*Capitulo uno(1)*

230 4 6
                                    

Filipinas
1871

"Nay Isay, may magpapahula po,"giit ng dalaga. Napalingon naman ang matanda at inutusan ang dalaga na
papasukin ang magpapahula sa kanya. Sumunod naman ang dalaga saka pumunta sa labas ng kanilang munting bahay kubo kung saan ito naghihintay.

"Señor pumasok po kayo,naghihintay po ang aking ina sa loob,"wika ng dalaga sabay turo sa isang matandang lalaki na naghihintay sa pintuan na nakabukas.

Napabuntog hininga naman ang matandang lalaki saka humakbang at
pumasok sa loob. Maliit lamang ang bahay kubo at mayroon lamang itong dalawang kwarto kaya't hindi nahirapan ang matanda na hanapin ang silid kung saan naroon ang
manghuhula.

"Ano po ba ang ipahuhula niyo?"
tanong ng matandang babae habang hindi nakatingin sa matandang lalaki
dahil abala ito sa pag-aayos ng kanyang mga kagamitan na ngayon ay
nakahalatag sa sahig. Pitong pu't anim na taong gulang ang matandang
babae ngunit nagtataglay paring ito ng kakisigan.

"Ipapahula ko sana kung ano ang mangyayari sa dalawang taong nagmamahalan na ipinaghiwalay ng tadhana pero pinagtagpo ito muli
ngunit huli na ang lahat para mag umpisa muli," wika ng matandang lalaki. Biglang napalingon ang matandang babae at laking gulat niya nang nakita niya kung sino ang magpapahula sa kanya.

"Sanay hindi pa huli ang lahat para sa atin, Isay."

Biglang tumigil ang paggalaw ng paligid habang nakatingin sa isa't isa ang dalawang taong nangungulila at
nananabik na magsama muli.
Gusto nilang yakapin ang isa't isa pero parang may isang bader na namamagitan sa kanila. Ngayon nila
napagtanto na kahit pa matagal na
silang hindi nagkita ay hindi parin
magbabago ang pagtibok ng puso nito sa tunay na nagmamay-ari nito.

"Gusto ko sanang makapiling ang tanging babae na nagpatibok sa aking puso habang may panahon pa ako sa mundong ito,"dagdag pa ng matandang lalaki. Nakatitig lang ng diresto sa kanya ang matandang babae. Unti-unting tumulo ang mga
luha sa mga mata ng matandang lalaki habang unti-unti itong humahakbang sa matanda sabay yakap ng mahigpit. Hindi nila paipaliwanag ang saya na kanilang nadarama habang nasa bisig ang isa't isa.


"Nagbalik ka"

"Rafael"

•••••••••


Filipinas
1818

"Ba't mo nagawa sa akin to Roselia?"wika ng isang binibini.
"Ba't nagawa mo akong pagtaksilan?"dagdag pa nito.Hindi na makapali si Roselia habang may hawak na balisong.Nangingining na sa takot ang babaeng kaharap nito na kanina pa nagtatanong ng mga bagay sa harap ni Roselia.

"Patawarin mo ako kaibigan,pero ito lang ang paraan para matakasan ko lahat ng aking problema,patawarin mo ako sa lahat ng aking nagawa"maiyak-iyak nitong sabi ni Roselia sa harap ng isang dalaga.Biglang isinaksak ni Roselia ang balisog sa kanyang sikmura.Biglang tumigil ang mundo at natahimik ang paligid habang dahan dahang natumba si Roselia sa lupa.Sa lalim ng gabi,may isang binibining nakahandusay sa lupa na wala ng buhay.

(Kristal POV.)

"Kristal kaibigan,ayos ka lang ba?"
biglang akong natauhan ng magsalita ang aking kaibigan."Ayos lang ako Roselia"wika ko. Hindi ako makapali sa aking nakita. Nanlamig ang aking palad at hindi ako makapali sa aking kinauupuan.

I can see my Future with you [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon