(Krystal's POV)
"Nasaan si Agnese?" tanong ko sa aming katulong. Palagi kong iniisip ang kapakanan ni Agnese sa dahilang hindi ko alam kong kailan ito mangyayari.
"Nasa baryo po Señorita" tumibok ng mabilis ang aking puso.
Hindi ito maari....hindi.....
"Nasaan si Manong Itoy? Aalis ako...ihanda ang karwahe" utos ko at napatango naman ito. Wala si ama sa mansiyon dahil naroon siya sa ospital sa kabilang bayan.
Dali-dali akong sumakay sa karwahe at pumunta sa baryo.
Agnese asan kana? Nasaan ka?
Ilang minuto ang lumipas ay narating ko na ang baryo. Sinabihan ko ang kutsero na maghintay sa akin.
Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko kung paano nakadapa si Agnese sa sahig.
"Anong nagyari sa iyo?!" tinulungan ko siya tumayo.
"Nadapa lang po......."
"Hindi maari! Ingatan mo ang iyong sarili!" galit kong wika. Napayuko naman siya. Nailang naman ako sa tingin ng mga tao sa amin kaya hinawakan ko ang kanyang kamay at hinila siya papalayo.
"Bini....nasasaktan ako" maiiyak na wika niya.
"Dapat kang! Bakit ka umalis ng walang sabi?!"
"Binibini......."
"Paano kung anong mangyari sa iyo?!"
"Bini...."
"Paano?!" napayuko siya at nagsimula ng umiyak.
"Umalis ka sa paningin ko Agnese!"
Nakita ko kung paano nangunot ang kanyang mga kilay. Nakita ko kung paano namula ang kanyang braso dahil sa mahigpit kong pagkakahayak.
"Agnese" may nagsalita sa aming likuran. Isang pamilyar na lalaki.
"Sino ka?"
"Ako po si Joselito" magalang na wika niya. Nakita ko kung paano niya hawakan ang kamay ni Agnese. Napayuko naman ang dalaga.
"Magpapaalam po sana ako sa inyo na
hilingin ang kamay ni Agnese...bubuo po kami ng pamilya"
Hindi maari ito...nagsisimula na....
"Hindi!" tinignan ko si Agnese..."Yan ang papatay sa iyo Agnese!"
"Mahal ko po si Joselito..at..." hindi niya natapos ang kanyang sasabihin. Napatingin siya sa binata at napatango naman ito.
"N-nagdadalang tao po ako" halos hindi niya matapos ang kanyang sasabihin.
"Ano?! Paano?!"
Napayuko sila pareho. Sinamaan ko sila ng tingin pareho.
"Mga.....yan....yan ang papatay sa iyo Agnese!"
"Bakit po? Paano?"
Hindi ko malaman ang gagawin. Hindi ko hahayaan may mangyari sa iyo Agnese...hindi...hindi pwede
Nanginig ang aking kamay at napahilamos ako ng mukha. Nagitla na lamang ako ng may humawak sa aking braso.
Anong ginagawa mo dito? At kasama mo pa yan?
"Hayaan mo nalang ang dalawang taong nagmamahalan kagaya ng pagpaparaya ko sa iyo" natigilan ako sa sinabi niya.
"Binibini..." napatingin ako ulit kay Agnese.
"Sabihin mo yan sa mismong harapan ni ama...kasama yang lalaki mo" saka tinalikuran sila ngunit pareho ailang lahat na sumunod sa akin. Napahinto kami sa harap ng karwahe.
BINABASA MO ANG
I can see my Future with you [COMPLETED]
FanfictionA girl named Kristal is living her pleasant life with her father not knowing his daughter's secret. She can see the future of a certain person she encounter and it make her life uneasy. She will meet a young man named Rafael who decided to end his l...
![I can see my Future with you [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/190790691-64-k98819.jpg)