Chapter 21

53 2 0
                                    

Andito ako ngayon sa desk ko at dalawang araw na ang nakalipas mula nang mag-usap kami ni Ford. Hindi pa rin mawala wala sa isip ko ang sinabi ni Ford. Dahil sa pagmamahal ko ng sobra, nakalimutan ko na ang sarili ko at na realize kong lahat yun. Halos hindi ko na naiisip yung makakabuti para sakin, laging si Clyde na lang ang iniisip ko. Laging yung nararamdaman ko na lang para kay Clyde ang iniisip ko. 

"Patty!!" Napakurap kurap ako nang marinig ko ang boses ng kaibigan ko. 

"Christina!? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Agad naman akong tumayo para yakapin siya.

"Mygad! I miss you so much!" Sigaw niya at mahigpit kong niyakap na sinuklian ko din.

"I miss you more! Kamusta ka?" Tanong ko. Hawak hawak ko na ngayon ang kamay niya at magkaharap na kaming nag uusap. 

"Okay naman kahit papaano, nahihirapan akong iwasan si Jace pero dahil sa tulong ni David kaya nagiging maayos lahat" Nakangiting sabi niya, magsasalita sana ako pero mabilis niya akong naunahan. "Happy happy birthday nga pala! Sorry ngayon lang ako nakabati! Ang busy na din kasi sa office e" Malungkot na sabi niya kaya naman ngumiti ako sakanya. Gusto kong sabihin na 'okay lang, ako nga di ko alam na birthday ko na pala e' kaso pinanatili kong tikom ang bibig ko. 

"Sino nga pala ang kasama mo nung birthday mo? Sorry talaga kung wala ako nun ah" Malungkot na sabi ni Christina. Kahit ako nalulungkot para sa sarili ko. Halos hindi ko man lang alam na birthday ko pala ang cine-celebrate ko. 

"Ano kaba okay lang yun! Tsaka kasama ko naman si Ford nung birthday ko e" Nakangiting sabi ko. Sasagot pa sana si Christina ang kaso biglang may nagsalita sa gilid namin. 

"Christina, in my office now" Ma otoridad na sabi ni Clyde, tumalikod na siya samin at pumasok na sa Office niya. Bumalik na ang dating Clyde, cold, masungit, mabilis uminit ang ulo at halos lagi na din akong nasisigawan. Kung tutuusin mas okay na sakin na ganito siya at least alam ko kung hanggang saan lang ako sa buhay niya at yun ay ang secretary niya lang ako. Alam kong mawawala din ang pagmamahal ko sakanya at sana maging mabilis yun.

"Punta muna ako sa office ni kuya ha!" Paalam ni Christina kaya naman tumango ako sakanya. Huminga ako ng malalim bago pabagsak na umupo. Nasasaktan pa din ako sa tuwing nakikita ko si Clyde at Kesha na mag kasama. Pag pupunta dito si Kesha tapos sabay silang aalis ni Clyde. Masakit oo kasi mahal na mahal ko pa din si Clyde pero tanggap ko na, na sila talaga at wala na akong pag asa. Ayoko nang pilitin ulit ang sarili ko na makukuha ko din si Clyde. Panahon naman na siguro para pag tuunan ko naman na ng pansin ang sarili ko. 

Huminga muna ako ng malalim bago nagsimula ulit mag trabaho. Onting oras na lang at mag uuwian na, kailangan kong matapos ang lahat ng ito para hindi ako matambakan. Paniguradong bukas ay madami na naman akong tatrabahuin. 

"Patty! Kuya wants to talk to you daw. I'll go ahead ingat ka sa pag uwi okay? Love you" Nakangiting paalam ni Christina. 

"Love you too! Ingat ka" Nakangiting sabi ko. Kinuha ko naman ang notebook kung saan nakalagay ang schedule ni Clyde. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok. 

"Sir, may dinner po kayo later with Mr. Crewford kasama po si Ma'am Kesha" Bungad ko sakanya. Sisiguraduhin ko na trabaho na lang ang lahat ng ito. Wala nang kasamang pag asa. 

"What time?" Walang emosyong tanong niya. Kung dati ay na iintimidate ako pag ganito siya ngayon ay hindi na. Kalmado na akong kaharap siya pero ramdam ko pa din ang pag bilis ng puso ko para sakanya. 

