Patricia's pov
"Pat, tikman mo ito" Nakangiting sabi ni Anne at nilagay sa plato ko ang steak na luto niya ata o ng asawa niya.
"Salamat" tugon ko. Nilagyan naman ako ni Ford ng kanin. Tinignan ko si Ford at kahit hindi niya sabihin alam kong nabigla din siya at alam kong madami ding katanungan sa isip niya. Nagpapasalamat na lang talaga ako na umaakto si Ford ng maayos at hindi inuuna ang galit niya.
"Pasensya na kayo at ayan lang ang naluto namin. Sinabihan ko kasi yung dalawa jan na magluto ng marami" pagpaparinig ni Anne sa asawa niya at kay Clyde.
"Eh sa wala kaming ibang alam na maluluto e. Ayan lang kinaya namin" nakangusong sagot naman ni Dean.
"Hayaan niyo na, okay lang naman. Tsaka nagluto din si Ford ng ibang ulam." Nakangiting sabi ko.
"Marunong kang magluto?" tanong ni Dean kay Ford.
"Yes, mula kasi nang magbuntis si Patricia ay ako na ang kumikilos. Natatakot kasi ako na baka pag kumilos siya ay madulas siya o kung ano pa. Tsaka pabor sakin yun para hindi naman mangalawang ang cooking skills ko." Sagot ni Ford.
"Ang sweet naman" matamis ang ngiting komento ni Anne.
"Sweet ka jan, nakaka buryo kaya. Puro upo, kain at higa lang ang nagagawa ko. Kahit pag hugas ng pinggan o pag walis ay hindi niya ako pinapayagan." Nakangusong sabi ko.
"Ano kaba, nagaalala lang sayo ang asawa mo" Natatawang sagot ni Anne.
"I know, kaya nga kahit nakaka bwiset siya minsan ay okay lang. Alagang alaga ako jan e" Nakangiting sagot ko habang nakatingin kay Ford. "Sobra pa kung magbigay ng gusto ko" Nginitian ko ulit si Ford. Ngiting nag papasalamat.
"Kasal na kayo?" nabaling ang atensyon ko kay Clyde nang magtanong ito.
"Hindi pa, pero nag paplano na. Hinihintay na lang namin lumabas si baby" Si Ford ang sumagot at tinuon ko naman ang atensyon ko sa pagkain ko. Ayokong tignan siya sa mga mata, nakakapang hina ang mga tingin na binibigay niya at alam kong hindi makakabuti para sakin lalo na sa puso ko pag napalapit pa ako sakanya.
"Ah so hindi pa pala kayo kasal, why is that?" May pang uuyam sa tono ng boses ni Clyde at napalunok naman ako ng ilang beses.
"Hindi naman kami nag mamadali" Sagot ko.
"Kaya pala nauna ang bata" Sabi niya. Tumalim naman ang tingin ko sakanya at nilabanan niya ang tingin ko na parang nang aasar.
Gusto kong sabihin sakanya na anak niya ang dinadala ko pero hindi pwede. Selfish na kung selfish pero mas okay na akalain nila anak ni Ford ang dinadala ko kesa malaman ni Clyde ang totoo. Ayokong kunin niya sakin ang anak ko, hindi ako makakapayag.
"Why not? Blessing ang batang ito samin at wala naman kaming pinagsisisihan kung tutuusin ay ito ang nagbibigay ng lakas samin." Seryosong sagot ko. "Magpapakasal din kami pag labas ni baby para makagawa ulit kami" Nakangiting dagdag ko at nakita ko naman ang matalim niyang tingin sakin.
'tama yan, magalit kapa.'
"San niyo balak mag honey moon?" Tanong ni Dean.
"Hindi pa namin alam e, sa susunod na lang siguro namin iisipin yan." Nakangiting sagot ko.
"Alam niyo na gender?" Tanong ni Dean.
"Hindi pa, gusto nilang manganak muna si Pat bago malaman para surprise!" Natutuwang sagot ni Anne sa tanong ng asawa niya at mukhang balewala sakanila ang matalim na tingin ni Clyde. Nginitian ko na lang sila at sumulyap muna ako kay Clyde na bakas sa mukha ang galit. Yumuko na lang ako at muling kumain.
BINABASA MO ANG
Until The End [COMPLETED]
General Fiction(Seyon Series#1) Isa lang naman ang gusto ni Patricia, at yun ay ang mapansin siya ng taong matagal na niyang mahal. Lahat ay nagawa na niya para mapansin siya ng binata pero mukhang masyadong mapaglaro ang tadhana dahil maski kahit kaunti ay hindi...