"Anong?..Que?..."hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng biglang dumilim ang paligid.Ang tanging naalala ko lang ay lumapit sa amin ang binata na sumisigaw kanina at yung lalaking magpapakamatay sana ay pilit akong pinupukaw.
"Binibini!....Binibini?!"
••••••••
Bigla akong nagising sa sikat ng araw na nanggagaling sa bintana ng aking kwarto.Masakit ang ulo ko at hindi ako gaanong makatayo.Ang tanging naalala ko kagabi ay nang mawalan ako ng malay.
"Señorita,pinaguutos po ng inyong ama na saluhan siya sa pagkain"
nabigla akong nakatingin kay Agnese.
Gawain na lang ni Agnese na sumulpot kung saan saan ng hindi mo namamalayan kaya't minsan ay napapagalitan ko siya dahil parang hihimatayin na ako sa bigla."Agnese!Ano ba!Mag hunos-dili ka.Mamatay ako ng maaga dahil sayo"
wika ko.Napayuko naman ang dalaga sabay sabi"Patawad po señorita at nabigla ko kayo."Napangiti na laman ako pagkat wala na akong magagawa sa dalagang ito.Labing Apat na taong gulang na si Agnese at masasabi ko na isip bata pa ito pero kinakailangan nitong magtrabaho para makatulong sa kanyang pamilya.
"O siya,pakisabi ni ama na pupunta na ako para saluhan siya".
Hindi ko parin matandaan kong ano ang insaktong nangyari kagabi kaya't nagpasya ako na tanungin ang aking ama na ngayon ay tahimik lang kumakain.
"Ama,ano po ba ang nangyari kagabi?"tanong ko sa kanya.Napatingin naman si ama sabay sabi"Nag-uusap lang kami ni Alvaro ng may isang binata na nagsisigaw at humihingi ng tulong.Buhat-buhat ka nito kaya't bigla akong napatayo at kinuha ka sa mga bisig nito.Napagtanto ko narin na ikay basang-basang at walang malay.
Napagpasya ko na lamang na umuwi nalang sa atin dahil nakakahiya naman sa aking kaibigan kung doon pa kita patutuluyin sa kanila."Napayuko naman ako sa sinabi ni ama.Ngayon ko lang natanto na napakahiya pala ng nangyari sa akin.Ano na lang kaya ang mukhang ihaharap ko sa mga Bustamante.
Araw na ng kompetisyon at nandito na ako sa plaza at unti-unting dumadami ang mga taong manonood sa paleksahan. Ginagawa ito kada huling linggo ng Marso para ipagdiwang ang patron ng barangay Ponong. Sa plaza ng Cavite ito isinasagawa at tinatawag na "Pintura para el patron".(Painting for the Patron)Nandito na sa gitna lahat ng kasali sa kompetisyon.Nandito kami ngayon sa isang maliit na entablado sa gitna ng
plaza kung saan gaganapin ang paliksahan.Marami ng taong dumadating para makasaksi kung sino ang tatanggalin na "Amo si la pintura".
(Master of painting)Magsisimula na sana ang paliksahan ngunit nahuli ang pagdating ng modelo kaya't naghintay kami ng ilan pang minuto.May isang maliit na entablado sa gitna na binabalibutan namin na kung saan tatayo ang napiling modelo para sa pagpinta.
Ang pagpili ng modelo ay talagang binibigyang pansin ng namamahala sa kompetisyon.Hindi lamang kaanyuan ang kailangan magkaroon nito kundi ang karangyaan at kapangyarihan.
Napili na din si ama noon ng siya ay
binatilyo pa lamang at sakto ding kasali si ina sa paliksahan na iyon at siya ang tinanghal na panalo.Sabi ni ama yun daw ang unang pagkikita ng landas nila ni ina.Sabi pa niya sa lahat na babaeng kasali ay si Ina lamang ang nakapagbighani sa kanya.Habang pinipinta ni ina si ama ay nakatitig lamang ito sa kanyang mga mata at dun nagsimula ang lahat.
BINABASA MO ANG
I can see my Future with you [COMPLETED]
FanfictionA girl named Kristal is living her pleasant life with her father not knowing his daughter's secret. She can see the future of a certain person she encounter and it make her life uneasy. She will meet a young man named Rafael who decided to end his l...