28(Katotohanan 4)

14 0 0
                                        

"Hindi naman ako ganoon kabobo na hindi ko mawari kung anong problema sa akin."

"Kry...."

"Naalala mo ba noong nandoon tayo sa Maynila? Yung tinulungan natin ang apo ng kutsero? Yung pinasaya natin ang bata?" tanong ni Krystal.

Nagsama pala sila sa Maynila...hindi ko alam

"Oo"

"Kaya tumulong ako dahil nakita ko ang hinaharap ng kutserong iyon.Dahil sa konsensya ko na hindi ko man lang naligtas ang lalaking iyon" narinig kong humikbi ang taong mahal ko.

"Itinakda lang talaga iyon" wika ni Rafael.

"Pero nangyari Rafael....napaniwala ako sa nakita ko...itinulak siya kaya napako ang kayang ulo"

"Pero ang ikinamatay niya ay gutom  Krystal kaya nawalan siya ng malay at napako ang ulo niya."

Nabigla ako sa aking mga narinig.
Hindi ko kayang nakikitang nahihirapan at umiiyak ang taong mahal ko.

"Hindi ko naman gugustuhing mangyari ang mga nakikita ko Rafael! Nahihirapan din ako."

"Alam ko kaya nandito ako sa harap mo."

"Sa lahat ng nakita ko ay may isang gusto kong mangyari...pero ngayon parang hindi na dahil ilusyon ko lang lahat" rinig ko ang buntong hininga ni Rafael.

"Ikakasaya mo bang mangyari yung nakita mo?"

"Oo"

Hindi ko mapigilan ang aking sarili na silipin sila.  Hawak ni Rafael ang kamay ng aking mahal. Nakaupo sila sa kama at malaman ang tinginan ng isa't isa.

"Ano ang nakita mo?" parang alam ko na ang sasabihin ni Krystal kaya't napasandal ako sa bubong. Hinawakan naman ng don ang aking braso at tumango. Parang sinasabi nito na kayanin ko lahat ng maririnig ko ngayong gabi.

"N-nakikita ko sayo ang hinaharap ko Rafael....ikaw ang nakikita ko sa aking bukas,kinabukasan....sa hinaharap ko."

Tila tumigil ang aking mundo sa aking narinig. Hindi ko mapigilang tumulo ang aking mga luha at napayuko.

Ang hirap tanggapin.....ang hirap Krystal.....ang hirap

"Ipapangako kong mangyayari yan" ang huling salitang binitawan ni Rafael ay hindi ko kinaya. Bumaba ako at lumabas ng mansiyon.

"Francis!" natigilan ako at nakita ko si Ezperanza na nakatayo at namumula ang kanyang mga mata.

"Sasama ako sayo" yun ang sinabi niya.

.....................

(Rafael's POV)

Nang gabing iyon ay hindi ako makatulog ng maayos. Hindi ko din alam kung paano gagawin ang pangakong binitawan ko kay Krystal.
Wala sa husteyo ang aking isipan.

Kinabukasan ay pumunta ako sa hacienda nina Francis upang kausapin ito. Alam kong nasaktan siya sa mga sinabi ng dalaga dahil alam kong mahal niya iyo. Hindi naman ako nahirapan na makita siya dahil nakatayo siya sa harap ng lawa.

Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya ngunit mas importante sa akin anh pangako kay Kystal kaysa sa nararamdaan niya.

"Francis" tawag ko dito.

Napatingin naman siya sa gawi ko. Blangko ang kanyang mukha.

"Anong ginagawa mo dito?"

"May sasabi......." hindi niya ako pinatapos.

"Tss...alam ko....hindi naman pwedeng pumunta ko dito para makalanghap ng sariwang hangin"

Napayuko nalang ako dahil nakikita ko sa mga mata niya ang sakit. Napalunok ako bago lumapit sa kanya at tinanaw ang lawa.

"Alam mo ba na gusto niyang kumain ng mangga sa tuwing malungkot siya?" tanong niya.

"Hindi"

"Alam mo bang gusto niyang itabi sa pagtulog ang mga bagong kagamitan sa pagpinta ng bili ng kanyang ama?"

"Hindi"

"Alam mo bang gusto niyang magpinta ng hugis bilog sa tuwing araw ng kamatayan ng kanyang ina?"

"Hindi"

"Wala ka namang alam. Ang hindi ko maintindihan kung bakit ka niya pinili kung wala ka namang alam tungkol sa kaniya?"

Hindi ako nakasagot. Ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binibitawan niya. Nanlumo akong tinignan siya.

"Ang tanging alam ko lang ay kailangan niya ako...ako ang gamot...ako ang lunas" giit ko.

"Gamot? King ina...ngayon ko lang nalaman na may tao palang pwede maging gamot?"

"Sanay maintindihan mo Francis" bigla akong nainis sa pinapakita niy sa akin.

"Naintindihan ko...tanggap ko...pero ang hindi ko matanggap ay nakaya niyang bitawan ako para sa isang taong kakikilala niya palang."

"Pasensya na" ako ang nasasaktan para sa kanya. Alam kong mas mahaba ang pinagsahan nila ni Krystal.

"Ingatan mo siya Rafael. Pag nalaman kong sinaktan mo siya ay ako mismo ang papatay sayo." Napatango naman ako saka inalok ang aking kamay.

"Hindi na kailan. Umalis kana." Para makaiwas sa gulo ay umalis na nga ako. Labag man sa aking kalooban na iwan siyang luhaan ay wala naman akong magagawa. Tanging paghingi ng pasensya ang aking tanging makakaya.

I can see my Future with you [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon