi ni Ford na tinanguan ko na lang. Wala akong lakas para magsalita, naubos ang lahat ng lakas ko kakaiyak. Iniwan ako ni Ford at naisipan ko namang tawagan si Christina. Ayokong umalis nang hindi ako nagpapaalam sakanya.
Makalipas ang ilang ring ay sinagot na din ni Christina ang tawag ko.
"Hello?" Dama ko ang antok niya dahil alastres pangalang ng madaling araw tapos ito ako nanggugulo.
"Christina, sorry kung naistorbo kita. Ayoko lang kasing umalis nang hindi nagpapaalam sayo" Malungkot na sabi ko. Namumuo nanaman ang mga luha sa mata ko kaya tumingala ako.
"Ha? Anong aalis? Saan ka pupunta? Asan kaba? Pupuntahan kita!" Dama ko ang pagaalala sa boses ni Christina, tuluyan nang tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Walang katapusang luha, kelan ba ako iiyak nang dahil naman sa saya?
"Hindi na, wag kana umalis, alastres ba oh!" Natatawang sabi ko pero pati ang pagtawa ko ay hindi ko na mapeke.
"Pupuntahan kita, asan ka?" Seryosong tanong ni Christina kaya napabuntong hininga ako.
"Nandito ako sa airport, 5am ang flight ko." Tanging sagot ko.
"Hintayin moko jan" Sabi niya at pinatay na ang tawag. Binalik ko ang phone ko sa handbag ko pagkatapos ay tinuyo ko ang mga luha ko.
Nakakapagod din palang umiyak ng umiyak lalo na't dahil sa lungkot at sakit. Ayokong umalis, ayokong iwan ang mga taong mahal ko dito, ayokong iwan yung buhay ko dito pero para sa sarili ko 'to. Para naman sa sarili ko ngayon. Panahon na para itigil ko na ang kahibangan ko, panahon na para sarili ko naman muna ang isipin ko.
Makalipas ang isang oras ay dumating na si Christina.
"Patty!" Tawag sakin ni Christina kaya napatayo ako at sinalubong siya. "Bakit namumugto ang mata mo?Gumamit kana ba ng ipinagbabawal na gamot?" Kunot noong tanong niya.
"Hahaha hindi ah! Baliw neto!" Natatawang sabi ko.
"Bakit ka aalis?" Deretsyong tanong niya na nakapagpawala ng pekeng ngiti sa labi ko.
"Gusto ko lang magpahinga sis" Sagot ko.
"Saan ka magpapahinga? Bakit kailangan mong magpahinga? Ano bang nangyari?" Sunod sunod na tanong ni Christina.
"Chill, gusto ko lang magsimula ng bagong buhay" Sagot ko.
"Magsimula ng bago na hindi ako kasama?" Hindi makapaniwalang tanong niya at nginitian ko naman siya, isang malungkot na ngiti. "Bakit patty? Ano ba nangyari sayo? Bakit padalos dalos ang desisyon mo? Bakit iiwan moko?" Naiiyak na tanong ni Christina. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sakanya, hindi ko alam kung paano ako maguumpisa.
"Dahil ba kay kuya?" Tanong niya na siyang nakapag patigil sakin. Bumalik na naman ang kirot sa dibdib ko.
"Bakit patty? May ginawa ba sayo si kuya?" Tanong niya na inilingan ko. Tumulo naman ang nga luha ko. Umiiyak na naman ako.
"Wala, wala siyang ginawa sakin. Kung ano man ang nangyari samin. Dadalhin ko yun hanggang sa huli." Umiiyak na sabi ko.
"May nangyari sainyo?" Gulat na tanong niya pero nginitian ko muna siya.
"I will give everything for him. Pero ngayon gagawin ko naman to para sa sarili ko. Makakapag usap pa din naman tayo e. May internet at kung ano pa para makapag usap tayo. Maintindihan mo sana Christina. Ayaw kitang iwan pero hindi ko na kaya. Babalik ako pangako. Babalikan kita. Ikaw lang ang Nag iisang bestfriend and sister ko, i promise." Umiiyak na sabi ko kaya naman agad niya akong niyakap.
"Ang daya mo Patty. Ang daya daya mo" Ngumangawang sabi ni Christina.
