Magkahawak kamay sina Rafael at Krystal habang nakahiga sa kama.
Kitang-kita sa kanilang mga wangis ang pagiging matanda. Apat na pu't isang taon na ang nakakalipas. Walang ibang ginawa ang dalawa kundi iparamdam sa bawat isa ang kanilang pagmamahal.
Biniyayaan sila ng tatlong anak. Isang babae at dalawang lalaki.
Sina Reyana Emeralda Bustamante, ang bunso sa tatlo. Namana niya sa ama ang dalawang bilog sa pisngi at ang pagiging mestisa sa ina.
Si Krisostomo Josie Bustamante, ang ikalawang anak. Namana niya sa ina ang talento nito sa pagpipinta. Pinagpatuloy niya ang naudlot na pangarap ng ama nito na maging isang Doktor. Namana din niya sa ama ang matangos at mapupungay nitong ilong.
Si Matteo Esteban Bustamante, ang panganay. Namana niya sa ina ang makapal nitong pilik mata. Siya ang namumuno sa negosyo ng mga De la Fuego at mga Bustamante. Siya ang kamukhang kamukha ng ama nitong si Rafael.
"Alam mo bang unang kita ko palang sayo noong araw ng kompetisyon ay hindi ko na maalis ang paningin ko sayo?" natawa naman si Krystal.
"Dahil maganda ako?"
"Hahahhaha, sino ba naman ang hindi magagandahan sa isang Krystal? Nahagip mo na ako sa mapupungay mong mata." Parehos silang nakatingin sa madilim na kalangitan sa labas ng bintana.
"Nakuha muna ang puso ko sa mismong araw na yun. Hindi ka na nga maalis sa isip ko. Palagi kang hinahanap ng aking paningin."
"Ikaw pala ang unang nahulog sa ating dalawa?" tanong ni Rafael.
"Ewan ko sayo!" napatawa nalang ang matanda. Niyakap niya ang asawa at hinalikan ang noo nito.
"Noong ipapakasal ka sa iba ay parang binaril ang puso ko. Namanhid lahat ng katawan ko. Ewan ko ba kung bakit matagal kong nalaman na gusto na pala kita. Sabi ko sa sarili kong hindi ko dapat pakawalan ang babaeng ito." Napahalakhak naman ang dalaga.
"Kung hindi lang naman ako umamin ay hindi mo ako aangkinin!" angal ni Krystal.
"Dahil noong nakita ko kayong magkasama ni Francis ay nakita ko sa iyong mga mata ang saya. Kaya ko namang magparaya kung sa ikakasaya naman ng taong mahal ko. Kaya kung pigilan tong nararamdamn ko para sa ikakasaya mo, Krystal."
"Ganoon din naman ang naramdaman ko nokng nakita ko kayong dalawa ni Ezperanza. Nawalan na nga ako ng pag-asa dahil lang nakita ko kayong magkasaman." Inaalala ng dalaga kung paano nabiyak ang puso niya at hanggang napagdesisyonan niyang magpakasal kay Francis.
"Pero hindi natin akalain na silang dalawa pala ang magkakatuluyan" wika ni Rafael.
"Kamusta na kaya sila sa Espanya? Sina Elias at Elisa?" patungkol nito sa anak nina Francis at Ezperanza. Matagal na kase itong nanirahan sa Espanya. Kasing edad lang ni Reyana ang anak nitong si Elias. Si Elisa naman na siyang panganay ay kasing edad ni Matteo.
"Uuwi daw ang mga anak nito sa susunod na buwan pero hindi na sasama ang mag-asawa" sagot naman ni Rafael.
"Sina Ramille at Roselia kaya? Matagal na ding hindi ko sila nakita. Bakit ba doon sila nanirahan sa probinsiya?" Apat ang anak ng mag-asawa. Tatlong babae at isang lalaki.
"Hayaan mo na yung kakambal ko. Takot lang yun sa asawa niya." Biro nito.
"Alam mo bang baliw na baliw ang anak ni Belenda sa anak nating si Krisostomo? Araw-araw pinapalo niya ang dalaga.Araw-araw kasing bumibisita sa ospital. Mainit kase ang dugo sa akin nung si Belenda." Naalala tuloy ni Krystal kung paano sila magbitawan ng salita ni Belenda noon.
"Si Amara ba kamo? Maganda ang dalagang yun. Bagay sa ating anak."
"Hindi ko namang gustong unahan ang anak natin, Rafael. Gusto kong siya mismo ang pipili ng pakakasalan niya." Hindi niya pinagkaitan ang kanyang mga anak ng kalayaan. Kahit nasa wastong edad na ang mga ito ay hindi niya ito pinilit na magpakasal.
"Paano naman si Matteo? Tatandang binata yun. Kailangan ng magkasal nun dahil kung hindi pipilitin yun ay hindi yun magkukusa. Mas mahal pa nga niya ang negosyo." Namomroblema nga sila sa kanilang panganay. Puro kase negosyo ang inaasikaso nito at wala ng panahon s babae.
"Huwag kang mag-aalala. Uuwi din naman si Elisa. Napag-usapan namin ni Ezperanza na paglalapitin ang dalawa."
"Gusto ko na kaseng magka-apo. Wala bang nobyo yan si Reyana? Kailan ba mag-aasawa yan? Akala ko siya ang mauuna sa magkapatid niya." Gustong-gusto kase ni Rafael na mag-alaga ulit ng supling.
"Alam mo namang patay na patay yun kay Elias. Paano ba naman nasa malayo si Elias. Kaya segurado akong magkakatuluyan yang dalawa. Sabi kase ni Ezperanza na palagi daw kinakamusta nito ang ating anak."Kinilig si Krystal sa sarili niyang sinasabi.
"Maiba nga natin ang usapan, mahal. Naging masaya ka ba sa akin?" Napatingin si Krystal kay Rafael.
"Oo, naman dahil natupad ko lang naman ang pangarap ko at yun ang makasama ka habambuhay. Ang masilayan ka tuwing pag-gising ko. Ang ipagluto ka. Ang bigyan ka ng anak. Masayang-masaya ako dahil naging parte ka ng buhay ko. Ikaw ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko."
Hinalikan ulit ni Rafael sa noo ang asawa. Mas niyakap niya pa ito.
"Ako din, ikaw ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Kahit kunin man ako ng diyos ngayon ay matatanggap ko dahil natupad ko ang pangarap ko. Naging masaya ako sa mga araw na magkasama tayo. Binuo mo ang mga pangarap ko. Ikaw ang naging dahilan ng buhay ko.Mahal na mahal kita,Krystal."
"Mahal na mahal din kita, Rafael. Hindi matutumbasan ng salitang mahal kita ang saya na pinaramdam mo sa akin."
Sabay silang dinalaw ng antok. Sa gabing iyon, yakap nila ang isa't-isa na puno ng pagmamahal. Sa lahat ng nangyari sa buhay nila ay pag-ibig la din ang nagwagi.
Ang pag-ibig ay kusang dadating sayo. Hindi man ngayon,bukas,o sa makalawa ay dadating ang tamang panahon upang makaramdam ka ng totoong pagmamahal. Kase ang tunay na pag-ibig ay dadating sa tamang panahon.
Nagtatapos
I can see my future with you
BINABASA MO ANG
I can see my Future with you [COMPLETED]
FanfictionA girl named Kristal is living her pleasant life with her father not knowing his daughter's secret. She can see the future of a certain person she encounter and it make her life uneasy. She will meet a young man named Rafael who decided to end his l...
![I can see my Future with you [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/190790691-64-k98819.jpg)