"Kung sana lang..."
•••••
(Kristal POV.)
Kasalukuyang nagpipinta ako sa aming hardin. Maaga palang ay pumunta na ako sa hardin para magpinta. Wala akong magawa dito sa bahay kundi magpinta,magburda,
manahi at magluto.
Ngayon ay pinipinta ko ang isang rosas na inilagay ko sa florero at inilapag ko sa mesa. Wala si ama ngayon dahil pumunta siya sa kabilang baryo para manggamot.
Palaging wala si ama dahil palagi itong nasa kanyang klinika o pumupunta sa ibang bayan.
Ang kasama ko lang sa bahay ang aming mayor doma na si Aling Pilar at ang aming kasambahay.
"Kristal ! May sasabihin ako sayo!"
sigaw ni Roselia.Napatawa na lang ako dahil sa kanyang reaksyon.
"Alam ko na yan.Pumunta ka naman sa tindahan ng mga palamuti at binili mo naman lahat ng paninda roon."
Napatawa naman siya.Mahilig si Roselia kumokulekta siya ng mga mamahaling palamuti.Mga pamaypay,pan-ipit,kwentas, at iba pa.
"Hindi Kristal,may nakita akong isang binata sa tindahan nila Aling Isidra .
Kukunin ko na sana ang pamaypay na may naka desinyong rosas ng magkasabay kami ng binata sa pagkuha kaya't
nahawakan niya ang aking kamay."
Namumula ang mukha ni Roselia habang sumasaway na parang bang siya'y may sayad sa utak.Napatawa naman ako dahil ito ang unang beses na kinikilig si Roselia sa isang binata.
¿Quien en este tipo desafortunado?
(Who is this unlucky guy?)Napakunot naman ang noo ni Roselia.Lumapit siya sa akin na pamiwang-miwang.
"Hoy Isay!Maswerte kaya ang lalaking mapapatibok ang aking puso kasi ang pusong ito ay sin tigas ng bato"wika niya sabay turo sa kanyang puso.
"Sino nga!"napa-isip naman siya sandali."No lo se, (I dont know)ngunit nakakasiguro akong taga Cavite. At kapag nakita ko siya sasabihin ko kay ama na ipagkasundo kami."
Napataas naman ako ng kilay ng kilay.Hawak-hawak ko parin ang cepillo de pintura(paintbrush) at parang hindi na ata matatapos ang aking obra dahil nandito si Roselia.
"Nababaliw kana ata Roselia.Hindi kaaya-aya na ang isang binibini ang gagawa ng paraan sa kanyang sinisinta.Hayaan mong siya ang maunang magpahiwatig ng kanyang nararamdaman sayo Roselia...kung meron man."
Napakunot naman ang noo ni Roselia.Gustong gusto kung inisin siya pagkat madali siyang mapikon.
"Bahala ka na nga diyan,hindi ka ba sasama sa akin ngayong gabi?Sa pagkakaalam ko ay selebrasyon ito sa patron na sinalihan ko kahapon."
Napaisip naman ako sabay sabi "Magpapasama nalang ako kay Agnese baka kasi makita mo yung ginoong kinahuhumalingan mo at pagkamalan kang may sayad sa utak."
"Bahala ka na nga diyan"wika nito sabay alis.Pameyang-meyang pa itong naglalakad at nakasimangot ang mukha nito.
"Sanay palagi kong makikita ang yung mga ngiti,Roselia"wika ko sa aking sarili.
BINABASA MO ANG
I can see my Future with you [COMPLETED]
FanfictionA girl named Kristal is living her pleasant life with her father not knowing his daughter's secret. She can see the future of a certain person she encounter and it make her life uneasy. She will meet a young man named Rafael who decided to end his l...
![I can see my Future with you [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/190790691-64-k98819.jpg)