(Rafael's POV)Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa aking nalaman. Biglang bumigat ang aking dibdib.
Anong bang nagyayari sa akin? Umayos ka Rafael!
Kanina pa ako nakaupo sa aming balkonahe kasi gusto kong magpahinga. Hindi ko alam pero pagod na pagod ako. Hindi ko magawang ngumiti dahil nawalan talaga ako ng gana.
Tinitignan ko ang bituin sa kalangitan.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako......zzzzzzzzzz..zzzzzzzz
...............
"Señorita" bigla akong nagising. Napatayo naman ako kaagad at inayos ang aking sarili. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa dito kagabi.
Dali-dali akong naligo at pumunta sa hapag.
"Ramille---amin ng pinag-uusapan ang tungkol sa inyong kasal" nabigla naman ako sa sinabi ni ama.
"Kasal?"
Napatingin naman ako kay Ramille na ngayon ay tuloy-tuloy lang sa pagkain.
"Ayos bang sa susunod na linggo ay ating bibisitahin ang mga Gutierrez?""
I-kakasal ka na?!" biglang sigaw ko.
Hindi naman ako tinignan ni Ramille.
"Nasa tamang edad na naman siya at para din ito sa ating mga negosyo" wika ni ama."Ipapakasal ko siya sa unica hija ni Romel Gutierrez " hindi naman ako nakapagsalita.
"Ikaw ba ay sang-ayon Ramille?" taka kong tanong.
Napatango naman ito ngunit nakatingin lang din ito sa kanyang pagkain. Kilalang kilala ko si Ramille, isang utos lang sa kanya ni ama ay susundin niya kaagad. Naniniwala kase siyang alam ni ama kung ano ang mas nakakabuti sa kanya.
Matapos naming kumain ay kinausap ko kaagad si Ramille.
Nakahiga siya sa ilalim ng puno habang ginagawang unan ang dalawang kamay nito.
"Ramill...."
"Alam ko na ang tatanongin mo" wika niya. Napaupo naman ako sa tabi niya.
"Ayos lang naman sa akin"
"P-pero akala ko ba mag-aasawa kalang dahil sa pag-ibig?"
"Pag-ibig?" napatingin naman siya sa akin. "Kung talaga ay para sa akin ito ay tatanggapin ko."
Pilit naman siyang ngumiti sa akin. Hindi ko na lang siya kinausap.
Nakauwi na kami sa mansiyon at inayos ko ang aking mga papeles dahil pupunta ako sa hukuman bukas. Napagdesisyonan kong mangabayo kaya pumunta ako sa kuwadra.
"Nana" ngiti kong bati sa aking kabayo. Hinimas himas ko pa ang kanyang buhok at saka inilabas siya ng kanyang kuwadra.
Agad akong sumakay sa kanya. Matagal na din akong hindi nangabayo dahil palagi nalang akong sumasakay sa aming kalesa.
Hindi ko alam kung bakit kusang pinalo ko ang kabayo saka pinatakbo ito sa hindi ko malamang lugar. Parang matamlay ang aking puso habang tinatahak ang daan.
Ano bang nangyayari sayo Rafael?
Bumungad nalang sa aking harapan ang magandang tanawin ng malawak na palayan ng Cavite. Bumaba ako sa aking kabayo saka pinapahinga muna ito sa ilalim ng puno.
Napasandal naman ako sa ilalim ng puno saka pinikit ang aking mga mata.
Hiiiyaaaaa!Hiiiyyyyaaaaaa!
Taka naman akong napatayo saka tumingin sa pinaggalingan ng boses. Bumungad sa aking harapan ang isang dalagang nakasakay sa kanyang kabayo.
Mabuti,kulot ang buhok,matangos ang ilong, mahaba ang kanyang buhok at lumilipad pa ito dahil sa lakas ng hangin.
Taka naman siya nakatingin sa akin kaya napalunok naman ako.
"A-aalis nalang ako bini....."hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil bigla siyang bumaba.