"Shh wag ka ng umiyak! Babalik ako. Malayo man tayo sa isa't isa pero lagi mong tatandaan na one call away ako. Lagi mo akong tatawagan ah!" Sabi ko at mas hinigpitan ko ang yakap sakanya.
"Basta ah! Wag moko kakalimutan" Umiiyak na sabi niya at tatawa tawa naman akong tumango sakanya.
"Babalik ako pag okay na ang lahat pangako" Sabi ko at tumango naman siya. Masakit para samin ang gagawin kong pag alis pero alam kong naiintindihan ako ni Christina. Ayoko man siyang iwan pero kailangan ko itong gawin para sa sarili ko. Sana sa canada gumaling ang puso ko.
Lumipas pa ang ilang oras at tinatawag na ang flight ko. Muli kaming nagyakapan ni Christina.
"Alagaan mo ang bestfriend ko ha" umiiyak na sabi ni Christina kay Ford.
"Akong bahala sakanya" Nakangiting sabi ni Ford. Muli kaming nagyakap ni Christina at tuluyan na kaming umalis ni Ford. Ilang beses kong nilingon si Christina at habang palayo ako sakanya ay mas nadudurog ang puso ko.
"Pwede pa tayong bumalik kung gusto mo" Rinig kong sabi ni Ford.
"Hindi, tumuloy na tayo" Pilit ang ngiting sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad.
Sana maging maayos ang magiging bagong buhay ko.
David's pov
Ilang linggo na akong tulala at nagiisip ng paraan kung pano mahahanap si Patricia. Ilang beses na ding pumalpak ang private investigator na kinuha ko. Nagpapasalamat na lang talaga ako sa mga kapatid ko dahil kahit papaano ay napapasaya nila ako kaya hindi pa ako nababaliw ng tuluyan.
"Hindi mo pa din nahahanap?" Tanong ni Samuel.
"Hindi pa, ang sabi ni Christina nasa canada daw. Hindi ko naman alam kung saan ako magsisimula mag hanap dahil ang laki laki ng canada" Bumuntong hininga ako at sumandal sa swivel chair ko.
"Wala pa yan sa paghihirap niya dahil sa pagmamahal niya sayo" Rinig kong sabi ni Andri na nakapasok na din pala sa opisina ko kasama si Ian.
"Anong ibig mong sabihin?" Kunot noong tanong ko.
"My dear brother, matagal kanang mahal ni Patty at kitang kita namin ang sakit sa mata niya sa mga panahong kasama mo si kesha, sa tuwing nasisigawan at napagsasabihan mo siya ng masasakit na salita." Si Samuel.
"Bilib nga kami sa pagmamahal sayo ni Patty e. Akalain mo for how many years patago siyang nagmamahal sayo." Si Ian.
"At patago din siyang nasasaktan dahil sayo. Hindi ko nga alam kung bakit mahal na mahal ka nun e, samantalang wala ka namang ibang ginawa kundi ang saktan lang siya" Sabi ni Andri.
"Ipamukha mo pa" Masama ang tinging sabi ko kay Andri.
"Just saying the truth" Nakangiting sabi niya. Pano ko ba naging kapatid ang isang 'to.
"Pagbutihin mo na lang pag hahanap mo. Hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari sa canada. Malay mo pag nahanap mo siya may iba na palang nag mamay ari sa puso niya" Nakangiting sabi ni Samuel at nagpantig naman ang tenga ko.
"Akin lang siya" Nagtatagis ang bagang na sabi ko.
"Then find her, kung ayaw mong mahuli ang lahat." Sabi ni Andri at nauna nang lumabas sa opisina ko. Tinanguan naman ako ni Samuel at Ian bago lumabas.
Hindi ko hahayaang may ibang lalaki sa buhay mo Patricia. Akin ka lang at walang ibang pwedeng umangkin sayo kundi ako.
**********
BINABASA MO ANG
Until The End [COMPLETED]
Ficção Geral(Seyon Series#1) Isa lang naman ang gusto ni Patricia, at yun ay ang mapansin siya ng taong matagal na niyang mahal. Lahat ay nagawa na niya para mapansin siya ng binata pero mukhang masyadong mapaglaro ang tadhana dahil maski kahit kaunti ay hindi...