30

4 0 0
                                    


(Krystal's POV)

"Mahal, gising na" nagising ako sa malambing na boses ni Rafael. Ramdam kong hinawi niya ang ilang himbla ng aking buhok na nagtatakip sa aking mga mata.

"Hhmmmmm?" inilagay ko ang aking  kamay sa batok niya at niyakap siya na nakahiga. Ang saya-saya ng umaga ko dahil ang kanyang maamong mukha ang nakikita ko tuwing umaga.

"Gumising ka na, kailangan na nating maghanda sa kasal nina Edwardo" parang wala akong nadinig dahil nakayapos parin ang kamay ko sa batok niya. Ramdam kong hinalikan niya ang aking noo kaya napangiti ko. Ang swerte ko sayo Rafael. Isa kang pangarap na natupad ko.

Mahal na mahal kita Rafael. Salamat at tinanggap mo parin ako.

"Kung hindi ka gigising, hahalikan kita" ano bang uring banta yun? Bakit naman hindi nakakatakot? Napangiti nalang ako saka tumayo sa kama.

"Nasaan ang halik ko?" nakanguso niyang tanong habang hawak  pa din ang aking kamay.

"Diba gumising na ako? Wala kang halik." Dahil sa sinabi ko ay tumayo din siya saka niyakap ako sa likuran. Ganito palagi ang umaga namin. Ganito palagi ang Rafael ko. Palagi siyang nanglalambing sa akin.

Nandito kami sa kusina at nakayapos parin ang kamay niya sa bewang ko.
Tinitimplahan ko siya ng kape.

"Handa na po ang kape ng mahal ko" wika ko saka humiwalay sa yakap niya. Nakasimangot na siya saka deritsong ininom ang kape. Nalaglag naman ang panga ko dahil hindi man lang siya nakaramdam ng init.

"Dahan-dahan Rafael!"suyaw ko sa kanya ngunit imbis na sumagot sa akin ay niyakap niya ako muli. Ano bang nagyayari sa lalaking ito?

"Nasaan na ang halik ko?" inirapan ko nalang siya saka nakangising hinalikan bawat parte ng kanyang maamong mukha.

"Ang lambing mo yata ngayon, Rafael?  May pinaplano ka ba?" nagtataka na talaga ako sa kinikilos niya. Ngiti lang ang kanyang sinagot saka hinalikan ako sa labi. Tumugon naman ako sa matamis niyang labi. Ganito kami palagi.

"Hmmm? Wala naman. Plano ko lang naman na mahalin ka habambuhay."

"Umayos ka nga! Ang aga-aga! Pinapakilig mo ako!"

"Kiligin ka nalang" may pakindat pa siyang nalalaman. Napa-iling nalang ako saka kinain ang aking pandesal.

************

"Bakit ba ganito ang suot ko?" suot ko lang naman ay isang magarang baro't saya na kulay puti. Napapalamutian ito ng mga naggagandahang dyamante. Pinusod din ang aking buhok at nilagyan ng palamuti. Parang ako pa ang ikakasal.

"Hindi ako ang ikakasal, Ezperanza" wika ko dahil na sobrahan lang yata itong damit ko. Baka mas maganda pa ako sa ikakasal.

"Dapat lang na maganda ka. Malapit na kaibigan kase sina Rafael at Edwardo. Sabay sila lumaki at nangako din sila sa isa't-isa na handang-handa sila sa kasal ng bawat isa." Hindi nalang ako nagsalita. Pinagmasdan ko nalang ang aking wangis sa salamin.

"Anak?" napatayo ako dahil pumasok ang aking ama bitbit ang isang maliit na kahon.

"Ama, bakit po kayo nandito?" takang tanong ko. Nakabihis din siya ng baro.
Hindi maalis ang ngiti sa labi niya.  Namumula na din ang kanyang mga mata.

"Ano to?"

"Regalo?"

"Hindi ko naman po kaarawan" ngumiti lang siya saka ko binuksan ang kahon. Isang pan-ipit na may naka-ukit nang bulalak na sampaguita. Nakakabighani ang mga dyamante nito. Nakakaakit.

"Galing pa yan sa iyong lola at ibinigay sa iyong ina. Yan ang naging simbolo ng aming pagmamahalan. Noong kabataan ay nakita ko ang iyong ina na nagpipinta sa isang malawak na harden. Unang kita ko palang sa kanya ay napaamo na niya ako. Ang kanyang mapupungaw na mata ang nakaakit sa akin. Ngumiti siya sa akin saka inanyayahan akong lumapit sa kanya. Sa araw na iyon ay alam ko ng magiging parte siya ng buhay ko.Paborito ng iyong ina ang sampaguita dahil kakulay ito ng araw. Sabi niya sa akin noon na gusto niya daw maging araw. Nakakatawa man ngunit hindi ko pinakita sa kanya.
Ang araw daw kase ay malayang nagbibigay ng kanyang silaw sa umaga at malaya ding umaalis sa gabi. Importante sa tao ang kalayaan kaya noong niligawan ko siya ay hindi niya ako sinagot. Natatakot kase siyang kontrolin ko ang buhay niya."

I can see my Future with you [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon