"Anim na buwan kana!" Nakangiting sabi ni Ford habang inaalalayan ako palabas ng bahay. May check up ako ngayon at naisipan niyang samahan na talaga ako.
"Alam mo, kaya tayo napagkakamalang mag asawa dahil sa kinikilos mo e" Natatawang sabi ko na ikinatawa niya din.
"Bakit ba? Masama bang maging masaya? Magkakababy kana at masaya ako na isa ako sa mga magiging saksi sa pagbubuntis mo" Masayang sabi niya at napailing iling naman ako. Ni lock na niya ang pinto ng bahay at bago kami tuluyang maglakad papuntang kotse niya ay yumuko muna siya kapantay ng tiyan ko.
"Baby, wag mo pahirapan si mommy okay? Ilang buwan na lang lalabas kana kaya isang push lang dapat okay?" Pagkausap niya sa tiyan ko at mahina ko naman siyang binatukan.
"Baliw ka talagang lalaki ka" natatawang sabi ko.
"Ang bayolente na ng mommy mo" Nakangusong sabi ni Ford na tinawanan ko lang. Muli niya akong inalalayan papunta sa kotse niya at bago pa ako makapasok sa loob ay nanigas ako sa kinatatayuan ko nang mahagip ng paningin ko ang bulto ng isang lalaking hindi ko inaasahang makikita ko.
"Patricia!" Napakurapkurap ako at napatingin kay Ford. "Anong nangyari sayo?" Nagaalalang tanong ni Ford.
"I saw Clyde, he's here" kinakabahang tanong ko at kumunot naman ang noo niya.
"What are you saying?" Kunot noong tanong niya kaya naman tinuro ko ang kinalalagyan ni Clyde at nanlalaki ang matang napatingin ako ulit kay Ford.
"I saw him! Andun siya! Nakatayo siya don!" tinuro ko ang kaninang kinatatayuan ni Clyde. Nagsisimula akong makaramdam ng kaba. Ang itim ng aura niya at dama ko ang galit sa mga tingin pa lang niya. Natatakot ako.
"Pat, you're just imagining things, walang Clyde okay? Hindi niya tayo mahahanap dito" sabi ni Ford habang hawak hawak ang dalawang pisngi ko at tinignan ako sa mga mata.
"BUT I SAW HIM!" Sigaw ko at mahina naman niya akong hinila para yakapin. "Pano kung kunin niya yung anak ko? Pano kung ilayo niya sakin yung anak ko pag nalaman niya?" Natatarantang tanong ko at mas humigpit naman ang yakap niya sakin.
"Calm down baby okay? Calm down! Don't stress your self." Pagpapakalma niya sakin dahil nagsisimula nang manginig ang katawan ko dahil sa takot. Takot na hindi ko alam kung saan nanggaling. Wala akong dapat na ikatakot pero yun ang nararamdaman ko ngayon. Ayokong mawalay sa anak ko.
Naramdaman ko ang pag halik ni Ford sa noo ko kaya mariin kong pinikit ang mata ko para pakalmahin ang sarili ko.
Hindi dapat ako nakakaramdam ng takot, maybe tama si Ford. Baka nga imagination ko lang ang nakita ko.
Pinapasok na ako ni Ford sa kotse niya at nang makapasok na din siya sa loob ay agad na niyang pinaandar ang sasakyan.
"What if andito nga talaga siya?" Kinakabahang tanong ko. "Pano kung malaman niya na anak niya ang dinadala ko? Pano kung kunin niya sakin ang anak ko?" Tanong ko pa.
"Shh, hindi ko siya hahayaan okay? Kung kinakailangan kong iharang ang sarili ko para maprotektahan kayo gagawin ko so calm your self baby. Baka namalikmata ka lang kanina"Pagpapakalma sakin ni Ford at ilang beses naman akong huminga ng malalim.
Tama guniguni ko lang siguro yun.
Lumipas ang ilang minutong byahe at nakarating na kami si Hospital.
"You look worried, Patricia. Are you alright?" Tanong ng doctor na mag checheck up sakin.
"Yes, im fine. Lets start" Pilit ang ngiting sabi ko at tumango naman siya sakin. Sinimulan na niya ang pag check up sakin at sa awa ng diyos ay maayos naman ang lahat.
BINABASA MO ANG
Until The End [COMPLETED]
General Fiction(Seyon Series#1) Isa lang naman ang gusto ni Patricia, at yun ay ang mapansin siya ng taong matagal na niyang mahal. Lahat ay nagawa na niya para mapansin siya ng binata pero mukhang masyadong mapaglaro ang tadhana dahil maski kahit kaunti ay hindi...