Chapter 3

98 4 0
                                    

Kasalukuyan akong nasa coffee shop kasama si Ford. "Pasensya na pala kung minsan hindi kita nasasamahan" paghingi ko ng pasensya kay Ford habang sumisimsim ako ng kape ko. Mula kasi nung pinigilan ako ni Clyde umalis nung dapat mag di-dinner kami ni Ford ay halos bihira na kaming magkita, mabuti na nga lang at nasa laguna sila ngayon.

"Ano kaba wala yun! Anyway, buti at nakalabas ka ngayon? Akala ko hindi ka na naman pwede e, mamaya biglang sumulpot yang boss mo ha" Natatawang biro niya na tinawanan ko lang din. 

"Hindi niya naman alam e saka for sure busy yon, bat natin siya pinag uusapan?" takang tanong ko.

"Wala naman, baka bigla lang siyang sumulpot dito at sapakin ako" natatawang sabi niya at pabirong inirapan ko naman siya.

"Hindi niya gagawin yun no, secretary niya lang ako. Kaya wala siyang karapatan para gawin sakin yun" Nakangiting sabi ko "Saka bukas pa ata uwi nila galing laguna then maybe tomorrow back to tanggi na naman ako sayo hahhaha" Natatawang dagdag ko at nakita ko namang napanguso siya. 

"Pero wag kang mag alala,  gagawa ako ng paraan para hindi ka matanggihan sa ibang bagay" Natatawang sabi ko at nakita ko naman ang pag liwanag ng mukha niya.

"Talaga?" Si Ford.

"Yup!" Nakangiting sagot ko. Natahimik kami ng ilang segundo pero ako din ang bumasag sa katahimikan nang may maalala ako.

"Ang sakit palang makasal sa taong hindi mo mahal no?" Tanong ko ng maalala ko ang kasal ni Jace kahapon. Kapal ng mukha ng tukmol na yon ininvite pa ako. Pero mas makapal mukha ko. Pumunta ako sa kasal ng taong nanakit sa bestfriend ko. Gusto kong makita kung pano siya magiging misirable hahahha kaso takte naawa ako e. May mga kamalian talaga tayong hindi na natin naiisip kung ano ang magiging bunga kaya ayon! Sa huli sising sisi tayo. 

"Pano mo naman nasabi yan? " Tanong niya habang nakatingin lang ng deretsyo sakin.

"Pumunta kasi ako sa kasal ng ex ni Christina nung isang araw at kahit gago yung ex ni Christina eh hindi ko pa din maiwasang maawa sakanya. Nung una kaya ako pumunta sa kasal niya e dahil sa gusto kong makita kung pano siya masisira pero nung nandon na ako nawala lahat ng galit ko pero may natira pa din naman ang kaso nung oras na yon mas nauna yung awa ko para sakanya." malungkot na sabi ko.

"Tell me more, gusto ko marinig yan" Sabi ni Ford na mas lumapit pa sakin.

"Kasi ganito yon niloko si Christina nung lalaki 5months ago! Tapos si Christina naman medyo iwas siya sa mga kuya niya kaya di nila alam yung nangyari kay Christina tas nung nalaman nila ayon naging okay na din sila tapos nag decide sila na magbakasyon muna para mawaglit sa isip ni Christina yung kasal ni Jace kahapon tas ayun nga nakita ko si Jace nung isang araw. Sobra siyang nasasaktan at the same time makikita mo mismo na gustong gusto niyang takbuhan yung bride ang kaso jontis si bakla! Kaya ayon ala siya nagawa kundi ang pakasalan si girlalu kahit na napipilitan lang siya. Nakakainis naman kasi! Bakit naman kasi kailangan pang humantong sa ganon." Kwento ko at tumango tango naman si Ford.

"Nakausap mo na si Christina?" Tanong niya at malungkot naman akong tumango.

"Tinawagan ko siya kahapon, then nasabi ko sakanya lahat ng napansin ko kay Jace nung kasal at sising sisi ako na tinawagan ko si Christina, dama ko yung sakit niya hays!" Bumuntong hininga ako at muli na namang inalala yung katangahan ko.

"Eh nasabi mo na e, tulungan mo na lang yung kaibigan mo mag move on" Muli akong huminga ng malalim dahil sa sinabi niya. Sana nga ganon kadali. Ang kaso ang hirap e, gusto ko man siyang samahan lagi pero hindi pwede. May buhay din akong kailangan kong pag tuunan ng pansin. 

Until The End [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon