*Capitulo diez(10)*

20 1 1
                                    

"Nagkita tayo muli,binibini"

Biglang uminit ang aking pisngi at litong-lito na ako kung ano ang dapat kong sabahin at gawin sa harap ng binata sa hindi ko alam na kadahilanan.Natunghayan ko na naman ang nakakatunaw na pagngiti ,tila hindi ko maialis ang aking paningin sa kanyang pulang-pulang pisngi.

"Gi..noong Ra..fa..el"nauutal kong pagkasabi. Mas lalong lumaki ang ang ngiti ng binata at sumusingkit pa ang mga mata nito at ang mahahaba nitong pilik mata. "Naalala kong ikaw pala ang nanalo sa kompetisyon kaya't nandito ka sa Maynila"mangiti-ngiti nitong sabi.Hindi ko na alam ngunit nababaliw na ata ang puso ko.Hindi na ito humihinto sa pagpintig.

"May kasama ka ba?"tanong nito.
Napalingon naman ako sa deriksyon nila
Angnese at Maribeth kanina ngunit wala na ito.Napakunot naman ang aking noo at pilit silang tinatanaw.

"Napag-iwanan ka yata Kristal, o ikaw lang mag-isa?tanong pa nito. Ano ba!
Wag kanang magtanong?Nauutal kasi ako pag-kausap kita eh!

Natauhan na lamang ako ng biglang may isang malakas na pwersa ang bumangga sa akin para ako'y mawalan ng balanse. Dahan-dahan akong nahuhulog ng biglang hinawakan ng binata ang aking likuran sa kanyang kanang kamay at hinawakan naman niya ang aking braso sa kaliwang kamay. Biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo.Dahil ang dali ng mga nangyari ay hindi namin namamalayan na may kaguluhan palang nangyayari sa aming paligid.

Mga guarida civil na nagtatakbuhan,mga batang nag-iiyakan at mga kawatan na pilit tumatakas ay hindi namin alintana dahil tanging gumagawa kami ng aming sariling mundo,at yun ang masasabi kong mundo ko.


•••••••••••••

(Rafael's POV.)

Nanunuluyan ako sa aking malapit na kaibigan na kasama ko din sa korte.
Ilang linggo din ako mamamalagi sa Maynila dahil aasikusuhin ko ang aking mga papeles.

Nandito ako ngayon sa silid na aking tinutuluyan.Nang may kumatok sa pintuan.
"Ginoo,pinagsasabi po ni kuya na magmeryenda po muna kayo"wika ng dalaga na kapatid ng aking malapit ng kaibigan.Labing siyam na taong gulang na ito at nag-aaral sa paaralang San Tomas.

"Kuya"pangiti-ngiti nitong sabi.
Napatango na lamang ako sabay tutok muli sa aking ginagawa ngunit humakbang ang dalaga papalapit sa akin."Ano yang ginagawa mo?"tanong nito.Napalunok naman ako dahil tila ang lapit ng dalaga sa akin.

Nabigla naman siya dahil tumayo ako kaagad sabay sabi"Tayo na magmeryenda."
Naiwan naman siyang nakatulalaa sa aking kwarto habang ako ngayon ay bababa na.

"Amigo,magmeryenda ka muna"wika ng aking kaibigan.Punong-puno ang lamesa ng mga iba't ibang uri ng pagkain."Ang dami naman yata nito"biro kung sabi.Napatawa naman siya sabay subo sa isang tinapay.

"Pinagdidiriwang namin ang kaarawan ng gobernador-heneral,may kasiyahan pala mamayang gabi sa kabisera.Sasama ka ba?"Napa-isip naman ako.Sa susunod na linggo pa naman ako uuwi sa Cavite kaya't
aaliwin ko muna ang aking sarili dito.

"Magsasabong ako mamaya para naman ma duble ang aking pera"patawa nitong sabi.Bumababa na si Althea sa siyang kapatid ng aking kaibigan.Napa iwas naman ako ng tingin sa dalaga at kumain nalang ng tinapay.

I can see my Future with you [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon