(Francis' POV)Natigilan kami lahat ng umalis si Krystal. Noon ko pa alam ang dinadaan niya. Noong hindi pa ako pumunta sa Espanya ay alam ko na ang katotohanan. Alam ko na lahat.....lahat....lahat....
"Kailan pa" tanong ni Rafael. Tinignan ko naman siya ng masama.
Bakit ba nandito yang lalaking yan?
"Bata pa lang si Krystal noong mamatay ang kanyang ina. Sinisi niya ang sarili niya dahil kung hindi umalis ang kanyang ina sa gabing iyon ay hindi sana ito mamamatay."
Natuon ang kanilang pansin kay Don Dioscoro. Napayuko si Agnese at ang lalaking ama ng dinadala nito. Si Ezperanza naman ay tutuk sa Don.
Si Rafael ay nakatingin din sa Don habang nilalaro ang mga palad nito."Matagal ko ding itinago sa anak ko ang nagyari sa ina nito. Ilang buwan kong hindi sinabi dahil alam kong masasaktan siya dahil malapit siya sa kanyang ina."
Parang maiiyak na ang Don. Nilapitan naman siya ni Ezperanza at tinapik ang likod ng Don.
"Simula noong nalaman niya ang totoo ay nagkulong siya sa kanyang silid. Ilang araw siya hindi kumakain. Nag-alala ako ng sobra sa kanya ngunit sa panahong yun ay wala akong ibang magawa. Isang gabi ay binisita ko siya sa kanyang silid. Narinig kong sinisisi niya ang kanyang sarili sa nangyari. Sinabi niyang sanay nakakakita siya siya sa hinaharap upang hindi na siya mawalan pa ng mahal sa buhay."
Hindi na mapigilan ng don na lumuha. Napahilamos siya sa kanyang mukha.
"N-ng g-gabing iyon ay...." hindi ko na pinatapos ang don. Hindi na maguhit ang kanyang mukha at makakasama sa kanya ang mga nangyayari ngayon.
"Sa madaling salita....." napatingin silang lahat sa akin.
"Ilusyon lang ang lahat....dahil sa mga pinagdadaanan niya ay gumagawa ng mga pangyayaring maaring mangyari sa kanyang sariling utak. Ang kanyang utak mismo ang gumagawa ng ilusyon."
"Ibig sabihin may sakit sa utak ang Señorita?" maiyak ng tanong ni Agnese. Natahimik naman ako at rinig na rinig namin ang hikbi niya.
"Matagal na ito nangyayari sa kanya....nagagawa kong gamutin ang ibang tao dahil isa akong doktor ngunit......sarili kong anak....hindi ko magawang gamutin" napayuko naman ako sa sinabi ng don.
"Hindi yan totoo" rinig kong bulong ni Rafael. Napahilamos siya sa kanyang mukha.
"Gumagawa ng ilusyon ang kanyang utak....akala niya sa sariling totoo ito...kinokontrol ng utak niya ang mga aksyon niya...matagal ko ng kilala si Krystal at malapit kami noon....naalala ko pa kung paano siya natuwa ng nagkakatotoo ang mga nakikita niya na isang ilusyon...dahil tuwing may naiisip siya nangyayari ito...akala niya may kakayahan na siyang makakita sa hinaharap ngunit ang totoo...itinakda lang talaga mangyari ang lahat...." napahinga ako ng malalim sa haba ng aking sinabi.
"Hindi yan totoo!" napasigaw si Rafael.
"Ano bang hirap intindihin doon?" tanong ko.
"Hindi siya baliw!"
"Sinong nagsabing baliw siya?!" napatayo ako at tinignan siya ng masama.
"Kailangan niya tayo ngayon....kailangan niya ng tulong...huwag nga kayong mag-initan diyan!" pumagitna si Ezperanza.
"Noong umuwi si Francis ay napaisip ako na baka siya ang solusyon para maitama ang iniisip ng aking anak....dahil noon...sa tuwing nakikita niya ang binata ay natutuon lang nito ang kanyang atensyon at wala na sa iba...kaya nahantong ako sa isang desisyon...ang itali siya dito..." wika ng Don.
