(Kristal's POV)
Huling gabi ko na ngayon sa Maynila dahil uuwi na ako bukas ng maaga. Kahapon ay hinanda na ni Agnese lahat ng aking kagamitan para bukas. Wala akong ginawa sa araw na ito kundi libangin ang aking sarili at pinagmamasdan ang mga taong nagsisiyahan sa labas.Kasalukuyan akong nandito sa balkonahe ng aming kwarto habang natutulog naman si Agnese sa kanyang higaan.
"Nakakalungkot isipin na aalis na ako sa lugar na ito," wika ko sa aking sarili. Mga taong naglalakad patungo sa kanilang paroroonan,mga taong nagkakasiyahan habang naglalakad,at mga kabahayan na ilang metro lamang ang lapit sa isa't-isa.
Habang pinagmamasdan ko ang tanawin sa labas ay may nasilayan akong isang rosas na gawa sa papel. Binuklat ko ito at binasa ang nakasulat dito.
Kristal kong kaibigan, sanay mapagtagumpayan mo ang pagpipinta para sa Gobernador heneral. Napag-alaman ko kay Agnese na uuwi na kayo sa susunod na araw kaya't sanay tanggapin mo ang aking imbitasyon na mamasyal sa lungsod bukas ng umaga.Ako'y maghihintay sa labas ng inyong pintuan kahit pa man abutin ako ng dilim at aalayan ka sa ating munting paglalakbay.
Naghihintay sayo,
Rafael
Napakunot naman ang aking kilay at tinignan ang paligid. Napagtanto ko na may isang maliit na balkonahe na katapat sa amin sa bahay na tinitirhan ni Rafael. Napaisip naman ako na baka ibinato niya ang rosas na papel na ito sa balkonahe ko.
"Ano?Ngayong umaga?Ngayong araw na ito?!Hapon na!Ibig sabihin talagang hinintay ako ni Rafael sa labas?"
Napanganga na laman ako dahil hindi ko gusto na pinapahintay ko ang isang tao.
Dali-dali akong bumaba sa hagdan at binuksan ang pintuan. Parang naghihinayang akong makita na wala ang ginoo sa labas."Sino ba naman ang makakahintay kung lagpas na ng oras sa tinakdang pagkikita?" tanong ko sa aking sarili. Papasok na sana ako sa loob ng may isang pamilyar na boses akong narining. "Sino ba naman ang mahihirapan maghintay kong ganyan naman kaganda ang aking hinihintay?"
Nasilayan ko ang mga ngiti nito at nabubuo nitong mapupulang pisngi.
"Kanina ka pa ba naghihintay dito sa labas ginoo?" tanong ko sa kanya.
"Hindi naman sa ganoon" wika nito.Napangiti naman ako.Nabigla na lamang ako ng biglang may humawak sa aking likuran. "Hija,hindi mo sinabi na may bisita ka pala," saad nito habang nakatingin kay Rafael.
"Rafael,ito pala ang aking tiya Consuelo"pagpapakilala ko sa aking pinakamabait na tiya. Nagbigay galang naman ang binata kay tiya.
"Ako po pala si Rafael Bustamante"
Napatingin lamang ang tiya sa kanya.Ilang segundo din ang lumipas at nanatili lamang itong nakatulala ng bigla itong magsalita.
"Isang Bustamante?Nagagalak kong makilala ka"wika nito. Napagtataka lang dahil parang iba ang tono sa pagsasalita ng tiya. Nanatili namang nakangiti si Rafael.
![](https://img.wattpad.com/cover/190790691-288-k98819.jpg)
BINABASA MO ANG
I can see my Future with you [COMPLETED]
Hayran KurguA girl named Kristal is living her pleasant life with her father not knowing his daughter's secret. She can see the future of a certain person she encounter and it make her life uneasy. She will meet a young man named Rafael who decided to end his l...