(Krystal's POV)
Mababaliw na yata ako sa kakaisip kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Palagi akong nakakulong sa kwarto at malalim ang aking iniisip. Natauhan na lamang ako ng may kumatok sa aking pintuan.
"Anak?" narinig kong tawag ni ama.
"Opo"
"Pwede ba kitang kausapin?" saka binagbuksan ko siya.
"Ama" bigla kong hinawakan ang kanyang kamay. Nakita ko kung paano nangunot ang kanyang kilay.
"Anak...may problema ba?" wika niya.
"Ama...maniwala kayo sa akin...nakakakita ako sa hinaharap" parang maiiyak na ako.
Matagal ng alam ni ama na nakikita ko ang hinaharap dahil palagi ko itong sinasabi sa kanya. Ngunit,matagal na din siyang hindi naniniwala sa aking kakayahan.
"Anak...pagod ka lang" inalalayan niya akong maupo. Hinahimas niya ang aking ulo saka ngumiti.
"Matulog ka na"
"Hindi...hindi ako makatulog ama!" tumulo na ang aking mga luha.
"Marami na akong nakikita! Marami at isa ka na doon!" ang dahilan kung bakit binabaliw ako sa kaisipan na yun dahil nakita ko kung paano siya papatayin sa hinaharap.
"Maraming mamamatay! Marami!" hinawakan ko ang kanyang magkabilang braso. Parang tinutusok ang aking puso dahil sa reaskyon niya.
Isa ka sa mamamatay ama...isa ka doon...
"Ano ang yung nakita?" nabuhayan ako sa kanyang tanong. Parang naniniwala na siya sa aking sinasabi.
"Mamamatay si Agnese....may papatay sa kanya habang tumatakas" pagsisimula ko. Binuhos ko ang sakit na aking nararamdaman.
"Mamamatay si Roselia!.....papatayin niya ang kanyang sarili!....kailangan kong makita si Roselia ama!" napayuko ako.
Ilang segundo ang lumipas ng muli akong tumingin kay ama.
"Masasaktan si Ramille dahil hindi siya kayang mahalin ng kanyang iniibig!.....baka si Roselia iyon ama!..diba? Napilatan lang siya!" may nabuong opinyon sa aking utak.
"Baka yun ang dahilan ng kanyang pagtataksil!.....baka yun ang dahilan kung bakit papatayin ni Roselia ang kanyang sarili!"
"Mamatay....." hindi ko kayang sabihin kay ama ang aking nakita.
Hindi ko kaya....ama.....
"Sino?" takang tanong niya.
"Mamatay ka ama!" humahagulhol ako sa iyak. Hindi ko napigilang mapayakap sa kanya.
"Ama....may papatay sa iyo! Isang taksil na kaibigan!" dagdag ko pa.
Naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking balikat. Kumawala siya sa kanyang pagkakayakap at tumingin sa akin.
"Hindi mangyayari iyon anak"
"Ama...tulungan mo ako...parang mababaliw na ako sa kakaisip para sa inyo" at muling yumakap sa kanya.
"Anak....hindi yun mangyayari"
"Hindi ko kakayanin! Nawala na si ina! Hindi ko kakayanin!" hindi ko talaga mapigilang umiyak.
"Tutulungan kita anak" napatingin ako sa kanya.
"Salamat ama...salamat" napayuko ako.
"Sa ngayon..magpahinga ka muna...nalalapit na ang iyong kasal...pupunta dito si Francis mamaya" napatango nalang ako.
Akmang tatayo siya ng hinawakan ko ang kanyang kamay. "Mag-ingat ka ama" napangiti siya at lumabas ng aking silid.
........................
(Ezperanza's POV)
"Anong gagawin natin dito? Magmukmuk?" biro ko kay Rafael. Nakahiga siya sa ilalim ng punong kahoy at malalim ang kanyang iniisip. Ito din ang lugar kung saan kami unang nagkita.
"Ang sarap ng hangin" ngiti niya habang nakapikit ang mga mata.
"Anong gagawin natin? Tigilin ang kasal?" biro ko pa. Napatawa naman siya.
"Wala na akong magagawa kundi dumalo sa kasal" saka siya naupo at tumingin sa akin.
"Kakayanin mo ba?"
"Oo"
"Ganun ka kalakas?"
"Kung saan siya sasaya...kakayanin ko" parang maiiyak na siya. Napayuko naman ako at nilaro ang aking mga kamay.
"Grabe ka naman pala magmahal...mahalin mo kaya ako" biro ko ba...pero sa totoo...nasasaktan ako. Matagal ko ng nilihim ito...matagak ko ng gusto si Rafael.
"Baka magkakatotoo yan" napatawa nalang ako.
Manhid!
"Kung nagawa kong sabihin sa kanya na mahal ko siya...baka kaming dalawa ang ikasal ngayon...."
"Baka tayo talaga sa isa't isa....diba?" dagdag ko pa. Napangiti siya. Yung ngiti na sumisingkit ang kanyang mga mata at nabubuo ang kanyang dalawang pisngi.
"Pero huli na ang lahat ng malaman kong mahal ko pala siya" malungkot niyang wika. Hindi ko napigilan ang aking sarili at naupo ako sa tabi niya.
"Kalimutan mo nalang siya...ikaw lang ang nasasaktan" napayuko ako.
Ang manhid mo talaga!
"Darating din ako diyan.....pero hindi ko parin tanggap na hindi man niya nalaman na mahal ko siya"
"Wala na namang pag-asa...ikakasal na yung tao" napatingin ako sa kanya.
Ako nalang Rafael.....ako nalang
"Huwag ka ng malungkot...nandito pa ako" natawa ako sa sariling isip.
"Magpapakasal pa tayo kaya maghanda ka na" dagdag ko pa. Hindi siya sumagot at mas lalong piniga ang aking puso.
Nagitla ako ng ilagay niya ang kanyang ulo sa aking braso at pumikit. Niyakap niya ang aking braso. Parang sasabog ang puso ko sa tuwa at galak.
Mapapasaakin ka Rafael...maghintay ka lang
"Kahit isang minuto lang Ezperanza....gusto kong nandito ka sa tabi ko" napangiti ako saka hinimas ang kanyang buhok sa ulo.
Nandito lang ako
Dahil sa tuwa ay ngitian ko ang langit at bundok...mag halaman....puno....at mga ibon.....naghuhugis mga puso...salamat Rafael.
Mahal kita Rafael.........
BINABASA MO ANG
I can see my Future with you [COMPLETED]
FanfictionA girl named Kristal is living her pleasant life with her father not knowing his daughter's secret. She can see the future of a certain person she encounter and it make her life uneasy. She will meet a young man named Rafael who decided to end his l...
![I can see my Future with you [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/190790691-64-k98819.jpg)