"Hindi pa din siya gagaling niyan!" inis ko talagang tinignan si Rafael.
"Huwag kang sumigaw!" suyaw ko.
"Alam ko Rafael....hindi ko kayang makitang maging baliw ang anak ko...wala na akong iba pang paraan upang maitama ang pag-iisip niya..."
"Hindi! Hindi ang pagpapatali sa kanya ang solusyon!" sigaw pa nito.
Ano bang nangyayari sa lalaking ito?! Sanay nagkamali ako sa iniisip ko sayo.
"Anong solusyon ang mayroon ka?!"
itinuro ko siya."Ang kausapin siya! Ang ipaintindi sa kanya lahat! Ang....."
"Mahal mo ba si Krystal?" diretso kong tanong. Nanlilisik ang aking mga mata kakahintay sa sagot niya.
"Oo!" parang gusto kong pumatay ng tao dahil sa sagot niya.
Talo na ako....talong-talo kana Francis!
"Kakausapin natin siya ngayon...naniniwala ako sayo hijo...kakausapin natin siya" inalalayan ni Ezperanza na tumayo ang don. Sama-sama kaming lahat ng pumunta sa harap ng pinto ni Krsytal.
Ilang segundo bumuntong hininga si Rafael saka kumatok sa pinto.
"Krystal?" marahang tawag nito. Parang binaril ang puso ko.
"R-rafael?" mas lalong sumakit ang puso ko.
Talo kana...talo kana
Sinenyasan kaming maghintay sa labas ngunit sinandya niyang hindi isara ang pinto. Nagtago kami sa kabilang dulo.
"Pwede ka bang makausap?" tanong ni Rafael.
"Anong pag-uusapan natin?"
"Maari mo bang ikwento lahat ng nakita mo sa akin?" marahang tanong nito.
Nakinig naman kaming lahat sa kwento nj Krystal. May halong lungkot at paghanga ang aking nararamdaman ngayon dahil hindi niya hahayaang may mangyaring masama sa mga kaibigan at mahal niya sa buhay.
"Pag tinignan mo ba ako sa mata ay makikita mo ang hinaharap ko?" tanong ni Rafael.
"Hindi...noong una dahil sa dahilang hindi mo gustong mabuhay...hindi ko nakikita ang mga hinaharap ng partikular na tao kung ayaw niya namang dumating doon."
Parang iiyak na ako sa mga bago kong nalaman. Ganon kalala ang sakit ni Krystal. Gumagawa ng ilusyon ang kanyang sariling utak.
"Pero may pagkakataon bang nakita mo ako sa hinaharap?" tanong pa nito ulit.
"Oo" parang nanghina ang aking tuhod.
"Kung sasabihin kong hindi totoo ang mga nakikita mo...magagalit kaba?" dagdag pang tanong nito.
Ang dali mo magpasagot ng tao? Ay abogado ka pala eehh no?
"Alam ko namang imposible mangyari yun" wika ni Krystal.
"Anong gagawin ko para ipaniwala sayo na hindi totoo yang nakikita mo...hindi mamamatay si Agnese,ang iyong ama,si Roselia?"
Hindi nakasagot si Krystal.
"Ngayong mga araw...unti-unting naglalaho ang kakayahan ko dahil lubog ako sa kakaisip ng iba."
"Hindi mo ba sinagot ang tanong ko Krystal."
"K-kung ipapangako mong walang mangyayari sa kanila....alam ko naman na noon na may kakaiba sa akin...alam ko naman na para sa inyo ay baliw na ako."
"Kr-krystal...."
![](https://img.wattpad.com/cover/190790691-288-k98819.jpg)
BINABASA MO ANG
I can see my Future with you [COMPLETED]
FanfictionA girl named Kristal is living her pleasant life with her father not knowing his daughter's secret. She can see the future of a certain person she encounter and it make her life uneasy. She will meet a young man named Rafael who decided to end his l...