*Capitulo Beinte*(20)

7 1 1
                                    


(Kristal's POV)

"Señorita , gusto po daw kayong makausap ng inyong ama" wika sa akin ng isa sa aming katulong.

Napatango naman ako at napahinto sa aking ginagawa.

"Ano po yun ama?" tanong ko sa kanya. Ako ay nandito sa opisina ni ama. "Bukas gaganapin ang selebrasyon para sa pagiging isa ng Ferñandez at de la Fuente."

"Saan po ito gaganapin?"

"Sa bahay ng mga Ferñandez mismo."

Hindi naman ako kumibo. Kakayanin ko bang pilitin ang aking sarili kay Francis?

"Gusto mo ba talagang matali kay Francis?" napatingin naman ako sa kanya at napangiti nalang. Wala lang din naman akong magagawa dahil pumayag na naman akong pagpakasal kay Francis.

"Bueno, maghanda ka nalang para bukas" nagbigay ako ng galang saka lumabas ng kanyang opisina.

............

"Ayan señorita---mas lalo kang gumanda" masayang wika ni Agnese ngunit wala paring ekspresyon ang aking mukha. Nakatulala lang ako sa kawalan.

"May problema po ba binibini?" tanong nito. Napabuntog hininga nalang ako saka tumingin sa kanya.
"Bakit ba kung saan magiging akin na siya---ay yun naman ang oras na hindi na siya ang nagmamay-ari sa puso ko?

"Ano po ang ibig niyong sabihin?"

"Wala Agnese---hindi mo naman ako maiintindihan" napatango na lang siya at lumabas ng aking kwarto.

"Ano bang pinasok mo Krystal?" napayuko nalang ako at tuluyan ng  tumulo ang aking mga luha.

...............

Nandito na ako sa labas ng mansiyon
ng mga ferñandez at unti-unti ng dumadami ang mga bisita. Nakatayo lang ako dito sa balkonahe habang tinatanaw ang mga tao sa labas.

Nag-uusap sina ama at ang Don sa labas habang si Francis naman inaasikaso ang mga bisita.

"May oras pa naman Krystal" nabigla naman ako napatingin sa aking likuran. "Gusto mo tulungan pa kita" wika ni Belenda habang bitbit ang kanyang alaga na pusa.

"Umatras kana Krystal---habang may oras pa" dagdag pa nito. "At bakit naman ako tatakbo? Mahal ko ang kuya mo Binibining Belenda" hinarap ko siya at tinignan ang kanyang mga mata.

"Masama ang magsinungaling sa sarili Krystal---masakit."

"Mas masama ang umatras sa isang kasalang sumang-ayon na" napatawa naman siya habang hinimas-himas ang kanyang pusa.

"Bahala ka---magtiis ka" ngisi niyang sabi saka umalis. Ano ba ang nagawa ko sayo Belenda? Bakit iyan ang pakikitungo mo sa akin na may
pinagsamahan naman tayo noon?

Natauhan naman ako ng bigla akong tinawag ni Agnese. Napasilip naman ako sa balkonahe. "Señorita! Hinahanap ka ng iyong ama!" wala naman akong nagawa kundi pumunta sa kasiyahan.

............

"Ayos ka lang ba mahal? Gusto mo bang magpahinga muna?" marahang tanong sa akin ni Francis. "Ayos lang ako" sabay ngiti. Magkatabi kaming nakaupo dito sa mesa.

Nagsasayawan ang mga tao at nagsisiyahan. Sari-saring pagkain ang nakahain sa mesa. Lahat ng nandito sa mansiyon ay ang mga taong mataas ang estado sa pamumuhay.

Naistatwa na lamang ako ng makita ang isang pamilyar na lalaki. Nasilayan ko ulit ang kanyang ngiti at ang kanyang maamong mukha.

Pinapaupo sila ni ama sa isang mesa at nakipagkwentuhan kasama ang ama ni Francis. Tila nabuhayan ako ng makita ko siya. Alam kong kasalanan itong aking nadarama dahil may pinaniwala akong tao na siya ang mahal ko.