"7pm po" Tipid na sagot ko.

"You'll come with me" Mabilis na sagot niya kaya naman nanlalaki ang mga matang napatingin ako sakanya. 

"Ahm, sir. May mga dapat po kasi akong gawin mamaya e" Mahinahong sabi ko sakanya. 

"Mas importante pa sa trabaho mo?" Tanong niya. 

"Yes." Mabilis na sagot ko. 

"Gano ka importante?" Mabilis na tanong niya ulit. 

"Sobra po" Nakangiting sagot ko. 

"So pag tinanggal kita sa trabaho mo okay lang sayo?" Tanong niya na siyang nakapag patigil sakin at nakapag pawala ng ngiti ko. 

What the fuck?


"What now Ms. Mendez? Okay lang kahit tanggalin kita?" Nakangising sabi niya kaya naman bumuntong hininga ako bago muling ngumiti sakanya.

"Hindi okay yun sakin but i'll accept your decision. Kayo po ang may hawak sa desisyon niyo at wala na po akong magagawa dun, nasa sainyo na po yun kung gusto niyo pa kong manatili bilang secretary niyo o ayaw niyo na." Nakangiting sabi ko at nawala naman ang ngisi sa mukha niya.

"Mahirap humanap ng trabaho ngayon. " Nakataas ang kilay na sabi niya.

"I know sir. Pero kakayanin ko naman po yun" Nakangiting sabi ko at ramdam kong hindi siya natutuwa sa sagot ko. Parehas lang kaming hindi natutuwa sa pag uusap namin pero kailangan ko siyang galangin dahil boss ko siya. 

"Go back to work" Simpleng sabi niya kaya naman mas napangiti ako. 

"Thank you sir" Magalang na sabi ko at mabilis na lumabas sa office niya. Damang dama ko ang pag bilis ng tibok ng puso ko. Damn! Ayokong mawalan ng trabaho, pero hindi naman niya ako tinanggal e. Kaya dapat masaya ako pero bakit parang mas gusto ko na tanggalin na lang niya ako?  Ito na ba yung pakiramdam na unti unti nang sumusuko yung puso ko para sakanya?

Bumaling ang atensyon ko sa cellphone ko nang tumunog ito. Hindi ko na tinignan kung sino at dali dali ko na lang itong sinagot.

"Hey beautiful!" bati nang nasa kabilang linya. Kunot noong tinignan ko ang caller at kaagad ko din naman itong binalik sa tenga ko nang makilala ko kung sino ang tumawag.

"Steven, hello! Napatawag ka?" tanong ko. Umupo na ako sa swivel chair ko at nag aantay ng sagot niya.

"Tuloy tayo later?" masiglang tanong naman ni Steven kaya hindi ko maiwasang hindi mapangiti. May usapan kasi kaming kakain kami ng dinner mamaya at hindi ko naman siya ma hindian kasi gaya ni Ford halos hindi na rin siya umalis sa tabi ko.


"Oo naman! Tuloy na tuloy tayo!" Nakangiting sagot ko.

"Osige, i'll pick you up na lang at seven. Hindi kita masusundo ngayon kasi may meeting pa ako e" Malungkot na sabi niya kaya naman natawa ako. 

"Ano kaba okay lang, mag je-jeep na lang siguro ako or taxi" Nakangiting sabi ko. 

"Mag text ka pag nakauwi kana okay? Mag ingat ka! Babye" Nag paalam na din ako sakanya at binaba ko na ang call. Just like Ford sobrang protective din niya sakin. Siguro blessing sila ni god for me. Nakangiti kong binaba ang phone ko pero hindi pa man ako nakakabaling sa gagawin ko ay muling tumunog ang phone ko. Agad kong binasa ang text nang malaman kong si Ford ito. 


I'll pick you up, hintayin moko okay? Love you!- Ford


Napangiti ako nang mabasa ko ang text niya kaya naman agad akong reply na nag sasabing hihintayin ko siya at sinagot ko ang love you niya ng love you too.

 Bakit ang swerte ko kay Ford at Steven? Mukhang mas okay nang tumandang dalaga, okay na ako kahit wala akong maging boyfriend basta hindi sila mawala sakin. 



***********

Until The End [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon