"Rafael, gusto ko ng mangga!" halos umalingangaw ang boses ni Krystal sa buong sulok ng mansyon. Dinadala niya sa kanyang sinapupunan ang panganay nilang anak.
"P-pero mahal, ako'y nalilito. Kanina lang gusto mo ng mansanas tapos ngayon mangga na naman? Ano pa ba ang gusto mo?" halos hindi maguhit ang mukha ni Rafael. Mapapansin sa kanyang mukha ang inis at takot sa asawa.
"Ayaw mo? O sige lalayas nalang ako dito." Napahilamos nalang sa mukha ang ginoo saka sinuyo ang asawa. Ang hirap palang mag-alaga ng buntis.
Buwan ng Hunyo, ang kabuwanan ng kanyang asawa kaya mas lalo tumitindi ang ugali neto. Walang ibang magawa si Rafael kundi sundin lahat ang gusto ni Krystal dahil kung hindi, matutulog siya sa sahig mamayang gabi.
"Krystal!" may ngiting pumahid sa mukha ng binibini ng makita niya sina Ezperanza at Roselia papasok ng kanilang tahanan. Nagsama na rin ang tatlong buntis.
Pumasok din sina Francis at Ramille na kapwa nanghihina. Hindi nila yata nakayanan ang kanilang mga asawa.
Tatlong buwan ng buntis si Ezperanza sa panganay nilang anak ni Francis. Si Roselia naman ay apat na taong buntis sa kanilang pangalawang anak ni Ramille. Nagsama ang tatlong ginoo at parang walang buhay na napa-upo sa balkonahe.
"Alam mo bang buong araw akong sinisigawan ni Roselia? Ramdam kong magiging lalaki ang anak namin. Akalain niyo yun, pinapahanap ako ng pakwan na kulay ginto ang mga buto." Natawa naman ang dalawa.
"Mas malala si Ezperanza. Akala ko may sayad na siya sa utak. Isang linggo yatang hindi nagsasalita. Iba talaga pag buntis, bumabaliktad ang ugali." Imbis na trabaho ang atupagin nila, nagiging trabaho na para sa kanila ang mga asawa.
"Ako nga itong palaging inaayaw ni Krystal. Hindi ko na nga siya nakakatabi tuwing gabi dahil palaging mainitin ang ulo. Ewan ko ba, baka pinapakitang magiging masama ang ugali ng aming anak."
Nagpatuloy sa pag-uusap ang magkaibigan habang nagtatawanan naman ang kanilang mga asawang mga dala-dala. Kahit gaano sila kapagod, makita lang na masaya ang kanilang mga mahal, sumasaya na rin sila.
"Aaaaaaaahhhhhhhhhhh!" hindi kayang tignan ni Rafael ang asawa. Kitang-kita niya kung paano ito nasasaktan na mailabas lang ang kanilang anak. Kahit siya ay napapasigaw sa tuwing sumisigaw ang asawa sa sakit.
"Nakikita ko na, iri pa señorita! Sige pa!" Ang ama din ng binibini ay nandoon upang suportahan ang anak.
"Aaaahhhhhhh! Hijo de puta!" napamura nalang ito sa sakit. Parang hinahati ang kanyang katawan. Pero iniisip niya ang kapakanan ng kanyang anak. "M-mahal, kaya mo yan" hinawakan ni Rafael ang kamay neto saka hinahalikan sa noo.
Nandoon din sina Agnese at ang anak at asaw neto. "Aaahhhhh!" napapikit nalabg ang binibini sa kanyang huling iri.
Nanginig ang buong katawan ni Rafael ng marinig niyang umatungal sa iyak ang sanggol. Hindi maipinta ang saya na kanyang naramdaman ng makita ang kanyang anak.
"Te amo" bulong niya sa asawa na kapwa din naiiyak. Nag-iba ang mundo ni Rafael ng pinakasalan niya si Krystal. Ngunit makita lang ang sanggol ay masasabi niyang mas naging kompleto ang pagkatao niya.
Pinunuan ng binibini ang kanyang kakulangan at ganoon din siya. Masasabi ni Rafael na nasa kanya na ang lahat. Makasama lang ang pamilya niya ay buong-buo na siya.
Sa araw na iyon, kanyang pinangako na gagawin niyang masaya at espesyal ang mga araw na kasama niya ang janyang asawa at mga anak. Gagawin niya lahat upang hindi lang pagmamahal ang makamit neto, kundi ang kalayaan na hinahangad ng lahat.Sampung taon ang nakakalipas....
"Matteo, iyong hawakan ang iyong kapatid" wika ni Krystal habang tinitignan ang kanyang mga anak na naglalaro sa palayan. Tatlong taong gulang palang ang kanilang bunsong si Reyana.
"Ama!" napatingin sila kay Krisostomo na tumatakbo papalapit sa kanila. Humalik ito sa kanilang pisngi saka ipinakita ang isang obra na namana neto sa ina.
"Ang galing talaga ng anak ko" papuri ni Krystal habang ginugulo ang buhok ng anak. Napangiti naman si Rafael habang tinitignan ang asawa na nakikipag-usap sa kanilang anak. Kung ganito lang palagi ang makikita nkya bawat araw, buong-buong na siya.
Lumapit din sa kanila ang dalawa pa nilang anak. Niyapos niya si Reyana na wala pang kamuyang-muyang sa mundo. Si Matteo naman ay dala-dala ang ensaykopidya. Kapawa sila nakaupo sa ilalim ng puno habang tinitignan ang malawak na palayan.
Nagkatingin ang mag-asawa habang abala ang mga anak neto sa kani-kanilang gawain. "Salamat" wika ni Rafael.
"Salamat sa saan?" inakbayan ng binibini ang asawa saka ginugulo ang buhok neto. Kahit ilang taon na ang lumipas, hindi nababawasan ang kanyang magpapahal sa asawa, mas napupunuan pa ito.
"Salamat dahil kinompleto mo ang buhay ko. Salamat dahil binigyan mo ako ng pagkakataon na maging isang ama. Salamat dahil minamahal mo ako. Salamat dahil dumating ka sa buhay ko."
Napahawak sa pisngi si Krystal saka sinuyod ng tingin ang asawa. "Ako dapat ang magpasalamat. Salamat dahil tanggap mo pa rin ako. Salamat dahil hindi ka sumuko sa akin. Salamat dahil hindi ka umalis sa tabi ko sa mga araw na kailangan ko ng kausap. Salamat dahil minahal mo ako sa higit pa sa salitang sapat."
Hahalikan na sana ni Rafael ang asawa ng biglang narinig niya ang nakakairitang boses ni Ezperanza.
"Ano yan? Susmaryusep!Ang landi talaga netong si Rafael. Walang pinipiling lugar ang gago! Nakikita kayo ng mga anak niyo.
Natawa nalang ang mag-asawa saka binati ang bagong dating. Kapwa sila masaya habang tinitignan ang maaliwalas na kalangitan.
Nakamit na nila ang pagmamahal na nararapat sa kanila.
Ang pagmamahal ay walang pinipiling lugar, kusa itong dadating sayo sa tamang panahon at sa tamang tao. Kaya, huwang tayong magmadali dahil tanging ang taong nakalaan lang para sa iyo ay magbibigay sayo ng katiwasayan at kaligayahan na pamhabambuhay.
BINABASA MO ANG
I can see my Future with you [COMPLETED]
FanfikceA girl named Kristal is living her pleasant life with her father not knowing his daughter's secret. She can see the future of a certain person she encounter and it make her life uneasy. She will meet a young man named Rafael who decided to end his l...