"Saan ka pupunta?" Tanong ni Ford nang makita niya akong nakabihis at nakaayos. Maaga siyang pumunta ngayon dito sa bahay kaya naabutan niya pa ako.
"Kila Christina." Nakangiting sagot ko.
"So, andun si Clyde?" Seryosong tanong niya. Kinuha niya ang suklay na hawak ko at siya ang nagsuklay ng buhok ko.
"Wala siya don. Paniguradong kasama niya si Kesha ngayon." Mapait ang ngiting sabi ko. Lumambot naman ang ekspresyo ni Ford.
"Pag mag papasundo ka call me or call Steven okay? Anong oras ka uuwi?" Tanong ni Ford.
"I don't know, halos ilang linggo rin kaming hindi nagkita ni Christina e, kung magkikita naman kami saglit lang din, kaya baka gabihin ako." Sabi ko.
"Kung pwede lang ako sumama e." Nakangusong sabi niya na siyang nagpangiti sakin.
"Ang kaso hindi pwede e" Saad ko na mas nagpahaba ng nguso niya. Natapos siya sa pagsuklay sa buhok ko at handa na din akong umalis kaya humarap ako sakanya.
"Oh pano? Ikaw na bahala dito sa bahay ah! Lock the doors na lang!" Paalala ko sakanya. Humalik naman muna ako sa pisngi niya bago ako tuluyang umalis sa bahay. Gaya nga ng sabi ko, mapagkakatiwalaan ko si Ford sa bahay ko. Alam kong hinding hindi siya gagawa ng ikakagalit ko.
Nakarating ako kila Christina bandang alauna na, dahil sa traffic na din kaya siguro ngayon lang ako nakarating.
"Akala ko hindi kana makakapunta e" Masayang sabi ni Christina.
"Pwede ba yon?" Natatawang sagot ko.
"Patty?" napalingon ako sa tumawag sakin at nakita ko ang isang ginang na napakaganda ng ngiti. Kamukhang kamukha siya ni Christina.
"Tita!" Masayang tawag ko sakanya at mabilis naman akong lumapit sakanya para yumakap. "omygad tita! I miss you!" natatawang bumitaw siya sa yakap ko at inilayo ako ng kaonti sakanya.
"I miss you too hija! Tumataba ka ah!" nakangiting sabi niya sakin at natatawang umikot naman ako sa harap niya.
"Panong di tataba mom, eh alagang alaga yan ng dalawa e." Sabat ni Christina kaya naman tinignan ko siya ng masama na hindi naman niya pinansin. Ganyan siya pagdating sakin, mas excited pa siyang ikwento ang buhay ko.
"Sinong dalawa?" Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses ng taong mas kinakatakutan ko. Unti unti akong lumingon sakanya at pinilit ko ang sarili kong ngumiti.
"Hi tito." Awkward na bati ko sakanya. Lumapit naman siya samin at inakbayan si tita.
"Sinong dalawa ang sinasabi ni Christina?" Seryosong tanong niya sakin kaya naman napalunok ako.
"Ford and Steven, her friends. " Balewalang sagot ni Christina.
"Friends? Kelan kapa nagkaroon ng kaibigan bukod kay Christina? At lalaki pa?" Sunod sunod na tanong ni tito.
"Mabait naman sila tito and harmless sila promise. Also, inaalagaan din po nila ako ng maayos" Hindi ko alam kung anong itsura ko ngayon pero alam kong mukha akong tanga dahil sa naiilang na ngiting nasa labi ko.
"Patricia, okay lang naman na magkaroon ka ng kaibigang lalaki basta know the limitations okay? And make sure na malinis ang intensyon sayo ng mga kaibigan mong yan dahil kung hindi, hindi ako magdadalawang isip na patikimin sila ng kamao ko!" tinaas ni tito ang kamao niya at binaba naman ito ni tita.
BINABASA MO ANG
Until The End [COMPLETED]
General Fiction(Seyon Series#1) Isa lang naman ang gusto ni Patricia, at yun ay ang mapansin siya ng taong matagal na niyang mahal. Lahat ay nagawa na niya para mapansin siya ng binata pero mukhang masyadong mapaglaro ang tadhana dahil maski kahit kaunti ay hindi...