Nakatingin lang ako sa kanila at hindi ko alam na ngumingiti na ako. Nabigla nalang din ako ng tumayo si ama at pumunta sa gitna ng kasiyahan.

Ito na ang kinakatakutan ko. Krystal!Manindigan mo ito!

"Magandang gabi sa inyong lahat! Meron akong isang mahalagang anunsiyo sa inyong lahat" paninimula niya. Napatingin naman lahat sa kanya at isa na doon ay si Rafael.

"Akin ng ipahuhubili ang kamay ng aking anak sa si Krystal sa nag-iisang anak ni Ferdinand na si Francis" nagpalakpakan naman lahat ng tao at ngayon nasa amin na ang kanilang atensyon.

Ramdam ko din ang galit na tingin sa akin ng mga babaeng may gusto kay Francis at higit sa lahat, ramdam kong nakatingin din sa amin si Rafael.

Wala naman akong nagawa kundi ngumiti ng marahan. Parang sasabog na ang puso ko sa pangyayari. Nabigla naman ako ng hinawakan ni Francis ang aking mga kamay at ngumiti.

Ang laki talaga ng kasalanan mo Krystal! Bakit si Francis pa ang pinaglaruan mo?!

............

Dahil sa pangyayari kanina ay wala na akong ganang makisalamuha sa mga tao. Tulala lang akong nakatingin sa mga ito na nagsisiyahan. Bakit ako pa ang malungkot na dito?

"Ngumiti ka naman Krystal---mas lalo kang pumapangit" biglang tumibok ng mabilis ang puso ko.

"Gi---noong Rafael."

"Tila nakakita ka ng multo" tawa niyang sabi at umupo sa tabi ko.
Napalunok naman ako dahil ang lapit niya sa akin. "Hindi mo naman sinabi na ikakasal kana pala" ngisi niya.

"Kaya pala hindi mo ako pinapansin noong nagkita tayo sa pamilihan dahil ikakasal kana" pagbibiro nito. Para naman tinusok ng karayom ang puso ko sa kanyang sinabi.

"Hindi ahh---nagmamadali lang ako" pagsisinungaling ko kahit ang totoo niyang ay sinadya ko talaga na hindi siya pansinin.

Napangiti naman siya. Wag mo akong ngitian Rafael! Natutunaw ako!

"Aahhh---tatanda na yata akong walang asawa" napatingin naman ako sa kanya na may pagtataka.

"Bakit naman?" tawa kong sabi. Hindi ko talaga maipagkakaila na komportable ako sa binata.

"Ikakasal na kase yung taong gusto ko."

Tinusok na naman ng karayom ang puso ko. Baka noong araw na magpapakamatay siya ay yun din ang araw na nalaman niyang ikakasal yung mahal niya.

Huwag kana kaseng umasa pa Krystal! Masasaktan kalang!

"Huwag kang mag-alala Ginoo--mahahanap mo din ang para sa iyo" ngiti kong sabi.

Napasandal naman siya sa upuan."Sana nga---hindi ko naman akalain na huli na pala ang lahat."

Ako nalang Rafael ! Nandito naman ako!

"Sige binibini---ako'y aalis na---paalam" sabay tayo at nagbigay ng galang. Sa huling sandali ay tinignan ko ang knyang mukha at sinilayan ang kanyang ngiti.

"Pa--alam Rafael" napayuko naman ako kaagad ayoko kaseng makita niyang namumula na ang aking mga mata.

Ang sakit makita na unti-unti siyang lumalayo sa akin. Ang sakit makita na umaalis ang mahal mo.

Paalam Rafael---ibubura na kita sa puso ko.

______________________________________
Huli naba talaga lahat?
Paano paniningdigan ni Krystal ang kayang desisyon?
Alamin niyo po sa susunod na Capitulo.💖💖 Maraming salamat sa pagbasa sa kwentong ito. GBU 💖💖

I can see my Future with you [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon