Pagkatapos kong sabihin iyon ay hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi.
"Tutulungan kita Krystal....tutulungan kitang mabalik sa dati yang nararamdaman mo" malambing niyang wika.
Tinignan niya ang kabubuang mukha ko saka kumawala ng matamis na ngiti. Lalong sumingkit ang kanyang mata at kumunot ang kanyang matangos na ilong.
Ito ang Francis na inibig ko noon
Dahan-dahan niyang inalapit ang kanyang mukha at hindi ko alam ang aking gagawin.
Ano ang ginagawa mo?
Napahawak ako sa kanyang magkabilang bewang ng maramdaman ko ang kanyang malambot na labi. Ramdam ko ang kanyang hininga. Hindi ko malaman kung bakit hinayaan ko nalang siya na igawad ang kanyang halik.
Napapikit ako at napahigpit ang aking hawak sa kanyang bewang. Nakahinga lamang ako ng maayos ng kumawala siya sa halik at tumingin sa akin.
"Mahal kita Krystal....mahal na mahal....kaya't por pavor mahalin mo din ako" hindi na mapigil ang kanyang luha. Nasasaktan ako oara sa kanya ng makita kung lumuluha siya.
Pangarap kita noon Francis...ngunit bakit ngayong abot na kita ay may pangarap na naman akong iba.....
"Mahalin mo lang ako at mamahalin kita ng higit pa sa inaasahan mo" bulong niya.
Alam ko Francis...alam ko....ngunit nalilito parin ako...may parte sa puso ko na sumasang-ayon sa sinasabi mo....gusto kong sayo tumibok ito...gustong-gusto ko dahil ang hirap na......
Ang kanang kamay niya ang nakahawak na sa aking bewang at ang kanyang kaliwa ay nakahawak sa aking batok. Napahawak naman ako sa kanyang braso at pilit iniintindi ang kayang nararamdaman.
"Krystal....kalimutan mo na si Rafael...ako nalang" biglang nangilid ang aking luha.
Hindi ko maipapangako pero pipilitin ko para sa iyo....bigyan mo lang ako ng oras....magiging sa iyo ako...buong-buo....
Inilapit niya ang kanyang mukha at ginawaran ako ng halik sa pangalawang pagkakataon. Ramdam ko ang lungkot sa kanyang mga halik.
Napapikit naman ako habang tumutulo ang aking luha.
Sana ganoon kadali....sana ganoon kadali kalimutan si Rafael...sana!
..................
(Francis POV)
Masaya akong nahalikan ko na si Krystal. Matagal ko na ding hinintay ang tamang pagkakataon para gawaran siya ng halik. Ipinangako ko sa aking sarili na hahalikan ko lang siya sa araw ng aming kasal ngunit sa selos na aking naramdaman ay hindi ko napigilan.
Magkahawak kami ng kamay na pumasok sa loob ng mansiyon. Nakangiti akong tinitigan ang kanyang mukha at ganoon din siya.
Sana nga'y makalimotan mo siya...sana nga.....
"Huwag maging baliw sa pag-ibig..nakakamatay" biglang sumulpot ang aking kapatid.
Nakatayo siya sa harap ng pinto at bitbit ang kanyang abaniko.
"Nasaan si ama?" pag-iiba ko ng usapan ng maramdamang naiilang si Krystal sa kanya.
"Uuwi na daw tayo" wika niya saka tinalikuran kami.
Nilingon ko si Krystal na ngayon ay nakatingin sa aking kapatid. Si Belenda mismo ang nagsabi sa aking kung ano ang kanyang nakikita kay Krystal.
Bakit naglaho ang iyong pagmamahal sa akin?
"Umuwi kana" wika niya sabay pisil sa aking kamay. Napangiti naman ako at hinaplos ang kanyang mukha.
Napakaganda mo
"Matulog ka ng maaga at kumain ka ng maayos" wika ko.
"Opo"
"Huwag kang magpapapuyat"
"Opo"
"Huwag kang lalabas ng mag-isa"
"Opo"
"Mahalin mo ulit ako"
"Op......"
Parang binaril ang aking puso. Gustong mangilid ng aking mga luha ngunit pinigila ko ito. Ayoko kong makita niyang nasasaktan ako.
"Bigyan mo pa ako ng oras...mangyayari yan" giit niya.
Sana nga......
"Huwag ka ng malungkot" sabay hawak sa aking pisngi. Hinawakan ko naman ang kanyang kamay na nakahawak sa aking pisngi at hinihimas ito.
Yang mukhang yan ang gusto kung makita pag gising ko
"Uuwi na ako" giit ko at bintawan ang kanyang kamay.
"Ingat" tipid niyang wika.
Akmang aalis na sana ako ng bigla niya akong tinawag. "Francis!"
Mahal....mahal ang itawag mo sa akin
"Ano yun mahal?" tanong ko.
Lumapit siya sa akin at ginawaran ako ng halik sa pisngi. Napangiti naman ako.
"Dadayo na ako" sa huling pagkakataon ay ginawaran ko siya ng halik sa noo saka lumabas ng mansiyon.
Mahalin mo lang ako ulit at kakalimotan kong lumisan ang iyong nararamdaman sa akin. Mamahalin kita sa buong buhay ko at aalagaan kiya. Kahit pang na may dinadaraan ka.....kahit may sakit kang dinadala.......mahal kita Krystal
BINABASA MO ANG
I can see my Future with you [COMPLETED]
FanfictionA girl named Kristal is living her pleasant life with her father not knowing his daughter's secret. She can see the future of a certain person she encounter and it make her life uneasy. She will meet a young man named Rafael who decided to end his l...
![I can see my Future with you [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/190790691-64-k98819.jpg)