"Hindi ka ba talaga magsasalita!"sigaw ng isang lalaking may takip sa mukha. Ngayon ay nakaluhod si Kristal sa gitna ng sala. Nanatili lamang siyang nakatingin sa mukha ng lalaki at dahan-dahang nanlabo ang kanyang paningin.Nakita niya ang nakaraan nito na pilit tinatago sa limot.
"Ito yung bayad niyo ngayon buwan na ito. Pagpasensyahan niyo na kung mas mababa ito dahil nagkaroon lamang ng kaunting problema sa hacienda ngunit dadagdagan ko naman kapag naayos na."
Napatango naman lahat ng manggagawa kay Don Dioscoro na ngayon ay binibigay ang mga supot ng papel na may laman na pera.
Tanghali na at uuwi na ang mga manggagawa ngunit nanatili ang lalaki na nakatayo at nakakulong sa kawalan.Ilang minuto ay natauhan ito at umuwi na sa kanila. Naabutin niya ang kanyang anak na nakahandusay sa sahig habang yakap-yakap nito ng kanyang asawa.
"Anong nangyari sa kanya?" tanong ng lalaki. "Antonio, may lagnat ang ating anak" maiyak-iyak na sabi ng asawa. Napaisip naman ang lalaki at kinuha ang supot ng papel na ibinigay sa kanya ng Don.
"Dalhin natin siya sa ospital,tayo na!" wika nito sabay buhat sa anak. Kahit pa man sumasakit ang kanyang mga paa dahil sa pagsasaka sa hacienda ay pilit parin siyang naglakad para lang ipagamot ang anak.
Ilang minuto ang lumipas ay nasumpungan na nila ang maliit na ospital na pinagmamay-ari ng Don Dioscoro na siya ding isang doktor. Dali-dali silang pumasok sa ospital ngunit hinarang sila ng isang babae na nakasuot ng puti.
"Ano pong nangyari dito?" tanong ng babae at hinawakan ang noo ng bata. Napatingin siya sa mag-asawa na nakasuot lamang ng simpleng baro at saya. Kitang-kita niya na isa ito sa mababang uri lamang kaya't pinaupo niya ito muna sa isang sulok upang hintayin ang Don na siyang may ginagamot pa. Yakap-yakap ng lalake ang anak na ngayon ay umaapoy na sa lagnat habang nasa tabi naman niya ang kanyang asawa.
"Nasaan na ba si Don Dioscoro? Baka lumala ang lagnat ni Sinio." Napatingin naman ang lalaki sa paligid . Napatingin din siya sa babae na nakasuot ng puti na ngayon ay may sinasalubong na panauhin.
"Nasaan ang Don?" tanong nito. Nakita naman ng babae ang karangyaan na taglay nito kaya't dali-dali niya itong sinamahan papunta sa Don. Pumasok sila sa isang silid. Lumabas ang babae na nakasuot ng puti ngunit napahinto ito ng biglang nagkatinginan sila ng lalake. Binawalewala
niya lamang ito at nagpatuloy sa paglalakad.
"Kahit pa man saan tayo magtungo,hindi parin patas ang estado" wika ng kanyang asawa. Pinaupo niya ang bata sa tabi ng ina nito at tumayo. Nanlaki ang mata ng babaeng nakasuot ng puti ng makita ang galit na mukha ng lalaki. "Nasaan na ba si Don Dioscoro?! Nanginginig na sa lagnat ang aking anak!" sigaw ng lalake.
Napatayo ang asawa nito at hinawakan ang magkabilang braso nito.
" Estoy!Huminahun ka" wika ng asawa nito.
"Sino ang hindi magagalit kung alam naman natin na mas inuubayan nila ang mga taong naliligo ng ginto!" sigaw nito.
Napayuko na lamang ang babaeng nakaputi. Umalingawngaw ang tining ni Estoy habang hawak-hawak ng kanyang asawa ang kanyang magkabilang braso.
Napalabas sa silid si Don Dioscoro pagkat narinig niya ang kaguluhan sa labas.
Nilapitan niya si Clara na nakayuko.
"Anong kaguluhan ito?Ba't kayo sumisigaw sa loob ng ospital ko?" tanong ng matanda.
Napatingin siya kay Estoy sa isa sa kanyang mga manggagawa sa hacienda.
Nakita niya ang namumula nitong mukha.
"Estoy, anong pakay mo dito?" tanong ng Don. Napatingin sa kanya si Estoy.
BINABASA MO ANG
I can see my Future with you [COMPLETED]
FanficA girl named Kristal is living her pleasant life with her father not knowing his daughter's secret. She can see the future of a certain person she encounter and it make her life uneasy. She will meet a young man named Rafael who decided to end his l...
![I can see my Future with you [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/190790691-64-k98819.jpg)