*Capitulo dise nueve*(19)

15 2 2
                                        

(Kristal's POV)

Naghahanda ang mga katulong ngayon dahil pupunta ang mga Fernandez at sama-sama kaming magsisimba mamayang gabi. Ngayon ay nakatulala lang ako sa sala habang hinihintay ang mga Ferdandez.

"Binibini?" biglang sumulpot si Agnese. Nabigla naman ako at napahawak sa aking dibdib. Hindi ko maipagkakaila na talagang mahina tong puso ko.

"Pasensya napo" nakayuko niyang wika. "Gusto ko lang po sanang tanungin kung ano ang yung gustong abaniko na gagamitin mamaya sa pagsimba" dagdag pa nito.

"Yung sampaguita kong abaniko Agnese" yun nalang ang aking nasabi.

"Pero... Akala ko pong gusto niyo yung abanikong rosas?" nagtataka niyang tanong. Totoo ngang paborito ko ang abanikong rosas na bigay ni Rafael ngunit paano ko siya makakalimutan kong palagi ko itong gagamitin?

"Nandito na ang mga Fernandez!"

Bigla akong napatayo at napatingin sa pintuan. Nakita ko ang lalaking papakasalan ko. Napangiti siya sa akin. Ngiti na rin ang aking binitawan.

"Amigo!" biglang bati ni ama kay Don Ferdenand. Nagkamayan silang dalawa. Napatingin sa akin ang Don at tanging ngiti narin ang aking binitawan. Biglang nawala ang aking ngiti ng makita ko si Belenda na aking mortal na kaaway. Siya'y kapatid ni Francis.

"Magandang gabi aking cuñada (Sister
-

in-law)" nakangisi nitong wika. Wala naman akong nagawa kundi ngumiti din.

"Magandang gabi Kristal" bati sa akin ni Francis. "Magandang gabi Ginoong Francis."

Nandito kami ngayon sa hapag at pinag-uusapan nila ni ama ang tungkol sa kasal. Magkaharap kami ngayon ni Belenda na kanina pa tingin ng tingin sa akin.

"Amigo, saang simbahan gusto mong idaraos ang kasal?" tanong ni Don Dioscoro. Napaisip naman si ama at napatingin sa akin.

"Sa simbahan nalang po dito sa Cavite kung saan kami unang nagkita ni Kristal" wika ni Francis.

"Hhmmm---mas maganda nga kung sa sarili nating simbahan gaganapin ang kasal" wika naman ni ama.

Wala naman akong nagawa kundi sumang-ayon nalang.

...............

Nandito ako ngayon sa balkonahe ng aming mansiyon. Sinisimoy ko ang sariwang hangin sa paligid.

"Bakit kapa sumang-ayon kung hindi mo gusto?" sarkastikong wika ni Belenda. Nanatili laman akong nakatayo at hind siya nilingon.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ano pa nga ba? Kitang-kita naman sayong mukha na hindi ka masaya. Bakit? Nagbago naba ang pagtingin mo sa aking kuya?"

Napabuntong hininga nalang ako.
"Ayaw ko pakipag-away sayo Binibining Belenda" tamad kong wika.

"Haayy---Tila napa-ibig ka na talaga sa Bustamante na yun" napalingon naman ako sa kanya.

"Tumahimik ka Belenda. Tandaan ko na nasa pamamahay ka namin kaya't rumespeto ka" pangangaral ko. Napatawa naman siya.

"Sige tatahimik na ako Señorita---pero ito ang tandaan mo na pag niloko mo ang akin kuya---malalagot ka sa akin"
pagbabanta nito.

"Bakit naman ako lolokohin ni Kristal kung mahal naman ako nito?" nabigla na lamang ako dahil kanina lang pala nakatayo si Francis sa isang sulok.

Lumapit siya sa akin at hinarap ang kanyang kapatid. Hinawakan niya ang aking kamay. Nabigla naman ako at napayuko.

Nakangisi namang si Belenda. "Hay naku---maiwan ko na nga kayo."
Tumingin muna ito sa akin bago umalis.

"Pasensya na sa aking kapatid mahal" wika niya. Napatingin naman ako sa kanyang mga mata. Mahal? Bakit niya ako tinatawag na MAHAL?

Napangiti nalang din ako. Ito na yata ang hudyat sa pagbabago ng buhay ko. Tatanggapin ko ng buong puso ang mangyayari sa akin sa hinaharap na kasama si Francis at unti-unti kong kakalimutan si Rafael.

Niyakap niya ako at ganun din ako sa kanya. Totoo ang sinabi ni Belenda. Nagbago na talaga ang nararamdaman ko kay Francis.

.....................

(Rafael's POV)

Nandito ako ngayon sa palengke dahil sinasamahan ko si manang na bumili ng mga halamang gamot para kay Ramille. Pagiging doktor din ang aking pangarap noon.

Napahinto kami sa isang bayong na nagtitinda ng kakanina. Naalala ko tuloy si Kristal dahil dito.

"Pagkano to manong?" magkasabay naming sabi ng isang binibini.

Napangiti nalang ako. "Kristal!" masayang kong wika. Tila naging maganda ang umaga ko.

Napangiti naman ito sa akin ngunit hindi man lang ako nito binati. Parang tinusok ng karayom ang aking puso.
Ano bang nagawa kong kasalanan sa kanya?

"Isang piraso ng bilak ang isang buong piraso" wika ng manong. Napatango naman si Kristal at ako naman ay nakatingin lang sa kanya. Maayos naman kami sa Maynila ahh!

"Isang buong piraso po" wika niya.
"Ginoo---matutunaw yata ang binibini sa mga tingin mo" pagbibiro ng manong. Napahawak naman ako sa aking batok.

Dali-dali niya itong binayaran at umalis. Hindan lang siya nagpaalam sa akin. "Kristal!" sigaw ko ngunit hindi na ito lumingon.

"Nagtatampo yata ang binibini sayo ginoo" wika ng manong.

Napaisip naman ako. Ano bang ginagawa ko?

"Suyuin muna ginoo" dagdag pa ng manong. Napatawa naman ako.

Mababaliw na yata ako sa kakaisip sa aking ginawa na maaring dahilan upang magtampo sa akin ang dalaga.
Ilang oras na din akong nakaupo dito sa buhangin at tinitignan ang dagat.

Bakit mo ba siya iniisip Rafael! Anong bang ginawa ko sayo Kristal! Nababaliw na ata ako!

"Rafael! Nandito kalang pala!" sigaw sa akin ni Manang. Napatawa nalang ako at tumayo. "Pasensya na manang" wika ko at umalis na.

______________________________________
Hello po💖💖
Sanay po'y nagustuhan niyo ang kwentong ito at sana'y suportahan niyo po ako. GBU💖💖 and mahal ko kayo💖💖

I can see my Future with you [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon