*Capitulo siete(7)*

15 1 1
                                    


Papalabas na kami sa teatro at hawak pa din ng binata ang aking kamay.Maraming tao ang nagtatakbuhan at mga batang nag-iiyakan nang marinig nila ang putukan ng baril.

Hindi ko na din nakita pa si Roselia sa loob at sa labas ng teatro.Baka iniligtas siya ng isang guardia civil sa ilalim ng kanyang ama. Kahit pa man saan kami pagpunta ay palaging may nakabantay na guardia si Roselia dahil mainit ang dugo ng mga tao sa ama nito.

Nakalabas na kami at madilim na din ang buong paligid. Kahit pa man ang dilim at lamig ng gabi ,hindi ko iyon alintana dahil hawak ng binata ang aking kamay.

"Ayos ka lang ba binibini?"tanong nito.Napatango na lamang ako sabay tingin sa paligid. Nagsisiuwian na lahat ng tao at tanging mga guaridia civil at ang dalawang babae ang nasa loob ng teatro.Rinig ko parin ang hikbi ng babae habang sabay namang umiyak ang sanggol.Tila biniga ang aking puso dahil sa awa sa mag-ina.

Sa panahon ito,tanging may kapangyarihan at kayamanan lamang ang
mananalo sa labanan ng hustisya.Pangarap ko noong maging abogado ngunit hindi pantay ang trato ng mga kababaihan sa mga kalalakihan. Naniniwala silang kami ay mahihina at ang tanging magagawa sa bayan ay ang maging asawa at maglukmok sa bahay. Ngunit iba ang aking
paniniwala .Lahat ng tao sa mundong ito ay pantay-pantay lamang dahil pareho lamang kaming humihinga at gawa ng Poong Maykapal.

"Gusto ko sanang mamasyal dahil pupunta ako sa Maynila bukas"wika ito.Hindi parin binibitawan ng binata ang aking kamay.Nakatayo kami ngayon sa harap ng teatro at naghihintay na may kalesang dumaan.

Napatingin naman ako sa aming kamay na hanggang ngayon ay nakakonekta parin.Nabigla na lamang ako ng bigla siyang yumuko at binitawan ang pagkakahawak ng aking kamay.

Ba't mo pa hinawakan kung bibitawan mo lang naman!Hay naku!

Nakayuko lamang ito sabay sabi "Pa...sensya sa aking inasal bi..nibi..ni,hindi mai..nam na hawakan ko ang iyong ka..may ngunit sa nang..yari kanina kinakailangan ko iyong gawin"wika nito.

Napatawa na lang ako dahil sa utal-utal na pagkasabi ng binata."Ayos lang yun Rafael...ahh..ang..ibig kong sabihin Ginoo"tila naistatwa na lang din ako dahil tinawag ko siya sa kanyang pangalan.

Pinapaligiran kami ng katahimikan at tanging ang malakas na hangin lamang ang
maririnig.

Nagbigay naman siya ng galang sa akin sabay yuko at lagay ng kanyang sumbrero sa kanyang dibdib.

"Tawagin mo na lang akong Rafael"wika nito sabay ngiti.Nabubuo na naman ang kanyang mapula-pulang pisngi habang kumunot naman ng konti ang kanyang matangos na ilong.

"Tawagin mo na lang din ako Kristal,Rafael"
wika ko. Tila kakaibang pakiramdan ang dinadala sa aking ng binata. Habang kumikislap ang mga tala sa buwan ay kasabay nito ang pag-ihip ng hangin ay nagkaroon ako ng koneskyon sa binatang nagngangalang Rafael Bustamnte.

••••••••

(Rafael's POV.)

Umalingawngaw ang putok ng baril sa paligid.Tila nanigas ang aking katawan dahil alam kong may nangyayari sa loob ng teatro at marami na namang masasaktan at katabi ko pa ngayon si Kristal.Nabigla ako ng bigla siyang napatayo at napatingin sa babaeng umiiyak habang may hawak na sanggol.

Kitang-kita ko ang takot at awa sa mga mata ng mga tao. Alam kong labag sa batas ang manakit ng babae at higit sa lahat may kasama pa itong sanggol ngutin sa ilalim ng kapangyarian ay wala ng magagawa kahit pa pinakamagaling na abogado ang lumaban para sa hustisya.

I can see my Future with you [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon