Naririnig ko ang abalang mga tao ng
Maynila. Nandito na kami ni Agnese sa Maynila at naghihintay na lamang kami ng kalesa para puntahan ang bahay ng aking tiya na kung saan kami mamamalagi. Bitbit ni Agnese ang kayang maliit na bayong na gawa sa dahon ng niyog habang ako naman ay bitbit ang aking mga bagahe.May pinadalang sulat sa akin ang tiya at napakaloob don ang tinitirhan nila.Minsan na din akong nakapunta sa Maynila noong bata pa at masasabi kung malaki ang pinagbago nito.Nagkakaroon na ito ng mga matataas at malalaking gusali.
Umuunlad na din ang pamumuhay ng mga tao dito at makikita mo ang sari-saring pamilihan na maaaring bilhan.Kung kasama ko ngayon si Roselia ay talagang mawiwindang at mababaliw iyon sa mga mamahaling palamuti.Napatingin naman ako kay Agnese na ngayon ay manghang-mangha sa kanyang nakikita."Ang ganda pala ng Maynila,binibini"ngiti nitong sabi.Napangiti naman ako sa kanya dahil kahit papaano ay nakapagbigay ako ng saya sa dalaga.
"Salamat dahil sinamahan mo ako Agnese"bigla siyang napatingin sa akin
"Ako po ang dapat magpasalamat sa inyo binibini dahil sinama niyo po ako"wika nito.Napahinto kami sa pag-uusap ng may kalesang tumambad sa aming harapan."Saan ho kayo?"tanong nito.Ibinigay ko naman sa kanya ang sulat at inalalayan pa kami makasakay sa kalesa at ilagay ang aming mga bagahe.Masaya kong pinagmasdam ang paligid nito.Nandito kami sa labas ng Intramuros at ilang hakbang nalang ay papasok na ang kalesa.Hinarang naman ng mga guardia civil at pinagmasdan kami.
¿De dona eres?(Where are you from?)
tanong ng isang guardia."Somos de Cavite,
señor.Fui obligado a pintar una obra maestra para el gobernador-heneral.Soy la hija de Don Dioscoro de la Fuente."(We're from Cavite,señor.I am obligated to paint a masterpiece for the gobernador-heneral.I am the daughter of Don Dioscoro de la fuente.)Napamangha naman sa akin si Agnese at napatulala."Lo seinto,señorita.Ahora puedas entrar."
(Im sorry,señorita.You may now enter.)
Napatango naman ako sabay sabi"Manong,
makakapasok na po tayo."Nakapasok na kami sa Intramuros at napatulala kami sa ganda.Nanghihinayang talaga ako dahil palagi kaming pumupunta sa ibang bansa ay hindi ko man lang naisip na bisitahin ang aming sariling bayan.Biglang huminto ang kalesa at bumungad sa aming harapan ang isang magandang haligi.
"Nandito na po tayo"wika ng manong.Inabot naman ni Agnese ang bayad at tinulungan niya kaming ibaba ang aming mga bagahe."Maraming salamat po"wika ng manong.
Napangiti naman ako sa kanya ngunit bigla
nanlabo ang aking mga mata.Habang sumasakay sa karwahe ang isang ginoo ay bigla itong pinigil ng mga guardia civil."Siya po ang magnanakaw!"sigaw ng isang matandang lalaki habang tinuturo ang Ginoong sakay ng kalesa."Manong,tayo na!"sigaw nito ngunit hindi umimik ang matanda dahil baka madamay pa siya sa kaguluhan.
¡Consiguele!(Get him!)utos ng mga pinuno ng guardia civil.Biglang lumundag ang Ginoo at pilit niyang pinababa ang matanda sa harap ng kalesa ngunit napupumilit ito.
Dala-dala ng ginoo ang isang sako ng puno ng kanyang mga ninakaw.Ilang hakbang na lang ay makukuha na siya ng guardia civil.Hindi bumababa ang matanda kaya't sapilitang tinulak ito ng ginoo at nang nahulog ito ay tumama ang ulo nito sa isang mataris na bato.Hindi naman nilingon ito ng ginoo at pinalo ang kabayo para itoy tumakbo.Ngunit,pinaputukan ito ng mga guardia civil at natamaan ito sa bandang likuran ng kanyang braso at nahulog ito. Sa banda ng nangyari ay may nadamay na isang inosenteng tao.Sa gitna ng daan ay may isang nakahandusay ng matanda na walang malay.
![](https://img.wattpad.com/cover/190790691-288-k98819.jpg)
BINABASA MO ANG
I can see my Future with you [COMPLETED]
FanficA girl named Kristal is living her pleasant life with her father not knowing his daughter's secret. She can see the future of a certain person she encounter and it make her life uneasy. She will meet a young man named Rafael who decided to end his l...