Natapos na ang misa,masayang naglalabasan ang mga dalagita,binatilyo,
mga bata,at mga matanda. Nasa bisig ngayo ni Don Dioscoro ang kanyang anak na si Kristal habang sila'y papalabas ng simbahan.Ang ganda ng silaw ng araw ngayong umaga,nagaawitan ang mga ibon kasabay ng paglalaro ng mga bata ng patentiro sa gilid ng simbahan.Nakangiting pinagmamasdan ni Kristal ang mga masasayang batang naglalaro at mga dalagitang naglalako ng bulaklak ng sampaguita.
"Binibini, bumili po kayo ng sampaguita ko"wika ng isang batang babae kay Kristal.
Napangiti naman si Kristal sabay lingon sa kanyang ama na ngayon ay alam na kung ano ang hihilingin ng kanyang anak."O siya,heto"wika ng Don sabay kuha sa kanyang bulsa ng isang pirasong pilak."Bibilhin ko lahat ng iyong paninda munting binibini"wika ng dalaga sabay yuko at pisil ng pisngi ng bata. Napangiti naman ang Don dahil kahit pa man siya lang ang nag-aruga sa kanyang anak ay napalaki naman niya ito ng maayos. Abot hanggang langit ang ngiti ng dalaga sabay bigay kay Kristal lahat ng kanyang paninda.
"Maraming salamat po Binibini,isa po kayong hulog ng langit"sabi ng bata.Habang nagkatingginan sila ng batang babae ay biglang umikot ang kanyang paningin at nakita niya ang kapalaran nito.
"Oh handa na po ba kayong makita siya?"tanong ng dalaga habang nakatingin sa isang matanda na nakaupo lamang malapit sa bintana."Kahit pa man matagal ko na siyang hindi nakita,nananabik parin ang aking puso na makita siya"saad ng matanda. Hinawakan naman ng dalaga ang kamay ng matanda sabay sabi "Malaki pong naitulong niyo sa akin.Nang mamatay ang aking mga magulang ay kayo po ang tumayong ina ko.Gagawin ko po lahat ng aking makakaya upang makita mo po ang iyong sinisinta.Wala na po akong planong mag-asawa dahil kung makita ko lang po kayong masaya ay masaya na din po ako."
Biglang niyakap ng matanda ang dalaga.Kahit paman hindi niya ka dugo ang matanda ay hindi parin maipagkakaila na naging malapit na ito sa kanya. Sa lahat ng naranasan niya sa buhay,at lahat ng masasayang nangyari sa kanya ay hindi niya makakalimutan na ang pinakamasayang nangyari sa kanya ay ang naging pangalawang ina niya ang matanda.
Habang nasa bisig nila ang isa't isa ay bigla nalang tumulo ang luha ng dalaga."Lalabanan po natin ang kapalaran ng magkasama.Hindi po kita iiwan,pangako."
"Basta ipangako mo sa akin na. papahalagahan mo ang mga taong palaging nandiyan para sayo at maging isa kang mabuting bata"saad ni Kristal. Napatango naman ang bata sabay sabi"Salamat po ulit,makakabili na po ako ng pagkain para sa aking mga kapatid" nakangiti nitong sabi.
Biglang tinusok ng karayom ang puso ni Kristal. Sa karangyaan niyang tinatamasa ay merong ibang nagtatrabo at nangingilimos para lang mabuhay sa murang edad pa lamang. Napangiti na lang siya sa bata habang itoy tumatakbo ng masaya dahil meron na itong pera para bilhan ng pagkain ang kanyang mga kapatid.
"Ang dami naman niyan anak,mamatay lamang yan"saad ng Don. Napa-isip naman ang dalaga."Hindi po ito masasayang ama,ibibigay ko po ito kay ina"wika niya habang may ngiti sa kanyang labi. Napangiti naman ang kanyang ama na may halong lungkot sa kanyang mga mata.
"Swerte talaga ako na ikaw ang naging anak ko,wag mong kalimutan na mahal na mahal kita "wika ng Don at hinalikan ang noo ng anak.
![](https://img.wattpad.com/cover/190790691-288-k98819.jpg)
BINABASA MO ANG
I can see my Future with you [COMPLETED]
FanficA girl named Kristal is living her pleasant life with her father not knowing his daughter's secret. She can see the future of a certain person she encounter and it make her life uneasy. She will meet a young man named Rafael who decided to end his l...