"Ayos lang ginoo" wika niya at lumapit sa akin.
"Ako pala si Ezperanza Velazquez" pagpapakilala niya at inilahad ang kanyang palad. Wala naman akong nagawa kundi tanggapin ito.
"Ako pala si Rafael Bustamante" wik ko. Napatango naman siya saka tumingin sa palawak na palayan.
"Bakit mag-isa kalang Rafael?" nagitla naman ako sa sinabi niya.
Bakit niya ako tinawag sa aking pangalan?
Natauhan na lamang ako ng tumingin siya sa akin. Magkasingtangkad lang kami. "Gusto ko sanang magpahangin" wika ko saka iniwas ang paningin sa kanya.
"Pareho pala tayo, nagpapagaan ng pakiramdam ang ganitong kagandang tanawin" napangiti naman siya habang sinisinghap ang sariwang hangin.
"Oo nga" yun nalang ang aking nasabi.
"Gusto mo mamasyal?" nagtaka naman akong tumingin sa kanya.
"Wag kang mag-alala hindi ako masamang tao" dagdag pa niya."Hindi sa ganoon binibini ngunit hindi pa kita gaanong kakilala"
"Aahh ganoon ba?---aalis nalang ak...."
"Ayos lang--tara?" wika ko. Napangiti naman siya at napatango.
........................
"Ang gwapo niyo po Manong Titoy!" sigaw ni Ezperanza sa lalaki na ngayon ay magtitinda ng sariwang buko.
Kasalukuyan kaming pumapasyal sa kabilang bayan. Dahan-dahan lang kami sa pagtakbo ng aming mga kabayo.
"Aking nakikita na palakaibigan ka pala binibini" wika ko at napatingin na man siya sa akin. Bumungad ang dalawang bilog sa kanyang pisngi.
"Ezperanza nalang Rafael" napangiti naman ako at nagpatuloy sa pagtingin ng mga nagtitinda.
"R-Rafael?" dinig kong tawag sa akin kaya napalingon naman ako.
"K-krystal?!" nabigla naman ako at napahinto. Napatitig pa siya sa akin at napatingin kay Ezperanza na ngayon ay nakatingin na rin sa amin.
"A-anong ginagasa mo dito?" tanong ko. Napayuko naman siya at tinignan ang kanyang mga dala.
"Bumili lang ako ng panibagong pintura" wika niya.
"Kaibigan mo Rafael?" singit ni Ezperanza na ngayon ay pababa ng kanyang kabayo.
"O-oo" napababa naman ako ng kabayo at pumunta kay Krystal.
"Ako pala si Ezperanza Velazquez binibini" pagpapakilala niya. Napatingin naman siya sa akin bago siya tumingin kay Ezperanza.Hindi ko alam kung bakit bumilis ang pagtibok ng puso ko ng makita ko siya.
"Aalis na ako--baka nakaabala pa ako sa inyo" mahina niyang sabi.
"Ihahatid nalang kita sa inyo" wika ko at napatingin naman siya sa akin.
"Ayos lang---baka magalit sa akin si Francis" napayuko naman ako sa sinabi niya.
"Sa akin ka nalang sumakay" masayang wika ni Ezperanza.
"Huh?" takang tanong sa kanya ni Krystal.
"Alam ko na hindi kaaya-ayang tignan na sasakay ka sa kanya kaya't sa akin ka nalang sumakay" ngiti pa nito at akmang kukunin ba ang mga bitbit ni Krystal.
"Ayos lang...."
"Sige na"
"S-sige"
Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kaba na sasama siya sa amin. May parte ng puso kong natuwa ngunit may parte din malungkot ng sabihin niya ang pangalan ni Francis.
Sana nga' mali tong akala ko...na umiibig ako sayo Krystal.
BINABASA MO ANG
I can see my Future with you [COMPLETED]
FanficA girl named Kristal is living her pleasant life with her father not knowing his daughter's secret. She can see the future of a certain person she encounter and it make her life uneasy. She will meet a young man named Rafael who decided to end his l...